Maraming nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala ang mga Playboy, Playgirl at Timer dito sa mundo, At ang palaging kasunod ng tanong na iyan ay ang:
Bakit nga ba sila ganyan??? at Bakit nila ito ginagawa???
Bakit nga ba...
Hello mga readers diyan 🙌🙌🙌 Spell niyo po ang EXTRA... hehehe, Makikipag kwentuhan lang po sa inyo... wala po kasi akong maka usap, busy kasi yung isa dito.
Thank you Author, dahil pinag bigyan niyo po ang request ko...
Francis William Garcia nga po pala si Ako, hahaha 😉😉😉 Ang Gwapong Kapatid ni Mattheo, Just call me William or Liam, it doesn't matter...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Nice to meet you po mga readers!!!
Dumating na yung kapatid ko, Dala-dala niya yung mga pinamili niya.... Syempre, dahil gusto ko siyang pag tripan hindi ko siya tinulungan... dumiretso na agad siya sa kusina.... nasabi ko na ba sa inyo na magaling siyang magluto??? Well, kung hindi pa, Ayan.... Nasabi ko na, 😀😀😀
Alam niyo ba na noong mga bata pa kami, Mahilig siyang pumunta sa Kusina... pero hindi para kumain kundi para manood sa mga katulong namin na nagluluto, may balak yata siyang maging Chief eh... hehehe... Palagi nga siyang pinapagalitan ni Mommy noon, paano kasi minsan nakikigulo siya sa mga nagluluto....
Muntikan pa nga masunog yung bahay namin. Ang naalala ko lang noon, umiiyak siya habang tumatakbo papunta sa kwarto nila Mommy, Yun pala.... Umuusok na yung kusina. Nang mga oras na yun wala doon yung mga katulong namin dahil inutusan sila ni Mommy na mamalengke. Buti nalang hindi gaanong lumaki yung apoy. Nang tinanong na siya kung ano ang ginawa niya, sabi niya nagluluto daw siya ng beacon tapos nakalimutan niya daw i-off yung Stove. Eight years old palang si Mattheo ng mangyari yun. Kaya mula noon, tinuruan na siya ni Yaya Mariz kung paano ang tamang pagluto. Hay naku! May pagka pasaway rin minsan yang kapatid ko... kung alam niyo lang... 😀😀😀
Pinatay ko na muna yung TV at sinundan siya sa Kusina. Syempre, hindi niya alam na sinundan ko siya....
"Kainis talaga, yung Kumag na yon..."sabi niya habang hinihiwa yung karne ng manok...
Nilabas ko yung cellphone ko para kunan siya ng picture... Ops! I-ki Click ko na sana, kaya lang nakalimutan kong I-turn off yung sound effect, baka kasi marinig niya....
Ito na:
#stolenshot
Isesend ko 'to mamaya kila Mommy.....
Ang cute ng kapatid ko... pero mas Gwapo ako sa kanya 😉😉😉
Uy, mga readers diyan! wag niyo akong isumbong na pinuri ko siya, baka kasi lumaki na naman yung tainga niya.... kaya secret lang natin yun ha???
Isesend ko na sana kay Mommy yung picture kaya lang, wala nga pala kaming wifi connection ngayon, nakalimutan ko kasing magbayad... Busy rin naman kasi ako sa School, Badtrip naman oh😣😣😣... hindi tuloy ako makakapag You Tube ngayon, wala ring load yung Pocket Wifi ko, naubos na rin yung Load kahapon rin lang... useless tuloy yung pag i-Spy ko sa kanya, Gusto ko pa naman sanang i-facebook live kila Mommy yung ginagawa niya habang hindi niya nalalaman... Tinatamad na akong lumabas para lang mag Load. Ayuko ring gumamit ng Cellular Data, masyado kasing mabagal yung Connection....
Haaayyy....... Nakakawala ng Confident 😟😟😟 Hashtag Operation Failed...
Ano naman kaya ang magandang gimik...
Tiingg....(💡) alam na this...
Pumunta ako sa kwarto ni Mattheo.... siguro tinatanong niyo kung ano ang gagawin ko noh???
Hinanap ko agad yung bag niya... Oy! Wag niyo naman akong masyadong pag isipan ng masama diyan... mabait naman akong kuya, sabi niya kasi marami siyang assignment kaya tutulungan ko nalang siya... Saan na ba yung bag niya??? Nasabi ko na bang makalat yung kwarto niya??? Kinuha ko na yung bag at tiningnan isa-isa ang mga notebook niya. English...Math...Mapeh...Filipino...Science... Values... Parang wala naman yata siyang assignment... niloloko niya lang yata ako eh, sayang naman yung effort nang pag punta ko dito... isinara ko nalang yung pinto ng kwarto niya.
Hindi pa man ako nakakababa ng hagdan ay amoy ko na ang niluluto ng kapatid ko. Mukhang marasap at ang bango pa niya... parang gusto ko na tuloy kumain.
Patakbo akong pumunta sa kusina.
"The dinner is ready..."masayang sabi niya
"Wow..."nasabi ko nalang at agad na umupo at dali-daling nilagyan ng kanin yung pinggan ko, (masyado bang halata na takam na takam na ako dito???)
"Masyado ka namang PG"sabi niya habang sumasandok ng kanin
"Alam ko na yan, ako lang naman talaga yung Pogi at Gwapo dito, kaya no need to remind me"sabi ko sa kanya habang puno ng kanin yung bibig ko
"Don't talk when your mouth is full"sabi niya sa akin at tiningnan ako ng masama
"Hindi naman yan nakakamatay eh, infairness ang sarap ng niluto mo pweding bukas ulit???"sabi ko sa kanya
"Sapak you want??? Mag aral ka ngang magluto,"_Siya
"Hindi pa ako ready... siguro sa tamang panahon at tamang pagkakataon"_Me
"Kailan naman yun???"_Siya
"Sa tamang panahon nga at tamang pagkakataon, Bingi lang??? Kailangan pang ulitin???"_Me
"Nevermind na nga lang... tsk.. walang kwentang kausap"mahinang bulong niya
"Dinig ko yun,"_Me
"Ang alin???"inosenting sabi niya
"Yung sinabi mo..."_Me
"Ahhh..."bored na sabi niya at tumango
"Ubos agad???"tanong ko sa kanya sabay turo doon sa pinggan na wala nang laman.... ubos na agad yung adobo, eh hindi pa nga ako nabubusog....
"Ang lakas mo kasing kumain... masyado kang matakaw..."_Siya
"Ikaw kaya yung matakaw diyan"_Me
"Hindi ah... Ikaw yun..."_Siya
"Ikaw kaya"_Me
"Ikaw sabi eh..."_Siya
"Ikaw nga kasi yun"_Me
"Hindi nga kasi ako yun dahil ikaw yung matakaw sa ating dalawa"_Siya
(SN08: Ang ingay nila noh???)
To be continued...
Thanks for reading sa kung sino mang matiyagang nagbabasa nito.... I hope you enjoy this Chapter...😁😁😁