Chapter 11

45 6 0
                                        


This chapter is dedicated to: maputingnegro and MorenangPlat

Eros POV...

Nagising ako dahil sa malakas na Tugtog na nangagaling mula sa baba🎵🎶, siguro may nag bukas ng speaker... Mukhang tinanghali na yata ako ngayon ng gising...🌞🌞🌞 Bigla naman akong nakaramdam ng gutom. Naalala ko nga pala na hindi ako nakapag dinner kagabi, nagpasya na muna akong maghilamos ng mukha bago bumaba...


Mula dito sa hagdan ay tanaw ko ang aming mga katulong sa Sala na nagsu-Zumba, kitang kita sa kanilang mga mukha ang saya habang sila ay sumasayaw....
Hindi na muna ako bumaba bagkos ay umupo na muna ako sa hagdan upang sila ay panoorin. Ganito pala sila kapag sila lang ang tao dito sa bahay... para silang isang pamilya kung titingnan, Masaya naman ako dahil kahit papaano binubuhay nila itong bahay namin, siguro nga kung wala sila nagmukha na itong Haunted House....

Nang bumaba na ako, lahat sila ay nagulat... ang iba naman ay nataranta. Gusto ko sanang matawa dahil sa itsura nila para tuloy silang nakakita ng multo...👻👻👻, Dali-dali nilang pinatay ang malakas na tugtog... at ang iba naman ay nagsipag takbuhan at ang tanging natira ay si Manang Fe, na siyang pinakamatanda sa kanilang lahat at ang pinakamatagal nang nagtatrabaho sa amin. Siya rin yung nag alaga sa akin noong maliit pa ako...

"Good Morning po"nakangiting bati ko sa kanya

"Go-good Mo-mor-ning din po sa inyo si-Sir"nauutal na sabi niya

"Wag niyo na po akong tawaging Sir..."sabi ko sa kanya at iniwan siyang nakatayo doon

Alam kong nasaktan ko na naman siya... Way back when I was young, I used to call her Lola... 👵👵👵 She also treated me as her own Grandson. She is always the one who's with me, the one who attended the meetings in school, and the one who took care of me. In short she is the one who acts as my mother.... Biglang may kumirot sa puso ko nang maalala ko ang isang malungkot na pangyayari...

[|<<FLASBACK|<<]

May mga naririnig akong umiiyak, hindi ko alam kung nasaan ako. Ramdam ko ang sakit ng katawan ko at hindi ko ito mai-galaw ng maayos, nabibigatan din ako sa kung ano mang bagay ang nakakabit dito sa katawan ko. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nakita ko si Lola Fe...

Ang aking lola na umiiyak, napansin ko rin na naka benda ang ibang parte ng kanyang katawan... nakaupo siya sa tabi ko. Ngumiti siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit at doon na bumuhos ang kanyang mga luha habang yakap-yakap ako.

Hindi ko alam kung bakit ganoon nalang siya kung makaiyak...

"Apo... salamat at nagising kana, akala ko talaga iniwan mo na ako..."naluluhang sabi niya sa akin at hinalikan ako sa noo at muling niyakap...

Gusto ko sanang magsalita kaya lang, parang hindi ko mai-galaw ang bibig ko.... Nang mga oras na iyon, hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong lumuha.... marahil siguro ay nakita ko siyang umiiyak... Pinunasan niya ang mga luhang tumutulo sa pisngi ko...

"Apo... wag ka nang umiyak, nandito na si Lola. Hindi ka niya iiwan..."pagpapatahan niya sa akin

Dalawang araw ang lumipas bago ko tuloyang naigalaw ng maayos ang katawan ko....

Chics HunterWhere stories live. Discover now