3

3.2K 192 1
                                    

Nanakbo ako para makabalik sa kwarto ko agad pero bago ako makalabas ng cafe ay nakasalubong ko na ang security ng senador na Pokerson na ito. Malas talaga. May mga nakasunod pang camera.

Dahan-dahan akong lumakad habang umiiwas na mahuli ng camera ng mapagtanto kong bumangga ako sa isang matigas na pader.

"Aray! Ang sakit nun ha! Kung mamalasin ka naman talaga o!"  Inis na dabog ko.

"Excuse me Miss? Nakaharang ka kase!"

"Eh ang tanga mo naman kase din. Kalalaki mo, nakapwesto ka diyan!" Tumingin ako sa kanya.

Ang gwapo kaya lang antipatiko! Tumalikod na ako para umalis at umiwas sa nagkakagulong tao. Pero naglitanya pa ang mamang ito.

"Hindi mo ba ako nakikilala?"

"Excuse me? Bakit naman kita makikilala?"

Lumakad na ako ng dahan-dahan. Di ko na siya tinapunan ng tingin. Pakialam ko ba kung sino siya.  Kase naman nakaharang. Ang tanga ha!

Dumiretso ako sa kwarto ko at inilock ang pinto. Tumawag agad ako sa reception area at nagbilin na huwag ipagsasabi na nandito ako kung sakali mang may tumawag. Walang Nicomaine Dei Capili Mendoza na nagcheck-in. Mamaya nahagip pala ako ng camera, baka masundan pa ako nila Tatay.

Nagbukas ako ng TV para makita kung may nakuha bang shot ko sa camera, thankful wala pa sa balita.

Makatulog na nga lang. Kakainis. Sarap pa naman magswimming at  tirik ang araw. Kaya lang sinira ng Senator Pokerson na yun! Bwisit siya!

☆☆☆

Binuksan ko kaagad ang TV ng maalimpungatan ako. Yun video baka makita ako sa camera. At yun nga, buti na lang wala. Pero may isa roon na nakitang mabilis akong nananakbo pasakay ng elevator. Nakatalikod naman ako kaya siguro naman ay di ako makikilala.

Pero ang mata ko ay napako sa screen dahil hindi sa nakatalikod kong pigura kundi sa lalaking ini-interview.

"So Senator, what do we expect from you, now that you've officially won the senatorial race?"

"I'll further enhance education of the poor. Divert my budget to building facilities that will encourage the young ones to enrol in educational programs. Tapos po, I want to build din facilities which will help the poor enhance their economic status. Like projects that educate them to entreprenuership and personal business. Magbibigay din po kami ng assistance sa mga mahihirap para mabigyan sila ng puhunan if in case mag-business sila."

"Salamat Senator Richard James Faulkerson and Congrats sa new endeavors mo."

"Salamat din."

Hala! Yung mama na nabangga ko, yun ang senador? Nakakatawa naman diba. Pero infairness, ang gwapo niya at may dimple. And bata pa siya para maging pulitiko. Kala ko matandang hukluban na ang senador na tinutukoy nung waiter kanina. Yun typical politician. Aba, bata pa pala. Ma-search nga!

A/N Will continue my update. And kapag established na yun flow ng story, tuloy ko si Mi Corazon..

Akin Ka na Lang (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon