Chapter 64

5 0 0
                                    

Zairylle POV...

"Mr. Almonte and Mr. Torres, please proceed to Principal's office"sabi ni Maam sa dalawa kong classmate na kararating lang. Halos patapos na nga ang first subject eh, mula ng dumating sila. And I was surprised nang tingnan ko sila. I gasp for an Air because of my disbelief 😰😰😰 it was the guy whom I saw in the rooftop lastweek. How come na mag classmate pala kami, I haven't seen them in this class before. Sabagay last week ko lang naman natunton ang classroom ko. First day of school ko kasi dito, doon ako napasok sa Grade 8. Paano??? Nagkamali kasi sila ng ibinigay na room number sa akin, kaya ayun! sa Grade 8 ako napasok. Kung hindi ko pa tiningnan ang textbook nila baka hindi ko pa nalaman ng maaga. The next day, sinabi ko sa adviser ng grade 8 na Grade 9 na ako. Tapos ipinakita ko sa kanya ang I.D ko sa former school na pinapasukan ko. Agad naman siyang pumunta sa registrar at inayos ang schedule ko. Doon ko rin nalaman na mali yung room number na naibigay nila sa akin. Ipinasok nila ako sa isang section ng Grade 9, pero sabi nila pansamantala lang muna ako doon dahil kailangan ko ulit na mag take ng Exam para malaman kung saang section ako nagbabagay since pang Grade 8 din pala yung naibigay nilang exam sa akin. Apat na araw din akong nanatili doon. Hanggang sa noong Last friday ko lang nalaman ang classroom at section ko... So, meaning 1 week na pala silang absent sa klase namin??? Nandito sila sa loob ng school pero hindi pala sila pumapasok. Hay naku!!! Mga absenus sa klase. Anyways, ano nga ba ang pakialam ko sa kanila???

"Good bye maam"paalam namin matapos lumabas ang guro.

May sampung minuto pa bago ang next subject namin. Kaya nagsimula na naman ang ingay ng mga kaklase ko

"Guys, napansin niyo ba na parang ang laki ng Eyebags ni Eros,"dinig kong sabi ng isang kaklase ko na malapit sa inuupuan ko. Medyo marami-rami silang nagkukumpulan doon habang ang iba naman sa mga kaklase ko ay panay ang lagay ng kung ano sa mukha nila

"One week din siyang absent sa klase, ano kaya ang nangyari sa kanya???"_Classmate 2

"Tanongin kaya natin si Angie??? Baka naman nag away sila???"_Classmate 3

"Balita ko, 1 week din daw na hindi pumasok sa klase nila ang mga kaibigan niya"_Classmate 4

"Narinig niyo rin ba yung bali-balita dito sa Campus??? Nag-away daw si Eros at Mattheo???"_Classmate 5

"What??? Totoo ba yan???"di makapaniwalang sabi ng isang classmate ko

"Oo, may nakakita raw sa kanila sa rooftop habang sila ay nagsusuntukan"sagot naman ng isa sa kanya

"Ano kaya ang pinag-awayan nila???"curious na tanong ng isa sa mga naroon

Ano ba yan nagmumukha akong tsismosa nito, hindi ako makapagconcentrate sa nilalaro ko, nawiwili kasing makinig sa usapan nila itong tainga ko,👂👂👂

Focus...

Focus...

Focus...

Mag Focus sa nilalaro, hindi sa pakikinig sa usapan nila...

"No possible moves"

Ano ba yan, hindi ako makapag level up sa nilalaro kong Candy Crush 🍬🍫

"Arggg, no possible moves na naman!!!"inis na sabi ko

"Baka naman tungkol sa babae???"_Tsismosa kong classmate

"Pansin ko nga rin na parang balisa itong si Angie noong nakaraang linggo, baka naman Break na sila ni Eros tapos nagalit itong si Mattheo kaya nag-away sila"sabi pa ng isang tsismosa

"Kung ganoon nga, magandang balita ito. Pagkakataon na natin ito girls para mapansin tayo ni Eros, May the best win nalang"natutuwang sabi ng isa sa kanila

"Excuse me, wag nga kayong mangarap ng gising diyan. Tsaka hindi pa kami break ni Eros nuh! Ang kapal naman ng pagmumukha niyo"parang galit na sabi ng babaing kalalapit lang sa kanila.

Ops! Hindi ako tsismosa ha, nacurious lang talaga ako kaya tumingin ako sa gawi nila

Siya siguro yung sinasabi nilang Angie. May pagkanerd yung itsura niya, pero infairness naiiba siya sa mga nerd na nakilala ko, masyado siyang palaban. If I'm not mistaken, siya rin ata yung class president dito
sa classroom namin. Nasabi ko na ba sa inyo na mataray din siya???

"Angie, ikaw pala. Kanina ka pa ba diyan???"tanong ng isa sa kanilang naroon

"Talking behind my back huh???"mataray na sabi ni Angie sa kanila

"Ah.. hindi ikaw yung pinag-uusapan namin. Yung Angie sa kabilang section yung tinutukoy namin, di ba Guys???"sabi ng classmate as if she was trying to convince Angie

"Yeah, tama siya. Si Angela yung pinag-uusapan namin dito. Yung malanding girl sa kabilang section. Actually tinawag lang naman siyang Angie, dahil masyadong mahaba yung pangalan niya"sabi pa ng isa sa mga naroon

"Ah, talaga??? Ang bobo niyo naman pala, May iba pa bang Angie dito bukod sa akin??? Ako lang naman yung nagngangalang Angie dito na Girlfriend ni Eros. Wag niyo nga akong gawing mangmang na parang katulad niyo. Hindi ako bingi para hindi marinig ang pinagsasabi niyo. Ngayon palang binabalaan ko na kayo, stay away from my boyfriend if you don't want to see hell"inis na sabi ni Angie sa kanila bago ito tuluyang bumalik sa mga kaibigan niya.

"Teh, wag masyadong high blood sayang yung ganda eh"dinig kong sabi sa kanya ng bading niyang kaibigan

"Kainis eh, ang kakapal ng mukha. Balak pa yatang agawin sa akin ang boyfriend ko"_Angie

"Don't worry hindi natin hahayaan na mangyari yun"sabi pa ng isa niyang kaibigan

"Yeah, she is right. We are here to save you. We're always on the rescue"dagdag pa ng isa sa kanila

"Tsk. Akala mo naman kung sinong maganda, yun pala kung umasta ugaling impakta,"bubulong-bulong ng isa sa mga babaing pinuntahan niya kanina

"May sinasabi ka ba diyan Rochelle???"tanong ni Angie habang nakataas ang isang kilay

"Ha??? Ako may sinasabi??? Wala ah.."dipensa naman ng babae sa kanyang sarili

"Ba't may binubulong-bulong ka diyan???"_Angie

"Ah, yun ba??? Naalala ko lang kasi yung isang lyrics ng korean song. Medyo nakarelate kasi ako doon sa lyrics kaya bigla ko nalang nasambit. Ang hirap palang umasa na sana mahalin ka rin ng taong pinapangarap mo"_Rochelle

"Asa ka pa. Hindi ka ni Eros mamahalin dahil ako lang ang mahal niya. Matuto ka ngang lumugar. Kung ako sayo mag move on ka nalang"_Angie

Grabe naman pala itong si Angie, parang hindi ko ma-carry yung ugali. Ang Harsh niya naman yata.

Buti nalang dumating na yung teacher, kaya nagsibalikan na sila sa kanya-kanya nilang mga upuan.

"Good Morning Class,"masayang bati ni Sir sa amin

"Good Morning Sir,"magalang na pagbati naman namin sa kanya

"5 minutes preparation and after that we will be having a short quiz regarding our topic last meeting"_Sir

Bigla namang nag iba ang ekspresyon nila. Okay lang naman sa akin kahit na hindi na ako mag review, naaalala ko pa naman yung topic namin kahapon. Kaya no worries, hindi naman siguro masyadong mahirap yung ibibigay niyang quiz. Sa tingin ko it's a kind of short review about our topic yesterday.

To be Continued...

ScarletNicole

Chics HunterWhere stories live. Discover now