Chapter 46

3 1 0
                                    

Miguel POV...


"Anak ng... ba't mo hinawakan???"dinig kong sabi ni Eros na katabi ko,

"Sorry, nangangalay na kasi ako"sabi ko sa kanya.

Aksidente ko kasing nahawakan ang doorknob ng kwarto. Hindi ko naman talaga sinasadya yun, eh sa talagang nangangalay na ako dito sa kakatayo habang nakasilip sa maliit na Crystal window ng pinto. Pinagkakasya na nga lang namin ang mga ulo namin para lang makita si Mattheo.

At laking gulat ko nang ibalik ko ang aking paningin doon sa kwarto. Isang mukha nang lalaki ang bumungad sa amin habang kunot noo itong nakatingin. Agad kaming nagsi-alisan sa tapat ng pintuan. Bumukas ang pinto at lumabas ang isang lalaki.

"Sino kayo??? At Anong kailangan niyo???"sabi niya sa amin na ikinabigla namin.

Noong una walang sino man sa amin ang nagsalita. Para kaming batong nanigas sa aming kinatatayuan. Marahil ay Nasa state of shock pa rin kami at loading pa ang nangyari, para kaming magnanakaw na nahuli ng pinagnanakawan namin.

"Amm... Kaibigan po kami ni Mattheo,"sabi ni Jared na para bang kinakabahan.

"At paano naman kayo nakapasok dito??? Eh, hindi niyo naman kamag-anak ang pasyente,"sabi ng lalaki na nakataas pa ang isang kilay.

Napatingin kami kay Lance na umaasang masasagot niya ang tanong ng lalaki. Ganon nalang ang aming pagkadismaya dahil pati siya ay umurong na rin ang dila.

"Alam niyo bang pwedi ko kayong kasuhan sa mga pinaggagawa niyo???"seryosong sabi niya sa amin.

"Pasensya na po, nakucurious lang po talaga kami dahil hindi na si Mattheo sumasama sa amin tuwing may gimik ang barkada. Kaya sinundan namin siya. Pasensya na po, hindi na po mauulit. Aalis na po kami."sabi ni Jared sa kanya

"Guys, tara na."sabi ni Eros at nauna nang lumakad

"Hep...hep...hep... Sa tingin niyo ba hahayaan ko nalang kayong makaalis ng ganon-ganon nalang???"sabi niya sa amin kaya napaharap naman uli kami sa kanya.

"Po???"gulat na sabi namin sa kanya

"Isusumbong niyo po ba sa Admin ang ginawa namin???"_Yale

Naku!!! Wag naman sana, dahil malaking gulo ang pinasok namin. Lagot ako kay Mommy kapag nalaman niya ang mga pinag gagawa ko. Napangiti naman yung lalaki ng nakakaloko.

"Ahm... dahil gwapo ako at gwapo rin kayo..."sabi ng lalaki na para bang nag-iisip. Hinintay namin kung ano ang sunod niyang sasabihin.

"Hindi ko nalang kayo isusumbong,"sabi niya na ikinatuwa naman namin.

"Thank you po,"masayang sabi ni Lance

"Wag ka munang mag Thank you, dahil hindi pa ako tapos..."sabi ng lalaki

"Sorry po,"sabi naman sa kanya ni Lance

"Hindi ko kayo isusumbong pero kailangan niyo munang bilhin 'to"sabi niya sa amin sabay abot ng isang papel. Napatingin naman kami sa binigay niyang papel. Akala ko kung ano ang pinabibili niya, mga pagkain lang pala.

Chics HunterWhere stories live. Discover now