Chapter 25

19 4 0
                                        


Yale POV…

Ang ingay talaga ng mga classmate ko, kapag wala yung teacher.

Kainis nga, dahil kung kailan maaga akong pumasok, tsaka naman Absent yung teacher. Wala kaming first period sa umaga. Absent kasi yung teacher namin, siya rin yung Adviser namin, kaya ang gulo sa classroom. May 25 minutes pa bago ang second subject namin.

Parang nahihilo na nga ako sa mga classmate ko eh, ang iba kasi naghahabulan, yung iba naman nag babatuhan ng nga papel, habang ang iba naman ay busy sa sarili nilang mundo.

Napatingin ako sa katabi ko, mukhang natutulog yata, kinuha ko nalang ang cellphone ko at nag play ng music at inilagay yung earphone sa tainga.

Habang nakatingin sa may pintuan, May biglang pumasok na isang babae...

Wow!!!

Nananaginip ba ako ng gising or Imagination ko lang 'to???

Para akong nakakita ng Anghel sa sobrang ganda niya. Feeling ko nga parang kaming dalawa lang yung tao dito sa classroom. Ni hindi ko nga naririnig yung mga ingay ng classmate ko.

Ang ganda niya talaga, hanggang sa hindi ko namalayan na titig na titig na pala ako sa kanya, Biglang nagtagpo ang aming mga mata, Nginitian ko siya kaya lang tiningnan niya lang ako sabay naupo doon sa Vacant Chair na katabi ko sa Right side at isinubsob ang mukha niya.

Aba! Ang lakas ng loob niyang balewalain ang kagwapohan ko. Pasalamat nga siya dahil nginitian ko siya, samantalang yung iba nga nag E-effort pa makita lang yung maganda kong smile tapos sa kanya parang balewala lang??? Sino ka ba para balewalain ang napakagwapong si John Yale Park??? Pagsisisihan mo yang ginawa mo. 😡😡😡

Napag isip-isip ko na parang ngayon ko lang siya nakita. Parang hindi rin pamilyar yung mukha niya sa akin, hindi ko kasi siya nakikita sa tuwing pumapasok ako at lalo namang wala akong katabi dito sa Right side ko, walang naka upo diyan eh. Ako yung last na nakaupo sa last row, kaya feeling ko Newbie siya.

Parang napapadalas na yata ang mga transfeere ngayon ah...

Gusto ko sana siyang kausapin kaya lang, Wag na!!! Baka kasi mag feeling pa...

Pwes... Maganda ka lang at Gwapo rin naman ako, kaya kung Who You ako sayo then Who You ka rin sa akin.

"Good Morning Sir,"biglang sabi ng mga Classmate ko at mabilis na bumalik sa kanilang sariling upuan...

"Please, get your text book and read page 35-38, and after that we will be having an Activity"sabi ni Sir

Science yung subject namin. Kinuha ko na yung libro ko at nagsimulang magbasa.

Habang tahimik kaming nagbabasa, tinitingnan naman kami ni Sir isa-isa kung talagang nagbabasa ba kami. Papalapit na siya sa akin. Nilagpasan niya na ako. At pumunta siya sa katabi ko, pasimple naman akong sumulyap sa kanya na kunyaring may tiningnan sa bintana,

"Parang ngayon lang kita nakita, transferee ka ba???"dinig kong sabi sa kanya ni Sir

"Yes Sir,"_Siya

"Attention, class we have a Transferee,"biglang sabi ni Sir kaya napatigil muna sila

"Transferee???"wala sa sariling sabi nila

"Sir, wala po tayong transferee dito, baka nagkamali lang kayo,"sabi ng isa kong classmate

"Meron, please kindly introduce yourself,"sabi ni Sir doon sa babae, pumunta naman siya sa unahan

"Pare, ang ganda niya"dinig kung bulong doon sa katabi ng katabi ko

"Saan kaya siya dumaan, ba't hindi ko siya nakita kanina,"sabi pa ng isa kong classmate

"Malamang sa pintuan, hindi naman siguro siya kasya kung dumaan siya sa bintana, hindi lang talaga natin siya napansin dahil busy tayo kanina"sabi naman ng kausap niya

Marami pa akong bulong-bulongan na naririnig.

"Class, Quite"suway ni Sir

"Good Morning everyone,"_Siya

"Good Morning,"sabi naman ng mga classmate ko.

At dahil naiinis ako sa ginawa niya sa akin kanina.

Alam niyo ba kung ano ang ginawa ko???

Habang tahimik ang lahat, at nakatingin sa kanya, Pinatugtog ko lang naman yung Cellphone ko ng pagka lakas-lakas, kaya bigla silang napatingin sa akin.

"Sorry, may tumatawag"Sabi ko sa kanila

"Anong klaseng ringtone ba yon???"dinig kong sabi ng isa kong classmate. Tiningnan ko siya ng masama kaya napaiwas siya ng tingin sa akin.

"How are you???"_Babaing nagpapakilala

"We're good,"sabi naman ng mga classmate ko except sa akin

"By the way I'm..."_Babaing nagpapakilala

"Hello,"sabi ko with my loud voice

"Mr. Park,"sabi sa akin ni Sir na may kasamang masamang tingin

"He...he...he.."nasabi ko nalang at patuloy na nagpanggap na kunwaring may kausap sa phone

"So I transfer here because blah blah..."_Babaing nagpapakilala

"Talaga po???"sabi ko kunwari sa kabilang linya

Napatingin naman silang lahat sa akin.

"Sorry, na excite lang"sabi ko sa kanila

"Please continue"sabi ni Sir doon sa babae

"Ano kamo??? Magpa-party ka ngayon"sabi ko pa rin with my loud voice sa kunwaring kausap ko.

Inis na naman silang tumingin sa akin.

"Sorry ulit, napalakas yata"sabi ko sa kanila

"Mr. Park, please get out..."inis na sabi sa akin ni Sir

"Sir, may sinasabi po kayo???"inosente kunyaring tanong ko sa kanya

"Ginagalit mo ba talaga ako???"_Sir

"Ito na nga eh, lalabas na... inaayos ko lang kasi yung bag ko,"sabi ko sa kanya

"1... 2...."_Sir

Kinuha ko na yung bag ko at lumabas, mahirap na baka maging dragon si Sir at bumuga ng apoy...

Haayyy Naku Yale, ano ba ang pumasok diyan sa kokote mo at nagawa mo yun??? Yan tuloy hindi mo nalaman ang pangalan niya. (Pagkaka-usap ko sa sarili ko)

Makapunta na nga lang sa Garden at makapag palamig ng ulo.

To be Continued…

ScarletNicole

Chics HunterWhere stories live. Discover now