9

2.7K 196 22
                                    

Dei's

Ang bilis ng mga pangyayari. Pagdating sa resthouse dito rin sa Batangas, naka-abang na ang judge.

"Senator, nakakabigla. Pero masaya akong ako ang napisil mo na magkasal sa inyo ng girlfriend mo."

"Excuse me po! Di po girlfriend, bihag po!" Sabat ko.

"Nakakatuwa pala ang girlfriend mo Senator. Napaka-cute!" Sagot ni Judge Jose Miguel Manalo.

"Ganyan po siya, Judge. Makulit talaga itong girlfriend ko." Sabay akbay sa akin. Tinatabig ko siya pero ang higpit ng akbay. Ang bigat ng biceps. Nadistract ako. Ang bango ng kili-kili. Pati pagkatao, ang bango!

"Simulan na natin. By the power vested in me, I now pronounce you man and wife!"

"Teka? Yun lang yun? Di nyo man lang ako tatanungin kung I take this man beside me..chu..chu.. to be my lawfully wedded husband for better or worse, for richer or for poorer, Till death do us part?"

"Ganun din yun, Miss. Diretso na."

"What's with you people? Baliw ba mga kasama ko?"

"Basta,  alam na namin ang sagot ninyo. You may now kiss the bride!"

"Hep! Teka, may usapan tayo."

"Saka na yan. Para sa evidence." Sagot niya na may ngisi sabay lapit ng mukha niya sa akin. May pag-click ng camera. Aysus, eto na!

Ngayon ko napagtanto,ang tangkad pala nitong senator na ito. Nakatingala ako sa kanya. Nakatingin sa mga labi niya.

Idinampi ng hudas ang labi niya sa akin at inilapit pa ang katawan ko sa kanya para lalo niya akong mahalikan. Madiin, pero siyempre, walang tongue movement ha!

"So kasal na kayo. Patchie, yun papeles. Papirmahan mo na sa mag-asawang ito."

"Teka lang ha! Wala naman kaming ninong at ninang. So fake ito?"

"Excuse me! May lisensiya akong magkasal. Ako na rin ang Ninong, pwede rin ninang. Pero eto na lang tomboy na assistant kong si Patchie ang ninang. O okay ka na Misis?"

"Napaka-imposible ninyo!"

"Ganun talaga. Pumayag ka naman in the first place!"

Pagkatapos ng kasal na ewan ay umalis na si Judge. Binayaran na lang ni Senator at sinabihang mag-dinner na lang sa labas. Di na kami sasama.

"So, Mrs. Faulkerson, halika na. Dalhin kita sa kwarto natin."

"Misis ka diyan! Bitawan mo nga ako."

"Pumayag ka na. Kaya asawa na kita."

"Di ko nalilimutan yun. Doon ka sa ibang kwarto. Doon ako sa master's bedroom."

"Okay. Pero kapag kailangan mo ng magbayad ng utang sa akin, sisingilin na kita."

"Teka, anong utang?"

"Eto! Asawa kita at may obligasyon ka sa akin."

"Mukha mo! Sa papel lang tayo kasal. Sa true to life, never!"

"Talaga lang ha? Ngayon na kaya kita singilin?"

"Huwag kang magtatangka! Babayagan kita! Kahit pa senator ka!"

"Di na tayo magkakaanak kapag ginawa mo yan!"

"So what?"

"Di ako papayag. Baby, huwag ng makulit.. halika na.."in singsong voice niya.

Inihatid niya ako sa kwarto daw namin.

"Maligo ka na, Baby. Mamaya magdinner tayo tapos, labing-labing na."

"Hindi nga pwede!"

"Bakit meron ka?"

"Um, gago!" Binatukan ko.

"Ang sakit nun ha! Nakakadami ka na!"

"Sorry. Huwag mo akong madaliin. At isa pa may usapan tayo. Make me love you muna."

"K. Di na kita kukulitin. Pero huwag kang tatakas."

"Bakit ko gagawin yun?"

"Alam ko takbo ng utak mo!"

"You gave me an idea. Let us see.."

"Papabantayan ko bawat sulok ng bahay. Hindi ako aalis sa tabi mo."

"E di huwag. Bahala ka. Maligo ako at matutulog muna. Napagod ako sa biyahe."

"K. Dito lang ako Misis!"

"Opo, Mister!"

Hinila ko yun trolley bag ko at pumasok sa CR. Napakalaki. Malaki pa kaysa sa CR ko. Mayaman nga si Senator. Pero teka, ano ng itatawag ko sa kanya? Di naman pwedeng laging senator. At, asawa ko na ba talaga siya? Nakakatawa! Wala pang 24 oras, may asawa na ako. Kakaiba diba?

A/N Up next, ang Point of view ni Senator.

Akin Ka na Lang (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon