Chapter 29

23 5 0
                                        


Jared POV...

Annyeong...🙋🙋🙋

Kumusta kayo??? Namiss niyo ba ako??? Kasi ako namiss ko kayo, ngayon lang naman ulit ako nagkaroon ng POV...

*
*
*
*
*
*
*
*

Hindi kami nakapag Grocery kaya yung Food storage namin walang laman, kaya ngayon sa Cafeteria na muna kami kumain.

Yung pwesto namin nasa pinakadulo, alam niyo kung bakit??? Ayaw kasi naming maExpose yung magandang mukha namin, mahirap na baka mamaya niyan pagkaguluhan pa. Pero syempre Joke lang yun. 😉😉😉 Ang totoo niyan pinili talaga namin yung pinakadulong pwesto kasi hindi gaanong maingay dito.

Sa dinami-dami ba naman ng mga Estudyante dito at sa laki ba naman ng school na 'to, hindi na ako magtataka kung ang isang building ay para lang sa Cafeteria, Magugulat ka ba pagsinabi kong hanggang 5th floor yung cafeteria namin??? Nasa 3rd floor na nga kami eh... Yung Ground floor, 1st and 2nd floor kasi wala nang vacant table. First come, first serve yung priority nila, bawal ang reservation dahil masyadong unfair sa iba. At mas lalong bawal umangkin ng spot dito. Pero wag ka, mabilis yung serving nila dito, walang wala yung mga restaurant sa labas.

Dumating na sa table namin si Yoon, Eros, at Yale Dala-dala yung inorder nilang pagkain.

"May bagong ipapatupad daw ang management,"sabi ni Yale habang hinihila yung upuan niya.

"Ano naman yun???"tanong ni Mattheo

"Baka next month, kapag kakain ka dito sa cafeteria, hindi mo na kailangan pang pumunta doon,"sabi niya sabay turo niya doon sa may casher

"Bakit naman???"tanong ni Miguel

"Magkakaroon na daw ng waiter,"_Yale

"Mas mabuti yun, para hindi na masyadong maggulo,"sabi ko naman sa kanya

"Talaga??? Paano mo naman nasabi yan???"_Mattheo

"Narinig ko lang kanina sa mga nag-uusap,"sabi ni Yale sabay subo ng pagkain niya

"Kahit kailan talaga, ang tsismoso mo, kalalaki mong tao"sabi sa kanya ni Eros.

"Hindi ko naman siguro kasalanan kung narinig sila ng tainga ko. Sa lakas ba naman ng boses nila,"_Yale

"May point ka,"sabi ni Lance

"Kaya hindi ako tsismoso nuh,"_Yale

"Tsismoso ka pa rin dahil nakikinig ka sa usapan ng ibang tao,"_Eros

"Hindi nga ako nakikinig sa kanila, Aksidente ko lang silang narinig,"paliwanag ni Yale

"Whatever,"_Eros

Si Yoon panay lang ang subo ng pagkain niya, iwan kung naiintindihan niya yung mga pinagsasabi namin dito. Medyo nakaka-pagsalita na rin naman siya ng tagalog, ang sarap ngang pakinggan eh...

"Kwaen-chan-a-yo???"
(Okey ka lang?) tanong ko kay Yoon.

"Ne, okay lang acuh... Ang Cha-rap ng Pag-ka-in"Nakangiting sabi niya,

Napatingin naman ako sa pagkain niya, Ubos na agad 😮😮😮

"Can I have this???"sabi niya kay Yale habang tinuturo yung beef stick niya.

Chics HunterWhere stories live. Discover now