Mattheo POV..."Bunch, may nakita akong Couple T-shirt doon,"sabi sa akin ni Andrea, isa sa mga Girlfriend ko. Nandito kami ngayon sa Mall
"Ah Talaga???, gusto mo bang bilhin ko???"sabi ko sa kanya
"Mukhang nakalimutan mo na yata kung anong araw ngayon,"Mahinang bulong niya na narinig ko.
Ano nga ba ang special sa araw na 'to???
"Bunch, may sinasabi ka???"_Ako
"Ah... ang sabi ko, tara na bilhin na natin,"sabi niya na halatang dissapointed at naunang pumasok sa loob ng botique
Sinundan ko naman siya sa loob.
"Miss, kukunin namin 'to,"sabi niya doon sa Sales Lady
"Wait lang po Maam, samahan niyo nalang ako doon sa Cashier,"sabi ng Sales Lady at pumunta na sa Cashier. Sinundan naman namin siya.
"Bunch, ako na ang magbabayad,"Sabi ko kay Andrea ng makita ko siyang kinukuha sa bag ang wallet niya.
"Ah.. okay,"sabi niya na nag fake smile
"Maam, ito na po,"sabi ng Sales Lady sabay abot kay Andrea ng Isang paper bag.
"Tara na,"sabi ko sa kanya
"Sir, wait lang po! Yung sukli niyo,"_Cashier
"Keep the change,"sabi ko sa kanya at lumabas na kami ng botique
"Uy, bes! Nandito ka rin pala,"sabi ng isang babae na nakasalubong namin na may kasamang lalaki, boyfriend niya siguro.
"Dapat sinabi mo sa akin na pupunta ka rin pala dito para sabay na tayo,"sabi naman sa Kanya ni Andrea habang nag bebeso.
"Akala ko kasi Busy ka dahil Birthday mo ngayon. Ini-Expect ko pa naman na magkakaroon ng party mamaya."sabi ng babaing kausap niya
Ah... Birthday niya pala ngayon. Hindi ko alam yun. Sa dinami-dami ba naman ng babae sa buhay ko, Asa naman siya na maaalala ko pa yung birthday niya.
"Boyfriend ko nga pala, Si Mattheo. Mattheo si Charice, Bestfriend ko,"_Andrea
"Hi, Charice. Nice to meet you,"Sabi ko sa kanya at nakipag Shake hand.
"Hi bro, I'm Mattheo and you are???"Sabi ko doon sa kasama niyang lalaki
"Jayson, Nice to meet you pare"sabi niya naman at nakipag Shake hand
"Nice to meet you too,"sabi ko sa kanya.
"Why not join with us. Tara, manood tayo ng Movies,"_Charice
"Talaga??? Doon rin yung punta namin eh. Di ba Bunch???"Sabi sa akin ni Andrea sabay siko sa akin.
Ang totoo niyan, papauwi na kami.
"Ah..Oo tamang tama, manonood rin kasi kami. Sa katunayan nga, papunta na kami doon,"sabi ko sa kanila
"Moo, daanan nalang natin mamaya yung bag na gusto kong bilhin,"sabi ni Charice doon sa Boyfriend niya
Natawa naman ako sa Endearment nila, Moo??? Ano yun Baka??? Bakit yun pa yung napili nila??? Never mind na nga lang.
"Ikaw ang bahala,"_Jayson
"So, let's go???"sabi ni Andrea
Pumila na kami sa bilihan ng ticket. Hindi naman gaanong mahaba yung pila.
"Bunch, mauna na kayo sa loob. Bibili lang ako ng makakain natin,"sabi ko sa kanila
"Okay,"_Charice
Pumunta na muna ako sa baba dahil nandoon yung bilihan ng pagkain. Habang Tumitingin ako sa mga pagkaing naka display, Hindi ko alam kong bakit ang weird ng pakiramdam ko, parang pamilyar yung ganitong pakiramdam sa akin. Sa tingin ko may mangyayaring hindi maganda sa araw na 'to.
Yung katawan ko para bang bigla nalang nawalan ng energy,
Naalala ko sila Mommy, baka may nangyaring masama sa kanila."Ay, Sorry po"sabi ng isang batang babae na nasa 12-13 years old ata, nahulog niya kasi yung dala-dala niyang Mogu Mogu sa harapan ko, tapos yung paa ko nabagsakan. Dali-dali niya naman itong kinuha, at umalis
"Hala!!! yung babae nahimatay!!!"biglang sabi ng isang babae na bumibili rin sabay bitaw doon sa mga pinamili niya at nagmamadaling lumabas. Kaya Napatingin ako sa labas. Glass naman yung wall ng store kaya nakikita mo yung mga nasa labas.
Nagmamadaling lumapit yung isang babae doon sa nahimatay. Maya-maya pa isang lalaki ang lumapit at agad na binuhat yung nahimatay... Hindi ko alam kung sino yung nahimatay dahil hindi ko nakita yung mukha niya. Tsaka maraming tao ang nagkumpulan doon kanina.
"Excuse me po, nakaharang po kasi kayo sa daan"sabi sa akin ng isang lalaki
"Pasensya na,"sabi ko sa kanya at pinadaan siya
Ibinalik ko ulit yung tingin ko doon sa labas. Pagtingin ko wala na yung tinitingnan ko kanina.
Kumuha nalang ako ng kahit anong pagkain doon at binayaran na sa cashier.
Bakit ba parang alalang-alala ako???
Habang papalabas na ako ng tindahang iyon, isang kumikinang na bagay ang nakaagaw sa akin ng pansin, doon sa lugar kung saan nahimatay yung babae kanina. Kaya pinuntahan ko ito, kasabay ng paglapit ko doon ang siya ring paglapit ng isang Janitor.
Pinunasan niya yung mga dugong nagkalat sa sahig.
Pareho kaming napatingin doon sa isang kwentas.Mas lalo yatang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Sir, May kailangan po ba kayo???"tanong sa akin ng Janitor
Hindi ko siya sinagot bagkus ay mabilis kong dinampot ang kwentas. Hindi ako nagkakamali!!! Alam kong pag-aari niya 'to. Bigla kong binitawan yung mga pinamili ko, at nagmadaling nilisan ang lugar na iyon. Agad kong hinanap ang daan palabas ng Mall.
Noong una, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, dala siguro ng halo-halong emosyong nararamdaman ko.
Nagmadali akong pumasok sa kotse. Saan ba ako pupunta??? Nanginginig yung mga kamay kong nakahawak sa Manibela. Hanggang ngayon, Hawak hawak ko pa rin yung kwintas niya. Saang hospital ko ba siya pupuntahan??? Sa dinami-dami ba naman ng Hospital dito sa pinas???
What if may mangyaring masama sa kanya??? At bakit may dugo??? Buntis ba siya???
Arrgggg.... Gulong-gulo na ang isip ko.
To be Continued...
Thank you for reading...
♡ ScarletNicole ♡
YOU ARE READING
Chics Hunter
Детектив / ТриллерMaraming nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala ang mga Playboy, Playgirl at Timer dito sa mundo, At ang palaging kasunod ng tanong na iyan ay ang: Bakit nga ba sila ganyan??? at Bakit nila ito ginagawa??? Bakit nga ba...