Chapter 39

12 2 0
                                    

Mattheo POV...

Mag aalas otso na ng gabi. Gaya nga ng plano ko, pinuntahan ko ulit ang bahay nila Mike. Sinadya ko talagang pumunta dito ng ganitong oras.

Pagkagaling ko kasi sa school, dumiretso agad ako sa mall, doon ko nalang kasi hinintay na magdilim. Kumain na rin ako sa restaurant. Hindi na ako umuwi ng bahay dahil tinatamad na ako.

Teka nga lang!!! Bakit parang nakikita ko yung mga kaibigan ko??? Feeling ko kasi nakikita ko sila Miguel, Yoon at Jared sa side mirror ng kotse ko. Totoo ba 'to or halucination lang???  (Sabi ko sa sarili ko habang papunta sa bahay nila Mike.)

Ay Naku Mattheo!!! Guni-guni mo lang yan, namimiss mo lang siguro yung mga kaibigan mo, kaya kung ano-ano tuloy yang nakikita ng mga mata mo. (Sabi ko sa isip ko at ipinagpatuloy nalang ang pagdadrive)

Pagdating ko sa harap ng bahay ni Mike bumaba agad ako sa kotse para mag doorbell, maya-maya lang pinagbuksan na ako ng gate. Bumalik ulit ako sa sasakyan para ipasok ito sa loob.

"Wait lang po Sir, tatawagin ko lang po si Sir Mike"sabi ng maid at iniwan na muna ako sa sala.

Umupo na muna ako sa couch.
Maya-maya lang dumating na si Mike,

Hindi pa man siya nakakalapit sa akin ng makarinig kami ng isang malakas na sigaw.

"Dad...  kailangan nating pumunta sa hospital, si Lovi kasi dinala sa emergency room"sigaw ng isang babaing nagmamadaling makababa ng hagdan. Halatang nanginginig siya dahil sa tono ng boses niya.

"Sige..."natatarantang sabi ni Mike. At nagmamadaling lumabas ng bahay.

Yung babae naman kanina, Umiiyak na sinundan si Mike sa labas.

Kaya lumabas din ako para tingnan kung ano ang nangyayari. Nagmamadali silang sumakay sa kanilang kotse.

Agad din akong sumakay sa kotse ko at Nagmamadaling sinundan sila. Habang palabas na kami ng Gate parang nakita ko yung mga mukha ng kaibigan ko. Natamaan kasi sila ng ilaw ng kotse ko. Pero imbis na pansinin nag focus nalang ako sa pagdadrive. Baka kasi mamaya guni-guni ko lang ang lahat.

Malayo pa man kami sa gate nitong village ay dinig na agad ang malakas na busina ng sasakyan ni Mike. Hudyat iyon para buksan ng guardiya ang gate. Nang makalabas na kami, Mabilis na pinatakbo ni Mike ang kotsing sinasakyan nila ng kasama niya.

Habang nakasunod kila Mike, hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha sa mata ko at hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong naiyak. Yung mga kamay ko rin parang nanginginig na. Parang may isang parte kasi ng katawan ko na parang feeling ko nanghihina. Pakiramdam ko naubos lahat ng lakas na meron ako sa aking katawan.

Yung pakiramdam na bigla ka nalang nalulungkot kahit hindi mo alam ang dahilan. Parang ganon kasi yung pakiramdam ko ngayon. Yun bang hinang-hina ka na, kahit hindi naman dapat.

Daig pa ni Mike yung mga kasali sa isang karera dahil sa lakas ng pagmamaneho niya. Pilit ko siyang inaabutan subalit lagi akong napagiiwanan. Naipit pa kami sa isang trapik. Panay naman ang busina ni Mike doon sa kasunod niyang kotse. Maya-maya lang umusad na yung mga sasakyan.

Mabilis niyang ipinarada ang kotse niya sa harap ng isang hospital. Ganon din ang ginawa ko, patakbo silang pumasok sa loob. Kaya nagmadali rin ako para maabutan sila. Nakita kong Huminto sila sa counter, nagtanong ata si Mike sa nurse na naroon. Nakasakay na sila sa elevator ng maabutan ko sila. Agad naman akong pumasok sa loob. Yakap-yakap ni Mike yung babaing kasama niya na hanggang ngayon ay panay pa rin ang iyak.

Chics HunterWhere stories live. Discover now