Chapter 17

28 4 0
                                        


Miguel POV...

Dahil nga Useless lang din naman ang pag punta namin dito sa school, ngayon naman kailangan naming linisin yung ginawa naming kalat pero hindi naman talaga ibig sabihin ay literal na nag kalat kami, what i mean is... paano ko ba sa inyo ii-explain???

Yung sa CCTV yung ibig kong sabihin, syempre hindi naman kami makakaligtas doon buti sana kung pwedi kaming maging invisible...

Nandito na kami ngayon sa harap ng elevator, bukas naman kaya pumasok na kami.

"Saan tayo???"_Lance

"Principal's office..."_Eros

"Saan ba yun???"_Mattheo

"3rd floor ata,"_Me

"Hindi ah, nasa 5th floor yun, malapit sa Classroom namin"sabi ni Yale

Masisisi niyo ba ako kung hindi ko alam yun? Sa dinami-dami ba naman ng Classroom at building dito??? Minsan nga naliligaw pa ako eh... halos pare-pareho lang kasi ang desinyo.

Pinindot na ni Jared yung number 5, naghintay kami na magsara yung pinto ng elevator pero walang nangyari.

Inulit ni Eros yung ginawa ni Jared, pinindot niya ulit yung number 5... gaya nga kanina, wala ring nangyari...

Si Lance naman yung nag try, Hinintay namin na sumara yung pinto, pero gaya rin ng nangyari kanina, wala pa ring pinag bago...

"Bakit ayaw???"Tanong ni Lance

"Naka off yata"_Jared

"Tang na Manggo flavor!!! wala nang pag asa yan, doon nalang tayo sa escalator"sabi niya at na una nang lumabas sa amin...

Natawa nalang kami sa pinag gagawa namin....

Yung feeling na nagmukha kang tanga sa pag hintay... 😂😂😂

What the fact??? Naka off pala yung elevator...

Pagdating namin doon, hindi rin umaandar yung escalator...

"No choice tayo kundi ang umakyat gamit ang ating mga paa"_Yale

"Alangan namang mga kamay, syempre yung paa talaga dahil yun ang ginagamit natin sa paglalakad"pilosopong sabi ni Mattheo

"Pwedi rin kung trip mo,"natatawang sabi sa kanya ni Lance...

*
*
*
*
*
*
*
*
*
Ilang hakbang nalang nasa 3rd floor na kami

"Pahinga na muna tayo, nakakapagod."sabi ko sa kanila ng makarating na kami sa 3rd floor

"Ang sakit sa paa, ang hirap umakyat sa pagka haba-habang hagdan"sabi ni Eros habang hinihingal

Si Jared pinag papawisan na....

"Gusto ko tuloy uminom ng tubig, kaya lang nandoon sa kotse"_Mattheo

Chics HunterWhere stories live. Discover now