Dei's
Pagkakain, bumalik ako sa kwarto. Kailangang makatakas ako sa lalaking sinungaling na ito. Pero paano?
Kailangang makuha ko muna ang loob niya. Oo. Dapat kunin ko muna ang loob niya. And mabuti na lang nakapag-usap na kami. Kundi ay tuluy-tuloy ako sa kumunoy ng kapahamakan. Ano ba ang mahihita niya sa panloloko sa akin? Sa dinami-dami ng babaeng pwede niyang makuha, bakit kailangang humantong sa ganito? May girlfriend pala siya, baka naman ginagawa lang niya ito dahil pinagseselos niya ang ex niya. At my expense talaga? Bakit di yun Divina na yun? Bakit ako?
Nagsearch ako sa Facebook at Instagram pati sa Google ng tungkol sa Luisa na yun pero wala akong nakita. Paano ko pati malalaman e wala namang apelyidong sinabi si Julia.
Yun Divina naman ang sinearch ko. Aba ng makita ko, kahulma ko. Kaya lang artista siya at ako naman ay hindi. Malanding babae pala ito. Para tangkaing ahasin yun Alden Richards na asawa ni Maine Mendoza na kapangalan ko pa. Malandi na, mang-aagaw pa.
Habang binabasa ko ang mga dapat kong malaman ay may kumatok sa pintuan.
Baka si Senator. Anong gagawin ko? Paano ko siya pakikitunguhan?
Nag-ayos ako. Nag-ayos pa talaga ha! Binuksan ang pinto at bumungad nga sa akin ang pekeng asawa ko.
"Good evening baby? Kumain ka na?"
"Baby? Di ako sanggol!"
"Babe, sorry. Kumain ka na ba? Gusto mo bang ipaghain kita?"
"Hindi na! Kumain na ako."
"Inaantok ka na ba? Gusto mo bang sumama? Mamasyal tayo."
"Ayoko. Napagod ako. Ikaw na lang."
"Bakit parang nag-iba ka na naman? Bakit parang galit ka?"
"Ako galit? Hindi! May nakita lang akong sinungaling at manloloko sa Facebook."
"Sino? Bakit sinungaling?"
"Mr. Senator, hindi mo kilala. Huwag mo ng alamin."
"Rj. Yun ang pangalan ko. Asawa na kita. Stop calling me Senator."
"Ah oo nga pala. Sorry Rj ha. Malamang magkakaroon na ako. Kaya ganito.. beastmode."
"Okay. So okay ka na dito? May importante lang akong kakausapin. Pero babalik ako bukas. Ayaw mo naman sumama e."
"Sige na. Okay na."
"Wala man lang goodbye kiss? Pampabwenas ba?"
"Mr. Senator.. este, RJ, okay na. Saka na. Di ko pa feel na makipag-goodbye kiss sayo. Goodbye pwede pa."
"Sakit naman nun. Pero babe, huwag kang tatakas ha. May mga tauhan akong nagbabantay dito."
"Bakit naman ako tatakas? Ano magpapahuli ako kay Tatay para maipakasal kay Frankie? No way!"
"Good. Goodnight and sweet dreams! Before you know it, nandito na ulit ako."
Tumango na lang ako. Ayoko ng sumagot. Tumatagal ang paalamanan samantalang nabubuwisit na ako sa mga oras na ito dahil nakuha pang dagdagan ang panloloko sa akin.
Pagkalabas niya ay isinara ko kaagad ang pinto.
Anong plano ko?
Kapag umalis ako dito, saan ako pupunta? May pera pa ba ako? Sa huling bilang ko, konti na lang. Di ko rin magamit ang credit cards ko dahil baka matrace nila tatay. Yun debit cards ko naman ganun din. Saan ako pupunta? Saklap naman ng buhay na ito o. Bumalik na kaya ako kala Tatay? At tulad ng ginawa ni Senator, magpanggap na lang akong nag-asawa na. Pero matalino si Tatay. Paano kung ipatingin niya sa PSA ang marriage contract namin ni Senator? Mabubuking na kasinungalingan lang iyon. E di ipapakasal din ako kay Frankie. Gusto kong bumalik sa New York at iwan ang lahat ng ito. Nakakabanas na! Ano bang gulo itong napasukan ko.
Kapag nagtagal ako dito, batid ko sa sarili ko na baka mahulog ako.
So saan? Ano mas magandang plano? Saan mas magiging maayos ang buhay ko?
Bibigyan ko muna ang sarili ng konting panahon dito. Kaya kong tiisin ang panloloko niyong senator na ito, pero yun pilitin na itali kay Frankie, nakakasuka! No choice but to stay!
A/N And dahil weekend, madaming update. Promise!
BINABASA MO ANG
Akin Ka na Lang (Completed)
FanficA MaiChard/AlDub Fanfic. Mr. Senator meets Miss Stokwa. Find out how they will be entangled to love.