Chapter 30

14 3 0
                                    


Miguel POV...


Monday, Tuesday, Wednesday, Thursday, Friday...

It's Saturday na... Every Saturday and Sunday, umuuwi ako dito sa bahay namin.

10:00 AM na nang magising ako.
Napasarap yata yung tulog ko.

"Kuuyyyaaa"sabi ng 8 years old kong kapatid na babae habang tumatakbo palapit sa akin.

"Ops... dahan-dahan lang, baka madapa ka,"sabi sa kanya ng yaya niya

Kinuha ko siya at pinaupo sa laps ko.

"Ang tagal mo namang magising, wala tuloy akong kasamang manood ng Spongebob kanina. Alam mo bang miss na miss na kita???"nakapout na sabi niya

"Eh di, nood nalang tayo ng iba,"sabi ko sa kanya at pinisil yung mukha niya

"Aray, ang Tsakit"reklamo niya

Nakita ko naman si Kuya na bihis na bihis, kakababa niya lang ng hagdan.

"Mukhang may lakad yata yung utol ko,"sabi ko sa kanya

"Buti naman gising kana,"sabi niya sa akin

"Hindi matutulog pa lang ako,"nakangising sabi ko sa kanya

Bakit kaya ganon??? Alam naman niyang gising na yung tao, bakit kailangan pang sabihin na gising kana,

"Libreng batok, gusto mo???"sabi niya habang inaayos yung polo niya.

"No thanks,"sabi ko sa kanya

"Oh, nandito pala si bunso"sabi niya ng makita si Xianah

"Naku! Wala ako dito, anino ko lang 'to,"sabi ni Xianah sa kanya. Natawa naman ako sa sinabi niya kay Kuya

"Ikaw talagang bata ka"Sabi niya at lumapit sa amin

"Kuya Xy, si Kuya Xein oh, guguluhin na naman yung buhok ko"sabi ni Xianah at isinubsob yung mukha niya sa dibdib ko

"Xein, ayan ka na naman! Tigilan mo na yang kakaasar diyan sa kapatid mo,"biglang sabi ni Daddy na Bihis na bihis din.

Chics HunterWhere stories live. Discover now