Eros POV...
Nakarating na kami sa Principal's office at nagulat ako dahil nandito rin pala sila.
Tiningnan ko sila na parang nagtatanong but they just shrug their shoulder.
"Good Morning Madam,"sabay na sabi namin ni Lance ng dumating na ang principal. Galing siya sa isang kwarto dito sa opisina
"Mabuti naman at nandito na kayong dalawa, kanina pa namin kayo hinihintay. Maupo na kayo at may pag-uusapan tayo"_Principal
Agad naman kaming naupo sa couch.
"According to your adviser, isang linggo na kayong hindi pumapasok. Alam niyo naman siguro na matinding ipinagbabawal ang pagcu-cutting class sa paaralang ito. And you all know that, 1 week consecutive absent in the class will be considered as drop out. In your case, since matataas naman ang mga grades niyo gusto ko lang malaman ang dahilan ng isang linggong pag absent niyo sa klase whether it is acceptable or not. So that makapagdesisyon na rin kami ng mga staff kung bibigyan ba namin kayo ng second chance"_Principal
"Ang ibig niyo po bang sabihin ay maaring matanggal kami sa paaralang ito???"gulat na tanong ni Miguel
"Yes. Just in case the reason of escaping the class is unacceptable. Sabi ng mga adviser niyo, mga active student naman daw kayo pagdating sa mga school performance and activities. Some of you are achievers in the class that is why they are wondering of your sudden dissapearance. Hindi naman siguro aabot sa ganito kung walang matinding dahilan di ba???"_Principal
"Madam we are hoping that after hearing our reason, you could still give us a second chance. I don't really wanted to leave this school. This is my second home and I am afraid to lose it"_Miguel
"Ano ba kasi ang ginawa niyo at hindi niyo manlang naisipang mag sulat ng excuse letter??? Magkakaibigan kayong lahat dito???"_Principal
"Opo Madam,"_Yale
"The reason behind this is because of the matter between life and death po Madam, kaya nagawa naming mag-absent nang ganoon katagal"_Jared
Nakita ko naman ang pag seryoso ng mukha ni Madam,
"Kasalanan ko po ang lahat Madam, hindi po kasi ako masyadong nag-iisip kaya nagpadalos-dalos ako ng desisyon sa buhay. Nadamay pa tuloy sila. Ako nalang po ang aako sa lahat basta wag niyo lang po silang paalisin sa paaralang ito"_Mattheo
"You mean, isa sa inyo ang nag agaw buhay???"di makapaniwalang tanong ng Principal
"Yes, Madam. Mattheo try to commit suicide"_Yoon
"What???"shock na sabi ni Madam
"Sino ba sa inyo si Mattheo???"_Principal
Sabay-sabay naman kaming napaturo kay Mattheo
"Ikaw???(sabi ni Madam habang nakaturo kay Mattheo kaya napayuko nalang ito) ano ka ba naman??? Ba't mo naisipang gawin iyon??? Sa tingin mo ba kapag nagpakamatay ka masosolusyonan na ang mga problema??? Hindi di ba??? Dahil mas dumagdag ka pa lalo sa problema. Hindi ka manlang ba naawa sa mga taong nagmamahal sayo???"sermon sa kanya ng Principal
"Buti nalang nandito ang mga kaibigan mo. Maswerte ka dahil buhay ka pa, bakit ba gustong-gusto mo nang mamatay??? Hindi mo ba naisip na samantalang yung iba nga diyan lumalaban para mabuhay. Tapos ikaw, hindi mo manlang pinapahalagahan yang buhay na meron ka. Hindi lang naman ikaw ang may problema eh, Lahat tayo dumadaan sa matinding hamon ng buhay. Kaya wag na wag mong iisipin na ikaw lang yung naghihirap dahil may mas mabigat pa sa dinadala mo. Akala mo ba madali lang ang lahat??? Mahirap... sobrang hirap kung alam mo lang, dahil parang pasan mo ang buong mundo kaya lang hindi pagpapakamatay ang solusyon dito. Matuto kang lumaban para malampasan ito hindi yung magpapadala ka sa emosyong nararamdaman mo at sa mga taong nakapaligid sayo,"patuloy na sermon ni Madam sa kanya.
"Sorry po"_Mattheo
"Sorry??? Sa tingin mo ba maibabalik pa ng salitang sorry kung nawala na ang buhay mo??? Yan tayo eh, hindi na natuto!!! Porke na imbento ang salitang sorry, akala nila unlimited na ang paggawa ng mali at hindi tama. Baka naman hindi mo alam ang depinisyon ng salitang sorry??? Ang paghingi ng sorry para lang yun sa mga bagay na hindi mo sinasadyang gawin hindi yung bagay na sinasadya mo talagang gawin!!! Natanong mo ba sa sarili mo kung sinadya mo ba talaga o hindi na gawin ang isang bagay??? Kung hindi pa, pwes! tanongin mo muna ang sarili mo, para malaman mo kung nababagay ba ang salitang sorry sa ginawa mo"_Principal
"Teka, umiiyak ka ba???(biglang tanong ni Madam kay Mattheo) Pasensya na, mukhang nasaktan kita nang labis. Nadala lang ako sa emosyong nararamdaman ko ngayon. Pasensya na talaga,"mahinahong sabi ng principal
"Okay lang po. Thank you for making me realize that I am wrong. Hindi ko dapat ginawa iyon. Salamat din po dahil you let me realize every single thing that happens in in my life, whether it is good or bad I should learn to appreciate it and learn from my mistake. You are right Madam, Our life isn't a game to be played but a reality to be experience."sabi ni Mattheo habang umiiyak.
Agad naman kaming lumapit sa kanya at niyakap siya.
"Saludo ako sa pagkakaibigan niyo. Hindi niyo hinayaang lumutang sa ere ang isa sa inyo. Kahit na malakas ang hangin, hindi niyo pa rin siya binitawan. Kahit na alam niyong pwedi rin kayong tangayin ng malakas na hangin sa mga oras na iyon. Mas pinili niyo na hamakin ang panganib na naghihintay sa inyo. That's the essence of true friendship. Ang swerte mo Mattheo dahil sila ang mga naging kaibigan mo. Dahil diyan, hindi na kayo aalis sa school na ito"_Pricipal
Labis akong natuwa ng marinig ang sinabi niya. Agad kaming napabitaw sa pagyayakapan at bigla nalang napatalon sa tuwa.
"Thank you po talaga Madam,"sabi namin sa kanya at isa-isa namin siyang niyakap.
"Your welcome. But of course, hindi pa diyan nagtatapos ang lahat"sabi ni Madam
"Wag po kayong mag-alala Madam. Mag-aaral po talaga kami ng mabuti"_Lance
"Dapat lang, That's your duty as a student. But of course as of your violation, you need to face the consequence. Magiging unfair sa iba kung hindi ko kayo bibigyan ng parusa. And I don't treat specialty. Ahm... Ano ba ang pwedi kong ibigay na parusa??? (Sabi niya na tila nag-iisip) Ah! Alam ko na!!! (Biglang sabi niya) One Month kayong tutulong sa mga Janitor at Janitress sa paglilinis ng school."_Principal
"Maglilinis ng School???"di makapaniwalang sabi nina Miguel, Lance at Yale
"Why??? Is there any problem with that???"sabi ni Madam na nakataas ang isang kilay
"Ah... wala naman po, Nagulat lang sila. Di ba Guys???"sabi ji Jared sabay sipa sa paa ng tatlo
"Yeah... we're shock,"sunod-sunod na sabi ng tatlo habang naka fake smile
"Good,"_Principal
"Madam, when are we going to start po???"tanong ko sa kanya
"Tommorow, and please don't be late. Your Job start at exactly 5:30-6:30 AM And 5:30-6:30 PM after the class in the afternoon. And I'm going to assign someone to check your attendance everyday until you complete the one month contract."_Principal
Bukas na??? Ba't agad-agad naman yata??? Is there any other choice aside from that one??? Mas gugustuhin ko pa yatang maging waiter sa Cafeteria kesa Maging taga linis ng paaralan. Sobrang nakakapagod yun eh.
"Is there any question???"_Principal
"None,"napipilitang sabi namin sa kanya
"If is that so, you may leave this room and go back to your class"_Principal
To be Continued...
♡ ScarletNicole ♡

YOU ARE READING
Chics Hunter
Misterio / SuspensoMaraming nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala ang mga Playboy, Playgirl at Timer dito sa mundo, At ang palaging kasunod ng tanong na iyan ay ang: Bakit nga ba sila ganyan??? at Bakit nila ito ginagawa??? Bakit nga ba...