This chapter is dedicated to creamstx
Charlyn POV...
Grabe... I just can't believe it!!! Yung halo-halong emosyong naramdaman ko kanina bigla nalang nawala at napalitan ng saya. As in, sobrang saya ko talaga ngayon... wala na ngang mapaglagyan eh, kaya ito isi-share ko sa inyo. Akala ko talaga totoong dinukot sila Mommy at Daddy, yun pala isang palabas lang. Gosh!!! Thank God, it's a Fake... Ayuko talagang mangyari yun sa totoong buhay ko. Grabe yung ginawa nilang effort. Ang gagaling din pala nilang umarte, talagang napaniwala nila ako. At parang pinaghandaan talaga nila ito, kasi pati ba naman staff ng restaurant nila Kuya Mike dinala pa dito. Sila yung nag-asikaso sa mga foods, drinks at iba pa. For sure, ipapasara muna ang restaurant bukas at paniguradong doble din ang sahod nila. I'm so lucky dahil sila ang naging pamilya ko. Sobrang naappreciate ko talaga ang ginawa nila.
Ang swerte ko pa dahil ang babait pa ng mga taong nasa paligid ko. Kahit na ang ilan sa kanila ay hindi ko gaanong kilala at sa kunting panahon ko pa lang nakakasama, masasabing sobrang gaan na ng loob ko sa kanila. This is the best birthday ever!!! Hindi pa naman siguro huli ang lahat para mag Thank you di ba??? Hindi pa rin natatapos ang party, sa katunayan mag-aalas singko na nang umaga. Napansin ko rin na parang ang ilan sa kanila ay lasing na. Lumapit ako sa operator at kinausap siya na kung pwedi ay i-pause muna sandali, napatigil naman ang mga sumasayaw. Dali-dali kong kinuha ang Microphone,
"Hi, everyone!!! (Panimula ko) I would like to grab this opportunity to say Thank you to all of you, (Bigla nalang akong naiyak) I was glad to see you and I hope you're all having a good time. I know that words are not enough to say thank you, for the overwhelmed moment that you had made me witness today. Hindi ko talaga inaasahan ang surpresang ito. I thought I and my Family are in danger pero hindi naman pala. It was just a prank (sabi ko at bigla nalang natawa) Maraming-maraming salamat po talaga sa inyo, hindi magiging successful ang birthday celebration na 'to kung hindi dahil sa inyo. To my Mom and Dad, I love you so much. Thank you for allowing me to see the world. Please always take care of yourselves, I don't want you to see feeling hurt. To my Ate Gail and Kuya Mike, Thank you for being there for me, for the love and care, and for being a good brother and sister to me. (hindi ko talaga mapigilan ang pag-iyak) Sa mga pamangkin ko na laging nagpapasaya sa akin, Mahal na mahal kayo ni Tita, Sana lumaki kayong mabait at may takot sa diyos. Mag-aral kayo ng mabuti ha, (sabi ko habang kumakaway sa mga pamangkin ko) Sa mahal ko, (parang bigla yatang nagsi-akyatan ang dugo sa mukha ko) Ahm... Hubby, Mahal na mahal kita, alam mo yan at sana palagi mong pakakatandaan. Ayukong nakikita kang malungkot, kaya sorry kung may nagawa man akong kasalanan. Sorry kung nasaktan kita, hindi ko sinasadya. (Tiningnan ko siya at nginitian, nakita ko naman na parang umiiyak rin siya. Mas lalo tuloy akong nasasaktan) Wag ka ngang umiyak diyan, (natatawang sabi ko sa kanya, nadinig ko naman na nagtawanan sila) Ano ba, pinapabigat mo ang kalooban ko eh, (pagbibiro ko) Basta dapat ano... ahm... maging matatag ka, maging matatag tayong pareho, kailangan nating pagtagumpayan ang mga pagsubok na darating sa ating buhay. Thank you for simply choosing to have me in your life, for day dreaming with me about our future together, for sticking up with me, for thinking about me and for worrying about me. Thank you for filling up my life with happiness. Mahal na mahal kita. To Eros, Yale, Lance, Miguel, Jared, at Yoon... Ayan, Kanina ko lang napamiliarize ang mga pangalan at mukha niyo, (Isa-isa kasi nila akong isinayaw kanina kaya hindi na ako nalilito sa kanila) bakit ba kasi ang ga-gwapo niyo??? Yan tuloy, nahihirapan akong i-identify kung sino ang pangit sa inyo (narinig ko naman na nagtawanan ulit sila) Pero syempre, Joke lang yun! kaya wag kayong maniniwala dahil talagang pare-pareho lang kayong pangit. Si Hubby lang kasi ang gwapo sa paningin ko eh, (nagtawanan ulit sila) Di ba Hubby??? hahaha... (Sabi ko sabay wink) Pero Guys thank you talaga sa inyo, Thank you for cheering me up with funny conversation. Thank you for being there para sa mahal ko. Thank you for being my friend as well. Masaya ako dahil nakilala ko kayo kahit na sa kunting panahon lang. Salamat ng marami!!! That's all thank you, and Salamat din sa paghintay"sabi ko at ibinalik na kay kuya ang Microphone. Nadinig ko naman ang mga palakpakan.

YOU ARE READING
Chics Hunter
Mystery / ThrillerMaraming nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala ang mga Playboy, Playgirl at Timer dito sa mundo, At ang palaging kasunod ng tanong na iyan ay ang: Bakit nga ba sila ganyan??? at Bakit nila ito ginagawa??? Bakit nga ba...