16

2.6K 183 5
                                    

Late night update ng ayaw pang matulog..kahit antuk na antok na...
#ItsPuyatanDay

Rj's

Pagdating na pagdating sa resthouse,halos magwala ako.

"Asan na mga tao dito? Di ninyo man lang nalaman na nakaalis ang asawa ko? Wala man lang sa inyo ang nagbantay man lang sa kanya?" Sigaw ko. Takut na takot ang mga kasambahay ko sa resthouse.

"Sir, sorry po, nakatulog na po kami. Etong si Rogelio ang nagbabantay diyan sa may labas e."

"Tama na! Saan ko hahanapin ang asawa ko? Kapag di ko siya nakita, lahat kayo sisisantihin ko!" Galit na galit ako.

"Sir, pasensiya na po. Kasalanan ko." Pagmamakaawa ng body guard na si Rogelio.

"Paano kang naisahan ng babae?"

"Sir, hindi po ako naisahan. Aaminin ko na po sa inyo. Kahit po mapalayas na ako dito. Kasalanan ko po." Nakayuko si Rogelio habang sinasabi iyon.

"Paanong kasalanan mo?"tanong ni Kris.

"Kase po, kanina nagpasama si Mam na susunod sa Punta Fuego,  susunod daw po kay Sir. Ayaw ko nga po sana kaya lang tinakot niya ako na palalabasin niyang tinangka ko siyang halayin. Ayoko pa pa pong mamatay o makulong kaya pumayag ako. Tapos ng makarating kami sa resort, nakita ni Mam na dumating ang fianceè ninyo. Nakita niya lahat. Napansin kong para siyang nalungkot kaya niyaya ko na siyang umuwi dito. Habang pauwi kami, nakiusap siya na patakasin ko na siya dahil ayaw daw niyang magmukhang kawawa sa harap ninyo ng fianceè mo. Kaya aalis na lang daw siya. Nalaman din daw niya kase na peke ang kasal ninyo. Naawa po ako kay Mam kase mukha siyang mabait at magalang pa po, kaya tinulungan ko siya. Inihatid ko po siya sa sakayan ng bus papuntang Maynila. Pero di ko po alam kung sumakay siya. Sorry po, senator."

Natahimik ako. Nag-iisip. Alam kong di uuwi si Dei dahil alam niyang pinapahanap siya ng Tatay niya.

Naawa rin ako kay Rogelio, pero kahit galit ako, alam kong ginawa lamang niya ang tama. Kase kung ako rin ang nasa katayuan ni Rogelio, malamang iyon din ang gagawin ko.

Saan ko na siya hahanapin? Paano ko na maipapakita ang pagmamahal ko sa kanya? E umalis na siya. Kasalan ito nila Kuya. Sana lang walang kinalaman si Daddy dito.

"Teka, paano niyang nalaman na peke ang kasal namin."

Lumapit naman si Julia.

"Sir ako po nagsabi kay Mam Dei. Di ko po alam na di ninyo alam. Sinabi ko lang po kay Mam Dei na kapitbahay ng asawa ko si Judge Manalo. Hindi ito lisensiyado. Hindi nga nakapasa ng bar exams."

"Bakit di mo sinabi kanina? E di sinsana, nakahanap ako ng iba."

"Akala ko po kase Senator, palabas lang talaga. Mabilis po kase kayo masyado."

Napahalimukos ako sa mukha. Saang lupalop ng Pilipinas ko hahanapin ang babaeng itinitibok ng puso ko.

Perl hahanapin ko siya. Di ako titigil hangga't di siya bumabalik sa piling ko.  At kapag natagpuan ko na siya, ipinapangako ko, di ko na siya papakawalan. Kahit kailan.

A/N Super last na. Pumipikit na mata ko. Ahahaha!

Akin Ka na Lang (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon