Chapter 59

5 0 0
                                    

This chapter is dedicated to YssaZednanref

Mattheo POV...

"Happy Birthday,"sabi ko sa kanya nang matapos na kaming sumayaw. Hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak. Hinalikan ko siya sa noo at inalalayan siyang maglakad patungo sa Mini-Garden nitong hospital. Tahimik naming tinahak ang daan patungo doon. At gaya nga ng napagplanohan namin, nanatiling madilim ang paligid.

Habang papalapit kami sa kanila, dahan-dahang nagkaroon ng mumunting liwanag na galing sa mga halamang naroon at kasabay ng pagsabog ng Fireworks ang siya ring malakas na pagsigaw nila nang HAPPY BIRTHDAY. Nagulat naman si Charlyn sa biglaang pagsigaw nila, napangiti nalamang siya at napatingin sa Fireworks.

Nang matapos na ang Fireworks display, Bigla na lamang umulan ng rose petals at Isa-isa na nilang pinalipad ang mga hawak nilang balloon habang kumakanta ng Birthday song. Maya-maya pa lumapit sa amin si Jared na dala-dala ang cake.

Ipinikit na muna ni Charlyn ang dalawa niyang mata para mag wish bago niya inihipan ang kandila.

"Happy Birthday Anak"sabay na sabi nila Tita at Tito mula sa likuran namin.

Naiyak na naman si Charlyn nang marinig ang boses nila, agad na humarap siya at sinalubong sila ng mahigpit na yakap. Lumapit na rin sa amin sila Gail at Mike kasama ang dalawa nilang anak.

Mas lalong bumilis ang paglandas ng mga luha ni Charlyn nang makita ang dalawang bata. Agad itong yumakap sa kanya at naiyak na rin. Lumapit naman sa kanila ang mag-asawa at dinaluhan sila.

Maya-maya pa ay umugong ang malakas na tugtugan at ang lahat ay bigla nalang napaindak at nagsimula nang sumayaw...

Sinundan ito ng slow music, Agad naman na Isinayaw ni Mike si Gail. Di nagtagal ay lumapit sa kinaroroonan namin si Lance,

"Can I have a dance with you, Bb. Ganda???"sabi niya at yumukod pa bago tuluyang iniabot ang kanyang kamay.

Natawa naman si Charlyn sa inasta niya.

"Sure,"sabi naman ni Charlyn sa kanya.

"Maiwan kana muna diyan bro, Wag kang mag selos ha???"sabi ni Lance sa akin at nginisian pa ako.

Loko talaga 'tong lalaking 'to. Inirapan ko nalang siya. Tamang-tama naman na dumaan din ang isang waiter pagkaalis nila kaya kumuha ako isang baso ng wine at agad na tinungga ito. Pinagmasdan ko nalang ang mga taong sumasayaw habang hinihintay na bumalik si Charlyn. Hinanap ko rin ang mga kaibigan ko at nakita ko sila sa isang table kasama sila Mike at Gail. Aliw na aliw naman na nilalaro ni Eros at Yale ang dalawang bata, habang ang iba naman ay nagkukwentuhan.

Hindi naman gaanong marami ang taong narito. Karamihan ay mga staff lang at ilang mga pasyente nitong hospital. Wala ring gaanong bisita si Charlyn dahil bukod sa pamilya niya, ilang malalapit na kaibigan lang naman nila ang nandito. Medyo malaki naman itong minipark kaya malayang nakakagalaw ang bawat isa. Actually hindi naman talaga ito ang original plan namin. Dapat kasi isang simpleng surprise lang kaya lang sabi ni Gail masyadong boring, dapat daw medyo romantic yung scene. Then sabi naman sa kanya ni Mike masyado na daw common yung mga ganoong eksena dapat maiba naman daw, Dahil masyadong nakakasawa na. Then sabi naman ni Jared, lagyan nalang daw ng twist. So he suggested to put a little mystery on it para naman daw may thrill. Pumayag naman sila sa ideyang iyon, habang ako naman ay nagdadalawang isip. Hindi naman kasi mahilig si Charlyn sa mga bonggang handahan, gusto niya kasi simple lang. Nakakahiya naman kong ako lang ang against sa naisip nila, Kaya pumayag nalang ako. Nagawa pa nga nila akong itali sa upuan kanina eh. Hindi kasi ako mapakali habang pinapanood si Charlyn sa CCTV monitor. Akala niya kasi, talagang sangkot sa sindikato ang mga magulang niya. Gustong-gusto ko na talaga siyang puntahan at yakapin sa mga oras na 'yon. Panay kasi ang iyak niya at gulong-gulo na siya sa mga nangyayari. At ang Mas lalo ko pang ipinag-alala ay ang kalagayan niya. Hindi ko kasi alam kung kaya ba nang katawan niya ang ganoong activity, hindi talaga mapalagay ang loob ko kanina kahit na palihim rin siyang sinusundan ng ilang nurse at doktor. Halos pigil rin ang paghininga ko kanina habang nakatingin lang sa kanya. Akala ko nga masisira ang plano dahil matagal niyang nasagutan ang clue na ibinigay ni Jared, pagkatapos niya kasing basahin ang sulat ay bigla nalang siyang napaupo at nagsimula na namang umiyak. Ilang minuto rin siyang nanatili sa CCTV room dahilan upang mabahala ang lahat. Akala kasi nila I mean namin hindi niya nakuha ang lugar na tinutukoy sa clue. Nang papunta na siya sa elevator pinakawalan na nila ako. Sa sobrang inis ko, pinagsusuntok ko yung mga kaibigan ko. Don't worry dahil mahina lang naman yun. Tinawanan pa nga nila ako eh. Mga loko talaga...

Isang malutong na sampal tuloy ang inabot ko nang dahil sa kanila. Aaminin ko na medyo masakit talaga ang pagkakasampal sa akin ni Charlyn kanina, Nagalit pa tuloy siya sa akin. Ay hindi pala, Galit na galit talaga siya sa akin. Kasalanan nila yun eh. Paano ba naman, ako ang ginawang murderer??? Eh, pwedi naman nila akong gawing bida??? Di ba??? Pwedi namang dumating ako on the rescue para kunyari tulungan siya. O Kaya naman kunyari nagising ako bigla at pinuntahan siya para i-check dahil napanaginipan ko na may nangyaring masama sa kanya. Ang daming excuse na pweding gamitin para doon. Pero pinili pa rin nila na gawin akong kontrabida. Napasama pa tuloy ang image ko kanina. Palibhasa insecure lang sila sa kagwapohan ko, kaya pati sa Girlfriend ko sinisiraan nila ako.

To be Continued...

ScarletNicole

Chics HunterWhere stories live. Discover now