Chapter 45

6 1 0
                                        


Hi Guys!!!🙌🙌🙌

Hindi ko talaga Ine-Expect na magkakaroon ako ng POV, 😄😄😄 kaya Thankful ako na binigyan ako ni Author ng pagkakataon na makilala kayo,

Ako nga pala si Mike Anthony Villa Fuerte, just call me Mike nalang po, maraming nagsasabi sa akin na kamukha at kasing gwapo ko daw si Sung Jung Ki, iwan kung sino yun... balita ko, isa daw siya sa mga sikat na aktor sa Korea, at bali-balita na Hearthrob daw din siya doon sa bansa nila. To be honest lang po, never ko pa siyang nakita kaya hindi ko alam kung totoo yung mga pinagsasabi nila sa akin or baka naman nagbibiro lang sila na kamukha ko nga siya. Pati nga asawa ko, sinasabihan rin nila na kamukha rin niya yung asawa ni Sung Jung Ki... Mga tao talaga ang hilig gumawa ng mga estorya. May dalawa nga pala akong anak na Sina Mike Angelo at Michaella Grace...

Si Angelo ay 5 years old na, tapos si Grace naman ay 4 years old. Sa ngayon po, ako ang nag mamanage ng family bussiness namin. Nag iisang anak lang rin po ako, kaya nga po Gusto kong magkaroon ng isang dosenang anak 😂😂😂.... hehehehe, syempre Joke lang yun. ✌✌✌

Ang hirap kayang magpalaki ng isang dosenang anak, tiyak na kakapusin ako sa budget kong ganoon karami ang magiging anak ko, tsaka masyado nang lumulobo ang ating populasyon kaya ayuko nang dumadag pa sa problema ng ating bansa kaya dapat may family planning, baka kasi dumating ang araw na magkaroon ng Food Shortage, aba'y matinding problema rin yon pag nagkataon. Baka may magpatayan pa dahil lang sa pag-aagawan ng pagkain.
Ay!!! Ang dami ko na palang sinasabi. Hehehehe...

Ikinagagalak ko po kayong makilala mga readers

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ikinagagalak ko po kayong makilala mga readers...  😀😀😀

Hindi na muna ako pumasok sa kompanya ngayong araw, sinabi ko kasi kila Tita Cheryll at Tito Dave na ako na muna ang magbabantay dito kay Lovi, kailangan kasi nilang bumalik sa New York para sa isang board meeting ng kanilang kompanya. Ngayon daw kasi naka schedule ang meeting, bawal naman daw na I-move dahil masyadong busy ang ilang mga negosyante. Sayang naman daw kung ika-Cancel dahil baka magalit ang ilang investor at hindi na mag invest. Pero babalik din naman sila agad mamayang gabi...

Kami lang ng mga bata ang nandito ngayon sa Kwarto, Umalis kasi ang Mommy nila at ang Yaya dahil may inasikaso. Ang kulit nga nila eh, kanina pa sila tanong ng tanong sa akin.

"Dad, ba't ang tagal-tagal  namang magising ni Tita Lovi???"tanong ni Grace sa akin

"Pagod kasi ang Tita niyo kaya nagpapahinga,"sabi ko sa kanya.

"We miss playing with her, can we wake her up na???"Tanong naman ni Angelo na kanina pa nakahawak sa kamay ng Tita Lovi niya. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na kung pwedi lang sana, kaya lang masyado pa siyang bata para maintindihan ang mga pangyayari.

Chics HunterWhere stories live. Discover now