Chapter 44

9 1 0
                                    


Yale POV...

Matapos naming kumain dumiretso na agad kami sa Scarlet Hospital. Sariwa pa rin sa alaala ko ang mga bangkay na nakahimlay na nakita ko sa Morgue. Grabeng Experience iyon. Hindi ko na nanaisin pang mapunta pa uli doon. Sakay ng elevator ay narating namin ang Second floor nitong building ng Hospital. May mga ilang Nurse na dumaraan sa pathway at may ilan rin kaming nakakasalubong na pamilya na hila-hila ang wheelchair ng kamag anak nilang may sakit. Kapansin-pansin rin na napapatingin sa amin ang mga babaing Nurse dito na animo'y nakita ng isang sikat na celebrity sa Hollywood. Hindi rin nila maiwasan ang mapaBlush sa tuwing napapatingin kami sa kanila.
Iba talaga kapag mga Gwapo 😄😄😄 dahil nagiging center of attraction. Pumunta kami sa Room 218 para tingnan kung may tao na doon. Swerte naman dahil meron na, kaya lang Isang babae at dalawang bata ang naroon. Kinatok namin ang pinto ng kwarto. Maya-maya pa ay pinagbuksan na kami ng babae.

"Pwedi po bang magtanong???"sabi ni Eros doon sa babae

"Pwedi naman, tungkol saan po ba???"sabi naman ng babae

"May nakita po ba kayong lalaki na pumunta dito??? Ito siya oh,"sabi ni Eros sabay pakita doon sa babae ng picture ni Mattheo sa Cellphone.

"Opo, parang pamilyar siya sa akin. Siya ata yung kausap ni Sir Mike kanina,"sabi naman ng babae.

"Hey... Give me that,"sabi ng batang babae sa batang lalaki na habang nag aagawan sa nilalaro nilang bola. Sa tingin ko ay kuya niya dahil hindi sila nagkakalayo ng itsura. Ang cute nilang tingnan.

"No... Catch it first,"sabi naman ng batang lalaki at inaasar ang kapatid niya

"Please... kuya"sabi ng batang babae na pilit na inaagaw ang bola

"No,"matigas naman na sabi ng kuya niya

"Yaya... yaya si Kuya hindi ako pinapahiram ng ball,"biglang sabi ng batang babae at tumakbo papunta sa babaing kausap ni Eros.

"Hi baby,"sabi ko sa kanya habang nakadungaw sa may pintuan. Nginitian niya naman ako.

"Hello, let's play???"sabi niya sa akin at hinila ako papasok ng kwarto. Napatingin naman sa akin yung batang lalaki. Napakunot ang noo niya pagkakita niya sa akin at tiningnan ako ng masama.

"Who are you??? And who give you permission to touch my sister???"maangas na sabi niya sa akin at hinala palapit sa kanya ang kapatid niya. Ang cute niya!!! Hahaha... Bagay na bagay sa kanya ang pagiging Protective Kuya.

"Ouch!!! You're hurting me,"reklamo naman ng kapatid niya na muntikan nang madapa dahil sa lakas ng paghila niya kanina.

"I told you not to talk to Anyone,"galit na bulyaw niya sa kapatid niya. Umiyak naman yung kapatid niya...

"Why you dont want me to make friends with others??? I just only want to have a new friends... palagi mo nalang inaaway ang mga nagiging kaibigan ko,"hihikbi-hikbing sabi ng kapatid niya...

Chics HunterWhere stories live. Discover now