Mattheo POV...
Hindi na ako makapaghintay na matapos itong last subject namin. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon, Kanina ko pa kasi iniisip kung ano ang mangyayari mamaya sa pagtatagpo namin. Tinawagan kasi ako ni Mike kagabi at ibinalitang gising na raw si Charlyn. Naiyak nga ako nang marinig ang balita niya, halos mapatalon pa talaga ako sa tuwa.
Gagawin ko talaga ang lahat mapatawad niya lang ako. Hinding-hindi ako magsasawang mahalin siya at alagaan. Kung pwedi ko lang sanang i-fast forward ang oras kanina ko pa ginawa para mapuntahan ko na agad siya. Feeling ko kasi ang bagal-bagal nang takbo ng oras ngayon. Hindi rin ako makapag focus sa klase dahil panay ang isip ko sa kanya. Sobrang Miss na miss ko na talaga siya hindi na ako makapaghintay na mayakap siya.
"Tiiinnngggg...."tunog ng bell
Nang marinig ang tunog ng bell dali-dali kong ipinasok sa loob ng bag ang mga gamit ko at nagmadaling lumabas ng classroom. Mabilis kong narating ang Parking lot at agad na hinanap ang kotse ko. Napag-usapan na namin 'to ng mga kaibigan ko kanina na hindi muna sila pweding sumama sa akin ngayon at hindi ko rin sinabi sa kanila na gising na si Charlyn. Bukas ko nalang siguro sasabihin sa kanila. Noong una ayaw talaga nilang pumayag lalong lalo na si Yale dahil gusto niya raw makita yung dalawang anak ni Mike. Idinaan pa nga namin sa laro na jack 'n poy (yung laro na paper, scissor & stone). Syempre hindi ako nagpatalo sa kanila noh. Kahit na muntikan na akong matalo ni Kyle. Syempre unfair yung game dahil anim sila samantalang isa lang ako. Isang talo ko lang taob na agad ako. Buti nalang talaga at mukhang sinuswerte ako ngayong araw.
Lumabas na ako ng school at nagmadaling mag drive patungo sa Hospital. Hindi pa kasi sila pinayagang lumabas dahil kailangan pang i-monitor ang kalagayan ni Charlyn. Bago ako dumiretso, bumili muna ako ng mga prutas, at sakto namang nadaanan ko ang isang flower shop kaya naisipan kong bumili ng bulaklak. May nakita rin akong Teddy bear na naka display doon kaya naisipan kong bilhin na rin.
Malayo pa man ako sa pinto ay dinig ko na agad ang kanilang tawanan. Medyo kinakabahan ako ng kunti kaya hindi na muna ako kumatok sa pinto. Ano kaya kung umuwi nalang ako??? Baka kasi makaabala lang ako sa kanila, o baka naman hindi siya matuwa kapag nakita niya ako. How about kung bukas ko nalang kaya siya kausapin??? Pero sayang naman ng pagpunta ko dito.
😔
😔
😔
😔
😔
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatayo dito sa tabi ng pinto nang kwartong pinapasukan niya dito sa Ospital, nagtatalo pa kasi ang kalooban ko kung kakausapin ko ba siya o hindi. Basta napaayos nalang ako ng tayo ng maramdamang bumukas ang pinto.
"Oh, ba't nakatayo ka diyan???"tanong ni Ate Gail na kalalabas lang. Nakakahiya tuloy sa kanya.
"Ano po kasi..."ano ba ang sasabihin ko sa kanya??? Ang engot-engot mo talaga Mattheo dapat kasi kanina ka pa umalis diyan para hindi kana niya nakita. Yan kasi pupunta-punta dito hindi naman pala ready. Pagkakausap ko sa sarili ko.
Napatingin naman siya sa mga dala ko. Mas lalo tuloy akong nahiya kanya. Ramdam na ramdam ko yung pag-akyat ng dugo sa mukha ko. Kung alam ko lang sana na maduduwag pala ako, dapat isinama ko nalang yung mga kaibigan ko dito. Walang hiya pa naman ang mga yon.
"Pa favor naman po. Pwedi po bang pakibigay nang mga 'to kay Charlyn"_Me
What the!!! Ba't yun pa ang lumabas sa bibig ko??? Baka mamaya niyan isipin niya na inuutusan ko siya.
YOU ARE READING
Chics Hunter
Mystery / ThrillerMaraming nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala ang mga Playboy, Playgirl at Timer dito sa mundo, At ang palaging kasunod ng tanong na iyan ay ang: Bakit nga ba sila ganyan??? at Bakit nila ito ginagawa??? Bakit nga ba...