Mattheo POV..."Bilisan mo, maabutan na nila tayo,"sabi ko doon sa babaing hawak ko ang kamay.
"Franz, parang hindi ko na kaya, pagod na pagod na akong tumakbo. Umalis kana, iligtas mo ang iyong sarili"sabi niya naman sa akin
"Hindi. Ayuko!!! Hindi ako aalis dito hangga't hindi kita kasama,"Inis na sabi ko sa kanya at binuhat siya na parang pang kasal.
Maya-maya may narinig akong mga hakbang na papalapit sa amin,
"Pakiusap, ibaba mo na ako at umalis ka na,"naluluhang sabi niya sa akin. At pilit na kumakawala sa pagkakabuhat ko sa kanya.
"Hindi. Sabay tayong aalis dito. Hindi kita iiwan. Mahahanap din natin ang daan palabas,"sabi ko sa kanya.
Biglang nagsulputan yung mga lalaki sa harap namin.
"Wag kayong lalapit,"inis na sigaw ko sa kanila
"Bakit bata, may laban ka ba sa amin???"sabi ng isang lalaki na mukhang unggoy.
"Ang sweet niyo namang tingnan, sa lagay na yan,"sabi pa ng isa sa mga kasamahan nila.
"Nandito lang pala kayo, pinagod niyo pa kami."Sabi ng isang boses ng babae mula sa likod ko,
"Paki-usap, kung sino ka man, pakawalan niyo na kami. Wala naman kaming ginagawang masama sa inyo,"galit na sabi ko doon sa babae,
"Yun ang akala mo,"galit na sabi niya at kinalabit yung baril na hawak niya at ipinutok ito. Bigla akong na out balance dahil sa malakas na impact ng pagkakatulak sa akin nitong babaing buhat-buhat ko, kaya napahiga ako sa sahig habang siya naman ay nakadagan sa akin.
"Franz, hihintayin kita,"naluluhang sabi niya sa akin at tuluyan nang napapikit ang kanyang mga mata. Bigla akong kinabahan sa sinabi niya, kaya nag lakas loob akong umupo kahit na pakiramdam ko ay nanghihina ang buo kong katawan. Bigla akong napatingin sa kanang kamay ko dahil pakiramdam ko may isang likidong pumatak doon. At ng tingnan ko ito, halos madurog ang puso ko dahil sa dugong nakita ko na nanggagaling sa ulo ng isang tao. At huli na nang mapagtanto ko na ang dugong iyon ay walang iba kundi ang dugo ni......
"Charlyn???"naluluhang sabi ko at niyakap siya ng mahigpit. Niyugyog ko yung balikat niya, pero walang response na nanggagaling sa kanya.
"Kailangan natin siyang dalhin sa ospital,"natatarantang sabi ko sa kanila at tela hindi alam ang gagawin.
"Nagpapatawa ka ba???, Patay na siya."sabi ng babaeng bumaril kay Charlyn habang tumatawa ng malademonyo, kaya napatingin ako sa kanya sabay napasigaw ng
"HinDiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii-ieh"
Napadilat ako ng mata dahil sa lakas at sakit ng pagkakasampal sa akin ni Kuya William."Aray,"nasabi ko nalang sabay napaupo sa kama.
"Ayan, gising ka na???"Natatawang sabi niya
"Bakit ba nananampal ka diyan???, kitang natutulog yung tao."inis na sabi ko sa kanya

YOU ARE READING
Chics Hunter
Misteri / ThrillerMaraming nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala ang mga Playboy, Playgirl at Timer dito sa mundo, At ang palaging kasunod ng tanong na iyan ay ang: Bakit nga ba sila ganyan??? at Bakit nila ito ginagawa??? Bakit nga ba...