Chapter 40

14 2 0
                                    


Jared POV...

Napadilat ako ng marinig ang katok sa may pintuan.

"Mga Iho wake up, may pasok pa kayo"dinig kong sabi ni Tita Sylvia habang kumakatok sa may pintuan.

Nandito kami ngayon sa guest room ng bahay nila. Dito kasi kami natulog kagabi.

"Nandiyan na po,"sabi ko at bumangon na. Naku nakakahiya naman.

"Bro, Gising na..."sabi ko habang inaalog ang katawan ni Miguel aba'y humihilik pa ang loko. Tinapik-tapik ko yung mukha niya. Maya-maya napadilat na siya.

"5 minutes"inaantok na sabi niya

"Ano ba, bumangon kana diyan. Nakakahiya sa Tita ni Yoon"sabi ko sa kanya

Maya-maya bumukas yung pinto at iniluwa nito si Yoon.

"Jo-eun Achim-im-ni-da"masayang bati ni Yoon sa amin.

(Good Morning)

"Good Morning,"sabi ko sa kanya

"Guys, here is your dress. I wish you like it."masayang sabi niya at nilapag sa kama ang dala niya.

"Let's just meet downstair after You take a bath. Bye for now, I need to pack myself too"_Yoon

"Thanks,"sabi ko sa kanya

"Chun ma-ne-yu"sabi niya at lumabas na ng kwarto.

(You're welcome)

Kinuha ko na yung dala niyang mga damit. Bali anim na pares lahat at dalawang underwear. At mukhang hindi niya pa ito nasusuot. Nangangamoy bago pa eh. Alin kaya dito ang isusuot ko??? 4 ang T-shirt na may iba't ibang kulay. V neck yung style, tapos 2 white polo shirt. Yung pantalon naman, 2 jagger at 4 na maong na pantalon na may iba't-ibang style.

Pinili ko yung black pants na may butas sa bandang tuhod at Yung kulay white na V neck T-shirt.

"Ayan... pumili kana ng susuutin mo,"sabi ko kay Miguel sabay abot doon sa mga damit na dinala ni Yoon. Aba'y hindi pa rin bumabangon. Pinalo ko nga yung puwit niya.

"Aray"reklamo niya at napaupo sa kama

"Ako na muna ang mauunang maligo,"sabi ko sa kanya at pumasok na sa banyo.

After 12345678910 Years. Natapos na rin ako. Isinuot ko na yung roba at lumabas na ng banyo.

"Ang tagal mo namang maligo,"reklamo niya.

"Sorry, ang sarap kasing maligo sa malamig na tubig,"sabi ko sa kanya at nag peace sign pa.

Nagbihis na ako at hinintay siyang matapos. Ilang minuto na akong nakaupo dito pero hindi pa rin siya natatapos sa pag ligo niya.... Grabe siya, mas matagal pa nga yata siyang maligo kesa sa akin.

Tinatanong niyo siguro kung nasaan sila Eros, Yale at Lance. Wala po sila rito. Doon na kasi sila dumiretso sa bahay nila Eros. Tumawag kasi sila kagabi na doon nalang daw sila matutulog dahil tinatamad na silang mag drive pabalik sa village nila Yoon. Medyo may kalayuan din kasi itong village.

Chics HunterWhere stories live. Discover now