Chapter 33

12 3 0
                                    

Mattheo POV...

Ilang araw na akong hindi pumapasok sa school. Nandito ako ngayon sa Park dito sa Subdivision. Medyo may kalayuan din ito sa bahay namin. Ilang gabi na rin akong hindi makatulog ng maayos, Iniisip ko pa rin kasi yung Nangyari sa kanya. Paano ko ba siya mahahanap??? Saan ba ako magsisimula??? Hinding- hindi ako nagkakamali, sa kanya ang kwentas na iyon. Nag aalala na ako sa kanya. Ano ba ang gagawin ko??? Parang sasabog na yung ulo ko sa kakaisip sa kanya.

"🎵🎶Happy Birthday to you, Happy Birthday... Happy Birthday... Happy Birthday.... Jasmine🎶🎵"dinig kong kanta ng mga bata di kalayuan sa akin.
May Party pala dito. Hindi ko yun napansin.

"Ito na yung cake mo, make a wish,"dinig kong sabi ng isa sa mga nandoon

"Dad, bilis... Late na tayo,"sabi ng isang batang tumatakbo na dumaan sa harapan ko

"Anak, dahan-dahan lang baka madapa ka"sabi ng daddy niya

"Kuya wait..."sigaw pa ng isang batang babaing tumatakbo, kapatid niya yata.

"Baby, wait for daddy"pahabol na sigaw ng daddy nila. Pero yung bata patuloy lang sa pagtakbo. Natawa tuloy ako sa daddy nila.

"Kayo talaga,"sabi ng daddy nila at huminga ng malalim

Parang pamilyar sa akin yung mukha niya. Para talagang nakita ko na siya. Pilit kong inaalala kung saan ko siya nakita.

Hanggang sa.... Tama! Siya nga yung lalaki.

Sinundan ko siya ng palihim. Alam kong papunta sila sa Birthday Party. Nagtago ako doon sa isang puno at palihim na nagmamasid sa kanila ng mga anak niya.

Mahigit isa't kalahating oras ang hinintay ko bago matapos ang Party. Malapit na ngang dumilim eh.

Maya-maya pa ay nakita ko na siyang sumakay ng kotse. Patakbo naman akong nagtungo sa kotse ko at sinundan sila. Buti nalang hindi nila nahahalata na may sumusunod sa kanila. Maya-maya pa ay pumasok sila sa isang subdivision. Tiyak na hindi ako papapasukin sa loob dahil hindi naman ako residente dito. Mabilis kong kinuha ang aking cellphone at nagmadaling itinype ang plate number ng sasakyan niya.

Aalis na sana ako sa lugar na iyon, kaya lang naalala ko na nandito rin pala yung bahay na tinutuluyan ni Yoon. Nabanggit lang sa akin ni Eros noong nakaraang linggo dahil siya ang naghatid kay Yoon dahil hindi na nito kayang umuwi mag isa dahil sa kalasingan.

Agad ko namang tinawagan si Yoon.

"Jo-bo-se-yo! Nu-gu-shim-nikka?,"_Yoon

(Hello! Who is this please?)

Nakalimutan kong Koreano nga pala siya.

Paano ba yan, An-nyeong ha-se-yo lang yung alam ko. Di ba Hello rin yung ibig sabihin ng An-nyeong ha-se-yo???

"An-nyeong ha-se-yo Yoon,"sabi ko sa kanya

Chics HunterWhere stories live. Discover now