Eros POV...Katatapos lang ng klase namin, yung ibang estudyante nagsi-uwian na. Habang kami naman ay nakatambay lang dito sa Student Lounge, hinihintay kasi namin na dumaan si Mattheo. Ang ipinagtataka ko nga ay kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin namin siya nakitang dumaan dito, eh kanina pa kami dito nag aabang sa Kanya.
"Ba't kaya ang tagal ni Mattheo???"tanong ko sa kanila"Baka naman hindi pumasok,"sabi ni Jared
"Oo nga, hindi ko rin nakita yung kotse niya kanina sa Parking lot,"_Yale
"May tao pa kaya sa classroom nila???"_Miguel
"Iwan, bakit mo naman natanong???"_Lance
"Puntahan kaya natin yung classroom nila. Baka nandoon siya."_Miguel
"Oo nga, magandang ideya yan. Para malaman rin natin kung pumasok ba talaga siya, baka kasi hindi pala siya pumasok. Sayang naman ng oras natin dito sa kahihintay sa kanya,"_Jared
"Tara na, puntahan na natin siya sa classroom nila. Yoon pwedi bang samahan mo ako???"_Miguel
"Sure, let's go???"sabi ni Yoon sa kanya
"Sama ako sa inyo,"pahabol na sabi ni Lance
"Halika na,"sabi ni Miguel at umalis na silang tatlo.
Naiwan naman kaming tatlo dito. Kapag dumating yung tatlo na hindi nila kasama si Mattheo, isa lang ang naiisip kong lugar na pwedi naming puntahan na maaaring nandoon si Mattheo. Grabe naman si Tanda, hindi manlang nakaisip na magparamdam sa amin. Napakawalang kwenta tuloy naming mga kaibigan kung hindi manlang namin siya nadamayan sa gitna ng kanyang kalungkutan. Sana sinabi niya manlang sa amin kung ano ang problema niya at nang matulungan namin siya. Kahit papaano ay sana napangiti manlang namin siya o kaya'y nadamayan sa pag-iyak niya. Baka sakaling mabawasan ang lungkot na nararamdaman niya. Ba't ba kasi iniiwasan niya kami??? Sa pagkakaalam ko, wala naman kaming nagawang masama na ikinagalit niya. Gusto ko siyang batukan pag nagkita kami at tanungin kung bakit nagawa niyang tiisin ang kagwapohan namin??? Aba'y dapat pagbayaran niya ang ginawa niyang pang-i snob at hindi pagsama sa barkada.
"Mga Bro's, wala doon si Mattheo,"sabi ni Miguel pagkarating na pagkarating nila
"So, hindi talaga siya pumasok ngayon???"_Jared
"Tinanong ko yung isang classmate ni Tanda kung pumasok ba siya, tapos ang sagot niya pumasok naman daw si Mattheo kaya lang pagdating sa fourth period nilang subject sa hapon, hindi na niya ito nakita. Napapadalas na daw yung pag scape ni Mattheo sa Last period nila"_Lance

YOU ARE READING
Chics Hunter
Gizem / GerilimMaraming nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala ang mga Playboy, Playgirl at Timer dito sa mundo, At ang palaging kasunod ng tanong na iyan ay ang: Bakit nga ba sila ganyan??? at Bakit nila ito ginagawa??? Bakit nga ba...