I would like to dedicate this chapter to Nob_ita
Hi!!! 🙋🙋🙋
Mattheo POV...
Nauna na akong pumunta sa assign place na lilinisin namin ni Jared. Mas maaga kasi kaming idinismiss ng last subject teacher namin. Rooftop muna ang una kong nilinis dahil wala nang tao kapag ganitong oras. Patapos na rin kasi ang klase at maya-maya pa ay magsisi-uwian na ang mga estudyante. Halos dalawang linggo na rin namin itong ginagawa. Nahihiya nga ako sa mga kaibigan ko dahil pati sila ay naparusahan. Buti nga ito lang yung binigay na parusa sa amin, kaya nagpapasalamat talaga ako ng labis. Habang nagwawalis, ay may napansin akong isang bagay kaya pinuntahan ko ito at kinuha. Sinubukan kong i-turn on ang napulot kong cellphone kaya lang parang lowbat na yata ito kaya ipinasok ko nalang ito sa bulsa ko at ipinagpatuloy na ang paglilinis.
"Bro, nandito kana pala. Ang aga mo naman yata, Kanina ka pa ba???"_Jared
"Hindi naman,"_Ako
"Wag mong sabihing nag scape ka para lang dito???"_Siya
"Loko, hindi ah!!! Maaga lang kaming idinismiss ng teacher namin. Tsaka hindi ko na yun ginagawa noh, magagalit kasi yung guardian angel ko kapag ginawa ko yun"sabi ko sa kanya at tumingala sa langit.
"Alam kong masaya ka, sana lagi mo kaming babantayan." Sabi ko habang nakitingin sa langit
Napangiti ako ng mapasulyap sa bag ko at bigla nalang may naalala.
[<<Flashback<<]
"Matt... Nandiyan ka ba???"sabi niya at muling kinatok ang pinto ng kwarto ko.
"Anak... buksan mo naman itong pinto oh,"_Mommy
Ilang araw na akong nakakulong dito sa loob ng kwarto ko, halos gabi-gabi rin akong umiiyak. Hindi ko pa rin kasi matanggap ang pagkawala niya. Ang sakit kasi iniwan niya na kami, pakiramdam ko parang gumuho na ang mundo ko.
Wala akong lakas para bumangon kaya hinayaan ko lang sila. Alam kong nag-aalala na sila sa akin, pero ayuko pa silang harapin. Ayuko! Gusto kong mapag-isa.
"Matt... si Mike 'to, buksan mo naman itong pinto please..."_Siya
Hay naku!!! Nandito na naman sila. Bakit ba nag-aaksaya sila ng oras sa akin???
Hindi nila magawang buksan itong kwarto ko dahil nandirito sa akin ang master key. Iwan ko nga diyan sa mga kaibigan ko kung paano nila natunton itong bahay namin e, hindi ko naman sinabi sa kanila at never ko pa silang ipinakilala sa pamilya ko. At talagang dinala pa nila si Mike dito.
Muli niyang kinatok ang pinto...
"Matt... pagbuksan mo naman kami"_Mike
"Ayaw pa rin eh,"dinig kong sabi ng isa sa kanila
"Tita, wala na tayong choice. Ito nalang po ang natatanging solusyon para makausap natin siya"dinig kong sabi ni Jared kay Mommy. Oh di ba, parang close na yata sila.
"Sige, gawin na natin"dinig ko namang pagsang-ayon ni Kuya sa kanya.
Teka, ano ba ang binabalak nila??? Maya-maya pa, nadinig ko nalang na parang may nag crack di kalayuan sa akin kaya napabangon ako ng di oras. What the fact!!! Sinira nila ang pinto ng kwarto ko. Di nagtaggal tuluyan nang nawasak ang pintuan.
Inis kong tiningnan si Miguel na may hawak-hawak na lagari.
"Sorry Tanda, ang tigas kasi ng ulo mo eh"sabi niya at ngumisi
Mas lalo tuloy akong nainis sa kanya
"Mattheo, Bunso"sabi ni Mommy at mabilis na niyakap ako pagkakita sa akin.
"Anak, Okey ka lang ba??? May masakit ba sayo??? Nagugutom ka ba??? Ano??? Ano ba ang pwedi naming gawin para matulungan ka diyan sa pinagdadaanan mo??? Naikwento na sa akin ng mga kaibigan mo ang lahat ng nangyari. Anak, alam mo namang nandito lang kami di ba??? Ba't mo naman kami pinag-alala ng sobra???"Maya't-mayang sabi ni Mommy sa akin.
Agad naman akong pinag-susuntok ni Kuya. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya.
"William, ano ba??? Ba't mo naman ginawa yun sa kapatid mo???"galit na sigaw sa kanya ni Mommy habang inaawat si Kuya.
"William, Tama na!"galit na sigaw sa kanya ni Daddy kaya napatigil naman siya
"Alam mo bang halos mabaliw si Mama sa kakaisip sayo gabi-gabi??? Halos hindi na nga siya makatulog eh!!! Alam mo ba yun ha??? Bakit ba kasi ayaw mo kaming pagbuksan ng pinto???"Galit na sabi ni Kuya sa akin
"Sorry po, gusto ko lang naman pong mapag-isa"sabi ko sa kanila
"Naiintidihan namin anak. Pasensya na, hindi na kasi kami mapakali ng Mommy mo eh, baka kasi kung ano na ang nangyari sayo dito sa loob"_Daddy
"Bunso ano ba naman yang itsura mo, nagmukha kanang Zombie. Mag-ayos ka nga, tsaka hindi na maganda yang amoy mo"_Mommy
"Mommy naman eh,"_Ako
Nakita ko naman na bahagya silang natawa
"Totoo yun anak,"_Mommy
Tsk. Si Mommy talaga sinabi pa yun. Alam niya namang nakakahiya yun eh. Okay I admit, dalawang araw na akong hindi naliligo 😶😶😶 pero hindi pa naman masangsang yung amoy ko.
"Ang mabuti pa anak, mag ayos ka muna. Maligo ka tapos hihintayin ka nalang namin sa baba. Ipaghahanda ka na rin namin ng masarap na pagkain kasi hindi talaga maganda yang amoy mo eh. Di ba Guys???"_Daddy
Isa pa 'tong si Daddy eh. Inamoy ko ang sarili ko, Hindi pa naman ako mabaho eh, naamoy ko pa nga yung pabango ko eh. Narinig ko naman ulit ang tawanan nila.
[End of Flashback]
"Uy! Okay ka lang ba diyan???"sabi ni Jared habang winawagayway ang dalawang kamay niya sa mukha ko
"Oo naman,"sabi ko sa kanya
"Sabihin mo, hindi ka pa naman siguro baliw di ba???"_Jared
"Ba't mo naman nasabi yan???"tanong ko sa kanya habang ipinagpapatuloy ang pagwawalis
"Nakita kasi kitang bigla nalang napapangiti diyan"_Jared
"Ay, grabe naman yang conclusion mo!!! Hindi ba pweding masaya lang yung tao???"_Ako
"Aba'y malay natin di ba???"_Siya
"Ewan ko sayo diyan!!! Para kang engot"_Ako
"Mali ka dun,"_Siya
"Anong mali???"_Ako
"Yung sinabi mo,"_Siya
"Ha???"_Ako
Di ko siya ma gets???
"Dapat kasi yung sinabi mo, Ewan ko ba sayo Jared, Ba't ba kasi ang gwapo mo??? Dapat ganon"_Siya
"Hay naku! Puro ka kalokohan diyan, parang ikaw yata yung baliw sa ating dalawa dito eh. Bilisan na nga lang natin ang paglilinis at nang matapos na tayo"sabi ko sa kanya
To be Continued...
♡ ScarletNicole ♡
YOU ARE READING
Chics Hunter
Mystery / ThrillerMaraming nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala ang mga Playboy, Playgirl at Timer dito sa mundo, At ang palaging kasunod ng tanong na iyan ay ang: Bakit nga ba sila ganyan??? at Bakit nila ito ginagawa??? Bakit nga ba...
