Chapter 34

11 3 0
                                    


Mattheo POV...

Kinapa ko yung kwentas sa bulsa ko at tiningnan, Yung design ng pendant niya parang number eight. Isa itong infinite na may naka ukit na pangalan naming dalawa.

Babalik ako doon. Sa ngayon, Kailangan ko na munang pumasok sa school. Ilang araw na rin kasi akong absent. Baka ma Drop na ako. Kahit wala akong ganang pumasok, pinilit ko pa rin ang aking sarili na pumunta sa school.

Nang mag Lunch na, hindi na muna ako pumunta doon sa Hide out namin, mas ginusto ko na munang mapag isa ngayon kaya doon na muna ako sa cafeteria. Pagdating ko sa cafeteria nag order na muna ako ng pagkain pagkatapos naghanap agad ako ng vacant table.

Hindi ko pa nga nailalagay yung tray ng mga inorder kong pagkain ay may dumating na agad.

"Mahal, Nandito ka rin pala. Alam mo bang miss na miss na kita. Nag seselos na nga ako sa mga kaibigan mo dahil mas madalas mo pa silang kasama kesa sa akin, akala ko ba may lakad kayo ng mga kaibigan mo???"sabi ng isang babae at niyakap ako

Imbes na sagutin, Inirapan ko siya.

"Excuse me, pupunta lang ako ng C.R"cold na sabi ko sa kanya sabay hila ng bag ko

"Wait, ba't dala mo pa yang bag mo???"tanong niya sa akin sabay turo sa bag ko

"Ano ba ang pakialam mo???"sabi ko sa kanya at siya naman halatang nagulat sa sinabi ko

Wala ako ngayon sa Mood para makipaglandian.

Lumabas na ako ng Cafeteria at nagmamadaling Tinungo ang parking lot. Sa labas nalang ako kakain.

Habang nagdadrive, panay yung Ring ng cellphone ko. Hindi na ako nag abala pang kunin ito sa bag. Hinayaan ko nalang kung sino man yung tumatawag.

Dumiretso ako sa isang Fast Food, medyo malapit lang ito sa school namin.

Matapos kong ipark yung kotse ko, dumiretso na ako sa loob.

Doon ako pumwesto sa pinakadulo. Maya-maya pa dumating na yung Order ko. Agad ko naman itong nilantakan. Gutom na rin kasi ako. Matapos kong kumain ay nilagay ko nalang sa tray yung bayad.

Palabas na ako ng may biglang humila sa akin.

"Baby ko, ikaw nga"sabi niya sa akin at agad akong hinalikan.

Inis akong napamura sa isip ko.
Kaya ang ginawa ko, kinagat ko yung lips niya.

"Ouch,"sabi niya kaya napatigil siya sa pag halik sa akin.

"Gosh! I miss you so much. Sabi ko na nga ba, ikaw yun eh,"sabi niya sabay yakap sa akin

Chics HunterWhere stories live. Discover now