This Chapter is dedicated to: RonaOlpindo
Charlyn POV...
Nagising ako sa mahimbing kong pagkakatulog dahil pakiramdam ko pawis na pawis na ako. As in sobrang init talaga. Nakabukas naman ang Aircon nang matulog ako kagabi, pero bakit ang init??? Nakapatay din ang ilaw. Ah... baka naman Brown out lang. Pinilit kong matulog ulit pero hindi talaga ako makatulog... Ang init talaga...
"Mom..."tawag ko kay Mama
"Mom... Mommy... Daddy"tawag ko sa kanila pero walang sumasagot.
"Ate Gail... Kuya Mike..."_Ako
Ilang beses ko silang tinawag pero hindi sila sumasagot. Grabe naman 'tong mga 'to, ang himbing nang tulog. Paano nalang pala kung kailangan ko ng tulong nila sa ganitong oras??? Ipinikit ko nalang ulit ang mga mata ko kaya lang hindi na talaga ako makatulog kaya naisipan kong bumangon nalang. Hinanap ko yung cellphone na nakalagay sa table malapit sa kama ko at binuksan ang flashlight... nagsimula na akong hanapin ang switch dito sa loob ng kwarto... baka naman kasi hindi talaga brown out baka sinadya lang talaga nilang i-turn off yung ilaw. Nang makita ang switch ay agad ko itong ini-on. At Laking gulat ko nang magliwanag na ang paligid. Bigla akong napaluha nang makita sila Ate Gail, Kuya Mike at mga pamangkin ko...
"Anong nangyari???"Naluluhang tanong ko sa kanila
"Asdfghkl..."sabi ni Ate Gail sa na parang may tinuturo siya sa akin, hindi siya makapagsalita dahil nakabusal yung bibig niya, ganoon din si Kuya Mike samantalang duguan at walang malay naman ang dalawang pamangkin ko. Nakatali silang pareho at may bombang nakakabit sa kanila.
Lalapitan ko na sana sila kaya lang parang nagsasalita si Kuya Mike
"Lkjhgfdsa"_Kuya Mike
Tapos parang may ipinapahiwatig si Ate Gail sa akin using her head, kaya sinundan ko ang tinitingnan niya.
Nakita ko ang isang piraso ng papel malapit sa may couch, patakbo ko itong pinuntahan at agad na binasa.
Hello my dear!!! What a surprise right??? Did you like my Birthday gift??? Wait... there's more. Do you want to see your parents??? For sure they have lost a lot of blood right now and they badly need someone's help... wanna know where they are??? I know that you are wondering what's going on right??? You know what??? I Pitty you, for being innocent 'cause you don't have any idea on what's going on to the place and people that surrounds you. I swear, what you may discover today will break your heart. Time is running, hurry if you want to see them alive. I am watching you through CCTV, one wrong move and you will lost everything.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Ano ba kasi ang nangyayari??? May hindi ba ako alam??? Nasa panganib ang pamilya ko ngayon at hindi ko alam kung paano ko sila ililigtas. Dali-dali akong pumunta sa kinaroroonan nila Ate Gail. Walang ano-anoy tinanggal ko agad ang busal sa bibig niya upang makapagsalita siya.
"Ate may hindi ba ako alam???"tanong ko agad sa kanya
Bigla kaming napalingon dahil may biglang tumunog, napatingin kami sa bomba dahil bigla nalang itong nag count down.
"Lovi, makinig ka... nasa panganib sila Tita at Tito, at hindi ko alam kung saan sila dinala. Mga taong sangkot sa underground bussiness ang kumuha sa kanila, sa tingin ko may kinalaman ito sa transaksyon na nangyari noong nakaraang gabi,"mabilis na sabi ni Ate Gail sa akin

YOU ARE READING
Chics Hunter
Mystery / ThrillerMaraming nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala ang mga Playboy, Playgirl at Timer dito sa mundo, At ang palaging kasunod ng tanong na iyan ay ang: Bakit nga ba sila ganyan??? at Bakit nila ito ginagawa??? Bakit nga ba...