25

2.8K 185 6
                                    

Actually matapos ko na itong chapter na ito. Originally may iba pang usapan kaya lang nawala yun isinulat ko. Nakakainis.  Ang hirap pa naman magsulat ng dialogue.

Dei's

I've got messages, missed calls as soon as I opened my phone.

Marami mula kay RJ. And some kala Tatay, Nanay at kala ate Coleen at Ate Nikki.

But I chose to ignore yun kala Tatay. Saka na ako magpaliwanag kapag umuwi ako sa Bulacan.

But yun kay RJ, I saw his text, mga twenty something sa dami. Halos mula alas singko ng umaga. Natulog ba yun? 

He said, he's bringing breakfast kanina mga 6:30 in the morning. Kaya sa tingin ko, nandiyan na sa labas ng kwarto ko ang bf ko.

Kaya nagmadali akong maligo. Nagbihis ng maayos at presentableng damit. 8:30 na ng umaga kaya malamang kanina pa siya naghihintay.

Paglabas ko ay nakita ko si Patty na nakaupo sa kitchen stool habang si Kris ay nakatayo sa likod ni RJ na nagbabasa ng newspaper.

"Good morning sa inyo."

"Sa wakas, gising na ang prinsesa. Ako naman ang iidlip at yang bf mo, ginising ako ng ke-aga-aga."

"Sorry Pat!" Tumayo na siya at pumasok muli sa kwarto niya.

Ako naman ay nanatiling nakatayo sa pwesto ko ng lapitan ako ni RJ para buhatin at iikot.

"Put me down, RJ!" Saway ko.

"Namiss kita, babe. I love you." Pinupog ako ng halik.

"Grabe ka. Nakakahiya naman kay Kris. Magkasama lang tayo kaninang madaling araw."

"Kala ko kase mawawala ka na naman."

"Ano ka ba! Natulog lang ako."

"Basta." Hinila niya ako. Umupo siya sa couch habang ako naman ay kinandong niya. Ipinulupot ang mga braso sa katawan ko.

"Hindi ako tatakas."

"Dito ka lang. May sabihin ako sayo. Babe, please say na hindi ka magagalit."

"Hindi ako magagalit. Ano yun?"

"Marry me today!"

Heto na naman po kami sa madalian.

"O bakit na naman nagmamadali ka? Kala ko ba okay na yun next month."

"Babe gusto ko kasama ka na lagi. Please lang. Kapag next month pa, mamaya may makialam na naman."

"Sino naman makikialam?"

"Sila Daddy at Kuya."

"Ayaw nila sa akin?"

"Babe, it's not important. Ako ang magpapakasal sayo. Di sila."

"Pero diba, dapat may blessing ng daddy mo? Magmamadali na naman tayo?"

"Babe,please listen. I know what they can do. Tulad noong ginawa nila dati. Tutal magpapakasal na rin naman tayo sa isang buwan, pakasal na tayo ngayon din. Next month, magpapakasal uli tayo."

"Pero di pa alam nila Tatay. Magagalit iyon sa atin. Di ka pa nga nila nakikilala e."

"Madali na yun. Pagka-kinasal  na tayo, saka na natin kausapin sila. Pero for now, pumayag ka na. Pupuntahan natin yun kilala kong Mayor sa Batangas."

"Bakit muna? Bakit ka nagmamadali?"

"Babe, ayoko ng maghiwalay tayo. Please make me own you. Legally, physically and emotionally. Gusto ko asawa na kita."

"Pero.."

"Please.. pumayag ka na. Promise ko, aalagaan kita. Hindi kita sasaktan at hindi ko hahayaan na saktan ka ng kahit na sino kahit sila Dad."

"How bad is it ba? I mean yun ayaw nila sa akin."

"Please let's not talk about it. You're more important. It's we that matters. Not them."

"Pero, natatakot ako. Drastic na naman ito. Para tayong teenager na suicidal sa mga ginagawa natin. Wala man lang planu-plano."

"Please trust me. Maayos ito basta magkasama tayo..please babe.."

Tinignan ko siya. Batid ko na kakayanin namin ito.

Tumango ako.

"Payag ka na?"

"Oo. Pero promise mo na hindi mo ako sasaktan."

"Promise babe."

Pinagmadali niya kami. Pati si Pat ay ginising ko ulit. Natawa nga siya at madalian na naman daw.

"I'm happy for you, Dei."

Nagpalit na ako ng gayak. Nagdala ng konting damit. Tumawag kami ni Patty sa hotel na hindi kami papasok. Tutal nandoon din naman yun ibang chef. Hindi sila kukulangin sa tao sa kitchen.

Nagdala kami ni Pat ng mga necessities. Diretso daw kami sa rest house. At doon pupunta yun Mayor.

"Kris, daan kayo sa mall. Bumili ka ng wedding ring. Yun pinakamaganda. Charge it to my credit card. Babe, yun wedding ring na gusto mo, sa kasal na natin sa simbahan." Tumango ako.

"Sige, Senator. Kami na bahala ni Miss Pat. Sunod na kami doon."

"Don't call anybody, Kris. Ayokong malaman ni Daddy. Baka makialam na naman sila."

"Yes Sir."

Ang bilis ng mga pangyayari. Pabalik na naman kami sa Batangas. Kasalan na talaga.

And ang feeling ko, masaya, excited and kinakabahan. Pero while holding my RJ's hands, I feel so secured. I know I will be happy with him. And through thick and thin, magkasama kaming haharap sa problema.

A/N So ayun na nga.. Bilisan nga kase ito..

Akin Ka na Lang (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon