Jared POV...
May mga taong hindi sinasadyang makasakit ng ating damdamin. Mga taong sadyang itinadhana lang para maging parte ng buhay natin. At kahit na gustuhin man natin na sila ay manatili, tadhana parin ang siyang maghahari.
Parang kahapon lang ang saya pa ng bawat isa, yun pala isa sa kanila ay namamaalam na.
Katatapos lang naming maihatid si Charlyn sa kanyang huling hantungan. At hanggang ngayon ay hindi parin umaalis si Mattheo sa tabi ng puntod niya. Madilim na ang paligid at parang uulan pa yata. Siya at kami nalang ang taong naiwan dito. Talagang mahirap tanggapin ang ganitong pangyayari, subalit wala tayong magagawa pagkat ito ay talagang nakatadhana. Kahit ako ay hindi rin makapaniwala na wala na siya. Pakiramdam ko kasi parang nandito pa rin ang presensiya niya.
Nagpapasalamat din ako dahil sa kunting panahon na iyon ay nabigyan ako ng pagkakataon na makilala siya. At dahil sa kanya, may isang bagay ako na narealize. Sabi nga nila everything happens for a reason. Hindi natin hawak ang buhay natin, kaya habang nabubuhay pa tayo matuto tayong pahalagahan ang bawat segundo. Malay natin bukas o sa makalawa hindi na tayo magigising. Hindi pa naman huli ang lahat para makabawi ka sa iyong mga pagkakamali. Hindi mo man lahat naitama, at least sinubukan mong magbago.
Kahit na sa kaunting pahanon na siya ay aming nakasama, alam kong napalapit na rin ang loob namin sa kanya. Kaya Ramdam na ramdam ko rin ang lungkot at pagdadalamhati ng mga kaibigan ko sa pagkawala niya. Alam kong kahit sila ay hindi rin makapaniwala.
Si Charlyn kasi yung tipo ng babae na hinding-hindi mo agad makakalimutan. Parang ate na nga rin ang turing ko sa kanya eh, lahat ng katangian niya talagang magugustuhan mo. Maalaga, Mabait, Friendly, Maalalahanin, Masayahin, Mapagmahal, May pagka-protective minsan, Makulit minsan, Playful at higit sa lahat Understanding. In short siya yung tipo ng tao na kahit sino ay kaya niyang pakisamahan. Tingnan mo lang ang mga mata niya, masasabi mo kung anong klaseng tao siya at kung gaano kaganda ang puso niya. She is one in a million. Bihirang makakita ng isang katulad niya. Siguro maaga siyang kinuha dahil mabait siya. Ewan ko nga ba kung bakit kung sino pa yung mga taong mababait sila pa yung unang lumilisan dito sa mundo. Bakit kaya???
Siguro kung hindi lang siya Girlfriend ni Mattheo baka niligawan ko pa siya kung sakaling noon pa nagtagpo ang mga landas namin. May kung ano kasi sa kanya na hindi mo basta makikita sa ibang babae diyan. At hinding-hindi ko yun pagsisisihan kung sakaling nangyari man iyon, kahit na in the end ay ganito pala yung mangyayari. Tsaka, hindi naman kasi lahat ng love story nagtatapos sa happy ending. Ang importante nagmahal ka at naipadama mo ito sa kanya.
"She may rest in peace"malungkot na sabi ni Yoon
Bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan at agad naman kaming napatakbo papunta sa kinaroroonan ni Mattheo.
"Bro, pasensya na pero kailangan na nating umalis dito"sabi ko sa kanya
"Sige, mauna na kayo. Salamat nalang sa paghintay. Sorry, ayuko pa kasing umalis dito"sabi niya habang yakap-yakap ang tuhod niya
Bahagya kaming nagkatinginan na parang naguusap ang aming mga mata.
"Hindi, hindi ka namin iiwan dito"sabay-sabay na sabi namin sa kanya
"No doubt, kaibigan ko nga talaga kayo. Ang titigas ng ulo niyo na parang ako. Sige na umalis na kayo, baka hinahanap na kayo ng magulang niyo. Wag niyo na akong alalahanin dito, okey lang ako"sabi niya sa amin at pilit na ngumiti
"Sure ka???"tanong ko sa kanya
"Oo naman"_Siya
"Sige, kung yan ang gusto mo"sabi ko sa kanya at umupo sa tabi niya, ganoon din ang ginawa ng iba.
"Tsk... ang titigas talaga ng ulo niyo, hindi ba kayo marunong makinig???"sabi niya at napasabunot nalang sa sarili
"Di bale nang mapagalitan basta hindi ka namin dito iiwan"_Yale
Nagpatuloy ang pagpatak ng ulan at nabalot na naman ang lugar ng katahimikan. Maya-maya pa nagsalita ulit si Mattheo
"Ang dami kong pagkukulang sa kanya,"malungkot na sabi ni Mattheo na pinipigilan ang sarili na maiyak. Kahit na malakas ang ulan, kitang-kita mo pa rin ang namumuong luha sa mata niya
"Napaka walang kwenta kong Boyfriend, wala manlang akong nagawa noong mga panahon na naghihirap pa siya. Wala ako sa tabi niya sa mga panahong kailangan niya ako,"sabi niya na hindi na mapigilan ang pagpatak ng luha
"Napaka-selfish ko dahil wala akong ibang inisip kundi ang magpakasaya sa panahong nahihirapan pala siya. Napakatanga ko dahil nagpadala ako sa galit na nararamdaman ko, sana pala hindi ako sumuko sa paghahanap sa kanya. Sana maaga kong nalaman ang kalagayan niya. Sana nandoon ako para pasayahin siya sa mga panahong nalulungkot siya. Sana nasamahan ko siya sa laban ng buhay niya. Kaya lang, wala eh! Wala manlang akong nagawa. Ang tanga ko kasi. Wala akong kwenta!!!"Umiiyak na sabi ni Mattheo
"Wag mong sabihin yan, dahil alam naman nating lahat kung gaano mo siya kamahal"_Miguel
"Tama si Miguel, kaya wag mo nang sisihin ang sarili mo"sabi ko naman sa kanya
"Hindi eh, hindi ko manlang nagawang bumawi sa kanya"_Mattheo
"Matt, hindi totoo yan. Sigurado akong nagawa mo siyang pasayahin kahit na sa kaunting panahon lang na nagkasama kayo bago siya nawala"_Eros
"Mahal ka niya Matt, at kaya niya lang nagawang ilihim sayo ang tungkol sa sakit niya dahil ayaw niya na mag-alala ka pa sa kanya. Siguro mas pinili niya na pareho kayong masaktan kasi gusto niya na masanay kang mag-isa kapag may nangyaring masama sa kanya. Gusto niya na maging masaya ka kahit na wala siya sa tabi mo"_Lance
Mas lalong lumakas ang ulan kasabay nito ang pagdampi ng malakas na hangin sa aming balat. Maya-maya pa ay bigla na lamang namatay ang ilaw sa paligid kasabay nito ang malakas na pag kulog at sinabayan pa ng pag kidlat.
"Muk-hang may bag-yong pa-pa-ra-ting"sabi ni Yoon
Wala na kaming nagawa kundi lisanin ang lugar na iyon. Kahit na madilim ang paligid, sinikap pa rin naming makarating kung saan naka Park ang kotse namin. Hindi ko nga alam kung ilang beses kaming nabundol sa pader, at naligaw ng daan patungo sa labas. Mabuti na lamang at gumana pa ang cellphone ni Yale kahit na nabasa na ito ng ulan, panandalian pa rin namin itong nagamit at nagsilbing flashlight patungo sa gate. Pare-pareho kaming basa at nanginginig sa lamig nang marating namin ang main gate. Pagkarating namin doon, agad na sumakay kami sa aming mga kotse at agad ring tinahak ang daan pauwi. Madulas ang kalsada at hindi pa rin tumitigil ang pagpatak ng malakas at malalaking butil ng ulan na para bang ito ay binibuhos. Mukhang tama nga ang hinala ni Yoon may Bagyo ngang paparating.
To be Continued...
♡ ScarletNicole ♡

YOU ARE READING
Chics Hunter
Mistero / ThrillerMaraming nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala ang mga Playboy, Playgirl at Timer dito sa mundo, At ang palaging kasunod ng tanong na iyan ay ang: Bakit nga ba sila ganyan??? at Bakit nila ito ginagawa??? Bakit nga ba...