Lance POV...
Lunch break na, tamang-tama dahil nagugutom na rin ako. Hindi kasi ako nakapag almusal kanina, nagmamadali kasi akong pumunta sa school dahil magkakaroon ng Long Quiz sa isa naming subject, baka kasi maLate na naman ako...
"Lance, Ayon si Miggy,"sabi ni Eros sabay turo kay Miguel,
"Teka, sino yung kasama niya???"tanong ko
"Ewan, baka naman Classmate niya"_Eros
Kinuha ko yung Cellphone ko at Tinawagan si Miguel.
Dialing....
Xyrus Miguel
Nakita ko naman na kinuha niya yung Cellphone niya sa kanyang bulsa... Pumasok na sila sa elevator, kami naman ni Eros nandito pa rin sa escalator, papababa pa lang."Hello,"_Miguel
"Bro, Hintayin niyo kami ni Eros sa Ground floor,"sabi ko sa kanya
"Ano??? Hindi kita marinig, masyadong maingay dito"_Miguel
Inilayo ko ng konti yung Cellphone, Ang sakit kasi sa Tainga. Masyadong maingay yung Background niya, Ang daming nag uusap. Para tuloy mga bubuyog na nagliliparan, Mga babae talaga sobrang daldal, isabay niyo pa yung mga baklang nagtitilian.
"Ang sabi ko, hintayin mo kami ni Eros diyan sa Ground Floor. Sabay-sabay nalang tayong Pumunta sa Tambayan"_Ako
"Ground Floor kamo???"_Miguel
Binabaan ko siya ng tawag. Haayy... Ma text na nga lang
To: Xyrus Miguel
Ang sabi ko, hintayin mo kami diyan sa Ground Floor, sabay nalang tayong pumunta sa Tambayan.
Sending....
MESSAGE SENT ✔ 💌
Nag vibrate naman yung Phone ko,
From: Xyrus Miguel
Okay... ☺☺☺
No probs...Pumasok na kami sa elevator, pagdating namin sa Ground Floor, nadatnan namin si Miguel na nakikipag usap doon sa mga babae kasama yung kasama niya kanina.
"Bye Girls,"sabi niya, nang makita kami.
Napatingin kami sa Kasama niya, Isa siyang Korean. Ang ganda ng Kutis niya, medyo maputla ng konti yung kulay... Nahiya naman siya sa amin kaya medyo yumuko siya.
"By the way, This Is Sung Yoon Wook, My new Classmate."
Pakikilala ni Miguel sa Kasama niya."An-nyong ha-se-yo."sabay na sabi namin ni Eros sa kanya,
Di ba yan yung, Hi or Hello sa korean??? Am I right mga reader???

YOU ARE READING
Chics Hunter
Mystery / ThrillerMaraming nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala ang mga Playboy, Playgirl at Timer dito sa mundo, At ang palaging kasunod ng tanong na iyan ay ang: Bakit nga ba sila ganyan??? at Bakit nila ito ginagawa??? Bakit nga ba...