Chapter 55

4 1 0
                                    

Charlyn POV...

Hindi ko alam kung bakit parang kanina pa sila walang pakialam sa akin. Paggising ko kanina hindi manlang nila ako naisipang batiin ng Good Morning which is nakakapanibago lang. Nakasanayan ko na kasi na sila yung mas nauunang bumati sa akin pagkagising ko. Baka naman wala lang sila sa mood. Kanina ko pa rin hinihintay ang tawag ni Franz, pero hanggang ngayon hindi pa rin siya tumatawag. Palagi niya kasi akong tinatawagan tuwing umaga bago siya pumasok sa school. Pero ngayong araw hindi ako nakatanggap ng tawag mula sa kanya. Baka naman nakalimutan niya lang dahil napuyat siya kagabi sa paggawa ng mga assignments nila. Oo nga pala, Naalala ko yung sinabi ni Eros kagabi bago sila umuwi, kailangan nga pala nilang tapusin yung mga assignments nila. Baka nga nagmamadali siya dahil mali-late na siya sa klase niya kaya nakalimutan niya ng tumawag.

"Hi! Maam Lovi, Good Morning po"sabi sa akin ni Ate Alice, yaya nang mga bata. Buti pa itong si Ate binati ako

"Good Morning din po sayo ate Alice"sabi ko naman sa kanya

"Kumain na po ba kayo???"tanong niya sa akin

"Hindi pa po,"sagot ko sa kanya

"Kung ganon po, pweding sabay nalang po tayong kumain??? Nauna na po kasi silang kumain eh"_Siya

"Kumain na sila???"gulat na tanong ko sa kanya

"Opo"_Siya

Hindi rin pala ako nila hinintay na magising para sabay-sabay nalang kaming kumain. Maaga pa naman ah, mag i-eight pa nga lang nang umaga eh.

"Ayaw niyo po ba akong makasabay kumain???"malungkot na tanong sa akin ni Ate Alice

"Naku, hindi po. Gusto ko po na sabay na tayong kumain"sabi ko sa kanya

"Kanina ko pa po kasi kayo tinatanong kaya lang hindi po kayo umiimik diyan"_Siya

"Pasensya na po, may iniisip lang ako. Halika na po, kumain na tayo"sabi ko sa kanya at naglakad na kami patungo sa mesa. Mainit pa naman yung mga pagkain na nakalagay doon.
Matapos naming kumain nag Thank you ako kay Ate Alice dahil sinabayan niya akong kumain.

"Grace, Angelo... halikayo dali, may bago akong story na babasahin sa inyo"excited na sabi ko sa kanila

Lumapit naman sila sa akin,

"Sorry po Tita Lovi, manonood pa po kasi kami ng Tom and Jerry eh. Di ba Baby???"sabi ni Angelo at tiningnan ang kapatid. Tumango naman ito.

"Ganon ba, pwedi ba akong maki-join sa inyo???"tanong ko sa kanila

"Sure po Tita,"sabi ni Grace

Kinuha na nila yung Laptop at dinala sa kama ko. Nagsimula na kaming manood. Well, maganda naman siyang panoorin. Nakakatuwa siya dahil panay ang Away ni Tom at Jerry kaya lang hindi ako Fan ng Tom and Jerry eh. Kaya madali akong na bored, mas prefer ko kasing panoorin ang Barbie kesa sa ibang mga Cartoon. Sinabi ko sa kanila na Barbie nalang yung panoorin namin kaya lang they didn't agree with me. So I have no choice.

"I think Tom is better than Jerry,"sabi ni Grace

"No, Jerry is better than Tom."sabi naman ni Angelo

"Of course not. Jerry is the one who always tease Tom that is why they always fight"_Grace

"Oh, really??? I think you're wrong. It's Tom who always tease Jerry because Jerry is just following the order of his boss. So, he is guarding the house to avoid rats."depensa naman ni Angelo

"No, I don't agree with you. Tom is better than Jerry"inis naman na sabi sa kanya ni Grace

"Then let's just ask Tita Lovi, if she agree with me then Jerry is better than Tom but if she agree with you, Tom is better than Jerry"suhesyon naman ni Angelo

"Deal, I know that Tita Lovi will agree with me"_Grace

"No, she will agree with me"sabi ni Angelo at nagsukatan sila ng tingin

"Tita, who do you think is better??? Is it Tom or Jerry???"magkasabay nilang tanong sa akin

"They are both worse because Barbie is better than them"sagot ko sa kanila

Napa pout naman sila dahil sa hindi inaasahang sagot ko sa tanong nila.

"Common, let's watch Barbie"sabi ko sa kanila at nagsimulang maghanap ng movie na Barbie. Hindi ko na sila hinintay pang sumagot. Bahala sila kung ayaw nilang manood, basta ako manonood ng Barbie. I decided to play the Barbie: Princess and The Pop Star. Iwan ko lang sa kanila kung napanood na rin nila itong movie, ako kasi paulit-ulit kong pinapanood to. Kaya hindi ko na alam kung ilang beses ko na itong napanood.

Lumipas ang mag hapon na wala akong ginawa kundi ang manood kasama ang mga pangkin ko.

Dumating na ang gabi at ngayon ay kasalukuyan kaming kumakain.

"Lovi Kakatext lang ni Mattheo, Hindi raw muna sila makakapunta dito dahil tatapusin na muna nila ang ginagawa nilang project"sabi sa akin ni Kuya Mike. Tumango naman ako sa kanya

Sinabihan nga pala ako kanina ng Doktor na kailangan kong matulog ng Maaga. Kailangan ko raw kasing maghanda para sa Chemotherapy bukas.

Kaya Nang matapos na kaming kumain. Nagpahinga muna ako saglit tapos naiisipan ko nang matulog.

"Good night, My princess"sabi sa akin at hinalikan ako sa Noo

"Good night, Anak"sabi ni Mommy at inayos ang kumot ko.

"I love Mommy, I love you Daddy"sabi ko sa kanila at ipinikit na ang mata

"We love you too"sabi ni nila then everything went black.

😪💤

😪💤

😪💤

😪💤

😪💤

😪💤

😪💤

😪💤

To be Continued...

Again.... hindi ko rin ito na proof read kaya pagpasensyahan niyo na ang mga wrong typos at grammar...

ScarletNicole

Chics HunterWhere stories live. Discover now