Chapter 58

6 0 0
                                    

This chapter is dedicated to AmesRead

Gail POV...

Naramdaman ko nalang na pinunasan niya ang luhang kanina pa pala tumutulo sa pisngi ko.

"Wag ka nang umiyak,"sabi niya sa akin at niyakap ako ng mahigpit sabay halik sa noo ko. Ang swerte ko talaga sa asawa ko. Nginitian ko lang siya at ibinalik ulit ang tingin sa malaking Flatscreen TV na nasa harapan namin.

"I'm so happy for the both of them"sabi niya habang tinitingnan rin ang dalawang taong sumasayaw ngayon.

"Me too,"sabi ko naman sa kanya

🎶🎵Baby, I'm dancing in the dark, you between my arms...🎵🎶

"Guys, malapit nang matapos ang kanta, Get ready in 1 minute"dinig kong sabi ni Eros through earphone (He is our director)

"Get ready na daw"sabi ko kay Mike

"Narinig ko"sabi niya at inirapan ako

Hanggang ngayon ay naiinis pa rin siya. Gusto niya kasi na siya ang mag direk nitong palabas namin but too bad dahil hindi siya pwedi, isa kasi siya sa mga supporting character ng bida namin. Actually kami ni Jared ang nagsulat I mean nag plano nitong malateleseryeng palabas. A combination of Romantic Scene and a Mystery and Thriller. Oh di ba, ang ganda ng collaboration??? Take note gumamit pa kami ng 4D realistic animation niyan para magmukhang totoo talaga. Si Yale naman ang nagplano sa mga effect ng lights at sounds. Si Miguel ang Time keeper namin habang si Yoon naman ang taga Go cignal sa amin at taga pagbalita, siya ang taga tingin sa CCTV monitor kung ano na ang nangyayari. Si Lance naman ang kanang kamay ni Eros, Assistant director kumbaga 😂😂😂

Lahat kasabwat namin sa planong ito, kinausap namin ang lahat ng staff nitong hospital pati na ang mga pasyente, at buong puso naman nila itong tinanggap at nakipagcooperate sa amin. Kinausap din namin ang may-ari nitong hospital para makapagpaalam sa gagawin naming plano. Hindi na siya nagdalawang isip, pinayagan niya agad kami. Gusto niya sanang pumunta dito kaya lang naka schedule na yung pag-alis niya ngayong araw patungo sa Italy.

Best actor at actress ang dalawa kong anak. Proud Mommy here 🙆🙆🙆, saan pa ba nagmana ang mga yan, syempre sa Mommy nila. At syempre Best Actress din ang lola niyo... sabay sabay tayong pumalakpak 👏👏👏 tentenenen... kunin ang trophy 🏆🏆🏆

Napatingin rin ako sa mga taong kasama ko ngayon, naiyak rin pala sila sa nasaksihan nilang palabas. Na touch naman ako. Papunta na kami ngayon sa Groundfloor, nandito pa rin kasi kami sa Emergency room nitong second floor pero hindi ito yung room na ginagamit namin. Private room daw 'to nang doctor na naka assign sa second floor, medyo malaki siya at napapalibutan ng mga malalaking flatscreen TV kung saan nakikita niya at nai-momonitor ang bawat pasyente nitong Emergency Room. Mga staff lang ng hospital ang kasama namin dito, yung may duty ngayong araw tuloy pa rin ang trabaho, nandoon sila sa 7th floor at 8th floor kasama ang mga pasyente.

Maya-maya pa narating na namin ang groundfloor, Dumiretso agad kami sa Mini-Garden nitong Hospital. Sa Fire exit kami dumaan papunta dito para hindi nila kami makita.

"Yow, Job well done,"sigaw ni Jared at nag fistbump pa sila ni Lance

"Guys, their heading their way towards us,"anunsyo si Yoon

"Get Ready in 30 seconds"_Eros

Pinatay na muna ang ilaw, at Kanya-kanya na kaming pumunta sa aming mga pwesto dala-dala ang inihanda naming mga banner at Tarpaulin

In

5,

4,

3,

2,

and

1

"HAPPY BIRTHDAY!!!"sabay-sabay na sigaw namin kasabay ng pagsabog ng Fireworks...

Matapos ang Firework display, nagliwanag na ulit ang paligid at Dahan-dahang umulan ng rose petals, at sabay-sabay na naming pinalipad ang hawak naming mga lobo habang kumakanta ng Birthday song.

Lumabas na si Tita at Tito sa kanilang pinagtataguan, Walang kaalam-alam si Lovi na nasa likod niya na sila.

"Happy Birthday Anak,"dinig kong sabi nila kay Lovi

Bigla nalang napahagulgol ng iyak si Lovi at mihigpit naniyakap ang mga magulang niya.

Lumapit naman si Jared sa kinaroroonan nila dala-dala ang Cake, 🎂🎂🎂

🎶🎵Happy Birthday to you, Happy Birthday to you, Happy Birthday, Happy Birthday, Happy Birthday to you...🎵🎶

"Happy Birthday Tita"sabay na bati ng mga anak ko nang tuluyan na kaming makalapit sa kanila.

Napangiti naman si Lovi nang makita sila. Agad niyang niyakap ang dalawang bata.

"We love you Tita,"umiiyak na sabi ni Grace at Angelo habang nakayakap kay Lovi

"I love you too,"umiiyak naman na sambit ni Lovi habang nakayakap parin sa kanila.

Maya-maya pa umugong na ang malakas na tugtugan at ang lahat ay bigla nalang napaindak at nagsimula nang sumayaw...

To be Continued...

ScarletNicole

Chics HunterWhere stories live. Discover now