Eros POV...Ahm, I'm bored... wala ako sa mood para sabayan ang trip nila, Kanina pa sila dito nagkukulitan, at kanina pa rin ako naririndi sa mga boses nila, actually hinihintay nalang namin na Matapos si Mattheo sa nililuto niyang ulam. Dahil sa wala akong magawa, I open my facebook account and suddenly may nag flash na isang video sa news feed ko, I don't know kung sino siya basta naka facebook live siya ngayon at ang nakikita kong senario ay isang kaguluhan sa Canteen. Nacurious ako kaya pinanood ko yung video.
Lumapit ang isang babae doon sa table ng isang estudyante sabay kuha doon sa soup, nagulat naman ito sa ginawa niya kaya hindi na nito naituloy ang kinakain. Maya-maya pa ay ibinuhos niya ito sa isang babae. Masyadong malikot ang may hawak ng camera at narinig ko na parang biglang nagtawan ang mga estudyante pati na rin ang nag vi-video. Hindi ko alam kung ano ang sunod na nangyari, nakita ko nalang na napuno ng chocolate cake ang mukha ng babaing kumuha ng soup kanina tapos isang estudyante ang lumapit sa kanya sabay pinuluputan siya ng pansit sa leeg, at kung ano-ano pa ang pinag-gagawa niya doon sa babae. May isa pang babaing dumating at parang nagsalita pa ito, hindi ko nga lang masyadong marinig ang sinabi niya dahil masyadong maingay ang paligid.
Napalingon naman sa kanya yung babaing binuhusan ng soup, at labis na lamang ang gulat ko ng makita ang babae. Hindi ko na ipinagpatuloy ang panonood sa Video, agad akong napatayo sa kinauupuan ko."Maiwan ko na muna kayo dito, may titingnan lang ako"sabi ko sa kanila
"Mamaya nalang siguro iyan. Nakahanda na ang pagkain, halina kayo't kumain na tayo"_Jared
"Mauna nalang kayo, babalik din naman ako agad"sabi ko sa kanila at hindi na pinakinggan pa ang mga pinagsasabi nila.
Patakbo kong tinungo ang cafeteria,
Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ay dinig ko na ang sigawan ng mga estudyante
"OMG!!! Si Eros my love 😍😍😍"
"Eros, ako yung fiance mo"
"Eros sobrang crush na crush talaga kita,"
"Eros akin ka nalang,"
"Eros please marry me nalang"
"Eros meant to be talaga tayo, kailan mo ba ako papansinin???"
"Eros, ako yung future wife mo"
"Eros, hindi na ako makapaghintay na makasama ka habang buhay,"
Napabuntong hininga nalang ako sa mga pinagsasabi nila. Ganon na ba talaga ako ka-gwapo para pagkaguluhan nila??? Parang nadaig ko pa yata si Kim Taehyung nito e,
Kasalanan ko ba kung patay na patay sila sa akin??? Sabagay, sino ba naman ako??? Ako lang naman si Eros Thorne Almonte na pinag-papantasyahan ng mga kababaihan, sa gwapo ko ba namang ito hindi na kataka-taka iyon.
Hindi ko nalang sila pinansin at tumuloy-tuloy lang sa paglalakad. Hihanap ko sila sa loob pero hindi ko na sila nakita. Nilibot ko na rin ang buong palapag ng cafeteria pero hindi ko pa rin siya nakita.
Ano kaya ang nangyari sa kanya??? Okay lang kaya siya??? Natanong ko nalang bigla sa sarili ko
"Bakit nga ba ako nag-aalala sa kanya??? Ano ba ang pakialam ko???"Wala sa sariling nasabi ko
"Ahm.. Eros, are you alright???"biglang sabi ng babaing kaharap ko
"Ha???"nasabi ko nalang
"Waah... you're so cute"_Siya
Ano daw???
Nginitian ko nalang siya ng pilit.
"Nag away ba kayo ng Girlfriend mo??? Don't worry, Nandito naman ako and I will do everything to make you happy pag naging tayo"sabi niya sabay ipinulupot ang kamay niya sa kamay ko
Napataas naman ako ng isang kilay dahil sa sinabi niya.
"Pasensya na, hindi ko alam ang sinasabi mo. Tsaka mahal na mahal ko ang Girlfriend ko kaya hindi ko siya ipagpapalit kahit kanino"sabi ko sa kanya sabay tanggal doon sa kamay niya.
"You mean, mahal mo yung nerd na yon??? Ang pangit niya kaya, hindi kayo bagay"maarteng sabi niya
"Okay lang. At least hindi siya katulad ng ibang babae diyan, Ang Ganda nga nila, nagmumukha namang bayaran. Tsaka hindi siya Nerd, Angie! Angie, ang pangalan ng Girlfriend ko"sabi ko sa kanya
"Whatever. Mapapasaakin ka rin,"sabi niya sabay walk out
"Sinabi mo ba talaga na mahal mo si Angie???"Biglang tanong ni Lance na ikinagulat ko naman dahil sa biglaang pagsulpot niya sa tabi ko
"Tss. Hindi nuh... ano ba ang ginagawa mo dito???"inis na sabi ko sa kanya
"Hindi daw. Pinagtanggol mo pa nga e. Mukhang ibang level na yan bro! Kailangan nilang malaman 'to"_Lance
Binatukan ko nga,
"Ouch,"_Lance
"Asa namang mamahalin ko talaga ang nerd na yon."_Ako
"Parang kanina lang ipinagtatanggol mo pa siya tapos ngayon nilalait mo na"_Lance
"Alam mo namang she is not my type di ba??? It's just that I need her for the sake of my grade kapag tinatamad akong mag aral"sabi ko sa kanya
"Okay, sabi mo eh. Ano pala ang type mo sa isang babae???"_Lance
Napaisip naman ako sa sinabi niya. Ano nga ba ang gusto ko sa isang babae??? Ahm... biglang nag flash yung mukha niya kaya wala sa sariling napangiti ako.
"Ang lapad ng ngiti mo bro!!! hulaan ko, dahil yan sa babae noh???"_Lance
"Ano pa ba ang bago doon???"_Ako
"Bukod sa matagal mo nang crush itong si Suzy Bae, wala namang nagbago. Mas gwapo pa rin ako sayo,"_Lance
"Asa ka. Ang pangit mo kaya,"_Ako
"Sige ganito nalang, Magkasing level nalang muna tayo ng kagwapohan ngayong araw pero bukas mas gwapo na ako sayo,"_Lance
"Sino ba ang niloloko mo??? Mas gwapo pa rin ako sayo bukas at sa mga susunod pang araw,"_Ako
"Parang may tumatawag sa akin"biglang sabi ni Lance sabay Kuha ng cellphone doon sa bulsa niya
"Hello Tanda, Oo pabalik na ako diyan,"dinig kong sabi ni Lance
"Patay!!! Nakalimutan ko ang ini-utos nila sa akin. Samahan mo nga akong bumili ng drinks"_Lance
Yun pala ang ipinunta niya doon sa cafeteria. Paano ba yan, medyo malayo-layo na kami doon kaya wala kaming choice kundi ang bumalik ulit para bumili ng drinks.
Mukhang naubusan na yata kami ng stock doon. Ilang araw na rin kasi kaming hindi nakapag grocery kaya malamang ay kakaunti na rin lang ang natitirang pagkain doon sa Mini-Fridge namin.
Ang mabuti pa siguro ay yayain ko silang mag grocery mamaya.
To be Continued...
♡Scarlet Nicole♡
YOU ARE READING
Chics Hunter
Детектив / ТриллерMaraming nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala ang mga Playboy, Playgirl at Timer dito sa mundo, At ang palaging kasunod ng tanong na iyan ay ang: Bakit nga ba sila ganyan??? at Bakit nila ito ginagawa??? Bakit nga ba...