Yale POV...Nagkatinginan kami ni Eros, dahil kanina pa namin napapansin na parang wala si Mattheo sa kanyang sarili. Kumakain kami at panay ang kwentuhan namin dito pero parang lutang siya. Kanina pa nakatulala eh.
Hindi kaya, Bad Mood siya ngayon???
"Guys, may isi-share ako sa inyo,"sabi ni Lance
"Ano yun???"_Miguel
"Ito yung topic namin kanina sa Filipino subject namin, isa itong kwento. Malamang alam 'to ni Yoon dahil sa Korea siya lumaki."_Lance
"Tungkol saan ba ang kwentong iyan???"_Jared
"Isa itong kwento I mean Pabula na nanggaling sa Korea, na isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat na pinamagatang Ang Hatol ng Kuneho,"_Lance
"Parang pamilyar yung title niya sa akin, parang pinag-aralan din namin yan eh,"_Miguel
"Malamang, Bago ka kasi mag Grade 10 dadaan ka muna sa Grade 9"_Eros
"Aiisshhh. Iwan ko sayo,"_Miguel
"Sige nga ikwento mo nga sa amin,"_Ako
"Iku-kwento ko sa inyo basta ba, Walang tatawa... kung sino yung tumawa siya yung maghuhugas ng pinggan. Ano Deal kayo???"_Lance
"Deal,"_Jared
"Ako din,"_Miguel
"Deal,"sabi ko sa kanila
"Exempted na dito sila Yoon at Eros,"sabi ni Lance
Napatingin kaming lahat kay Mattheo
"Bro, ano sali ka???"tanong ni Jared kay Mattheo
Tiningnan niya muna kami.
"Ha??? Ano ulit yun???"_Mattheo
"Okay ka lang???"_Eros
"Oo naman"sabi ni Mattheo
"Sisimulan ko na ang kwento... Bawal mag ingay. Noong unang panahon, ang mga hayop daw ay nakakapagsalita pa. Isang araw, isang Tigre ang naghanap ng pagkain sa gubat. Sa kanyang paglilibot, siya ay nahulog sa napakalalim na hukay. Paulit-ulit na sinusubukan ng Tigre na makaalis doon subalit siya ay nabigo. Kinabukasan, muling sumigaw ang Tigre. Nabuhayan siya ng loob ng makarinig siya ng mga yabag. Sumigaw ulit siya at sa pagsigaw niyang iyon, isang lalaki ang nakarinig sa kanya. Nagmakaawa ang Tigre sa lalaki na tulungan siyang makalabas doon subalit nangangamba ang lalaki sa maaring mangyari kaya ipinagpatuloy niya ang kanyang paglalakad. Subalit Sumigaw ulit ang Tigre at nagmakaawa ulit at nangakong hindi niya sasaktan ang lalaki. Tila labis na naawa sa kanya ang lalaki, kaya bumalik ang lalaki upang tulungan siya. Nakahanap ang lalaki ng troso at dahan-dahan niya itong ibinaba sa hukay. Dahan-dahang gumapang ang Tigre sa troso hanggang sa makaahon sa hukay. Nakita ng Tigre ang lalaking tumulong sa kanya. Naglaway ito at naglakad paikot sa lalaki. Sandali! Hindi ba nangako ka sa akin na hindi mo ako sasaktan? Ito ba ang paraan mo ng pagpapasalamat at pagtanaw ng utang na loob? Sumbat ng lalaki sa Tigre. Wala akong pakialam sa pangakong iyan dahil nagugutom na ako! Hindi ako kumain ng ilang araw! Tugon ng Tigre sa lalaki.
Sandali! Sandali! Tanungin natin ang puno ng pino kung tama bang kainin mo ako pakiusap ng lalaki. Sige Wika ng Tigre. Ipinaliwanag ng Tigre at ng Lalaki sa puno ng pino ang nangyari. Anong alam ng tao sa pagtanaw ng utang na loob? Tanong ng puno ng Pino. Bakit ang mga dahon at sanga namin ang kinukuha ninyo upang maluto ang inyong mga pagkain? Mga taon ang binibilang namin upang lumaki. Kapag kami ay malaki na, pinuputol ninyo. Ginagamit niyo kami sa pagtayo ng inyong mga bahay at paggawa ng inyong mga kasangkapan. At isa pa, tao rin ang humukay sa butas na iyan. Utang na loob! Huwag ka nang magdalawang isip, Tigre. Sige pawiin mo na ang iyong gutom. Sabi ng punong Pino. O, anong masasabi mo doon? Tanong ng Tigre habang nananakam at nginungusuan ang lalaki. Sa mga sandaling iyon ay dumaan ang isang baka. Hintay! Hintay! Tanungin natin ang baka sa kanyang hatol, Pakiusap pa ng lalaki. Muli, ikweninto nila kay baka ang nangyari. Walang duda sa kung ano ang dapat gawin. Dapat mo siyang kainin! Tingnan mo, mula ng kami ay maisilang naglingkod na kami sa mga tao. Kaming mga baka ang nagbubuhat ng mabibigat nilang dalahin. Subalit, ano ang ginagawa nila kapag kami ay tumanda na??? Hindi ba't pinapatay kami at ginagawang pagkain??? Kaya huwag mo akong tanungin tungkol sa pagtanaw ng utang na loob. Kainin mo ang taong iyan. Galit na sabi ng baka. Tingnan mo, lahat sila ay sumang-ayon sa akin. Kaya humanda kana sa iyong kamatayan. Wika ng Tigre habang bumubwelo upang sakmain ang lalaki. Nang biglang dumating ang lumulukso-luksong kuneho. Sandali! Tigre! Sandali! Sigaw ng lalaki. Ano na naman? Singhal ng Tigre. Pakiusap, bigyan mo pa ako ng huling pagkakataon. Tanungin natin ang kuneho para sa kanyang hatol kung dapat mo ba akong kainin. Nagmamakaawang sabi ng lalaki. Ah! Walang kwenta! Alam mong ang sagot niya ay pareho lang puno ng pino at ng baka. Inis na sabi ng Tigre. Pakiusap, parang awa mo na! Pagsusumamo ng lalaki. O, sige. Pero huli na ito. Gutom na Gutom na talaga ako. Sagot ng Tigre. Isinalaysay ng Tigre at ng Lalaki ang nangyari. Matamang nakinig naman ang kuneho. Ipinikit ang kanyang mga mata at pinagalaw ang kaniyang mahabang tainga. Pagkalipas ng ilang sandali, muli niyang idinilat ang kaniyang mga mata. Malumanay at walang ligoy na nagsalita ang kuneho. Naiintindihan ko ang inyong isinalaysay. Subalit kung ako ang magpapasya at magbibigay ng mahusay na hatol dapat tayong magtungo sa hukay. Muli ninyong isalaysay sa akin ang nangyari. Ituro niyo sa akin ang daan patungo doon, Wika ng kuneho......"_Lance
![](https://img.wattpad.com/cover/116695892-288-k597437.jpg)
YOU ARE READING
Chics Hunter
Misterio / SuspensoMaraming nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala ang mga Playboy, Playgirl at Timer dito sa mundo, At ang palaging kasunod ng tanong na iyan ay ang: Bakit nga ba sila ganyan??? at Bakit nila ito ginagawa??? Bakit nga ba...