Mattheo POV...Sinadya ko talagang magising ng maaga, balak ko kasing dalawin muna si Charlyn bago ako pumunta sa school. Tsaka Friday naman na ngayon. Bumili muna ako ng prutas na dadalhin bago ako dumiretso sa Hospital. Noong una, hindi ako pinapasok sa Emergency Room. Kaya ang ginawa ko, tinawagan ko muna si Mike. Buti naman at sinagot niya agad, Sinundo niya ako sa labas ng E.R.
"Good Morning po,"sabi ko sa mga magulang ni Charlyn sabay mano sa kanila na halatang kagigising lang rin.
"God bless you,"_Mommy ni Charlyn
"God bless, Ikaw siguro si Mattheo,"sabi ng Daddy ni Charlyn sabay ngiti
"Ako nga po,"nahihiyang sabi ko naman sa kanya.
"Mike, ikaw na muna ang maiwan dito. Uuwi na muna kami ni Dave sa bahay, babalik din naman kami agad,"_Mommy ni Charlyn
"At ikaw naman iho, may pasok ka pa di ba???"_Daddy ni Charlyn
"Opo,"magalang na sabi ko sa kanya
"Wag kang masyadong magtagal dito, at baka ikaw ay malate. Pwedi ka namang pumunta dito nang kahit na anong oras,"_Daddy ni Charlyn
"Masusunod po,"sabi ko sa kanya
"Maiwan na muna namin kayo,"sabi ng Mommy ni Charlyn
"Sige po, Ingat po kayo"Sabi ni Mike sa kanila. Habang papaalis na ang mga ito.
"Kumusta na siya???"tanong ko kay Mike at naupo sa silya na katabi lang ng kamang hinihigaan ni Charlyn.
Tiningnan niya ako na may halong lungkot sa mga mata.
"Sabi ng Doctor mas lalo daw lumala ang condition niya, There is a possibility na baka hindi na daw siya magising dahil naka rely nalang yung katawan niya sa Machine, baka nga raw hindi na umabot sa isang buwan ang pamamalagi niya dito."malungkot na sabi ni Mike.
Halos mabingi ako sa narinig ko at parang nagsisimula na naman ang namumuong likido sa mga mata ko. Gayon pa man, pinigilan ko pa rin ang mga ito.
YOU ARE READING
Chics Hunter
Mistério / SuspenseMaraming nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala ang mga Playboy, Playgirl at Timer dito sa mundo, At ang palaging kasunod ng tanong na iyan ay ang: Bakit nga ba sila ganyan??? at Bakit nila ito ginagawa??? Bakit nga ba...