in the end

3K 165 8
                                        

Dei's

I did not ride the plane. I just could'nt leave my RJ and Dean. Wala akong lakas ng loob. At hindi ako masamang tao. Duwag nga lang.

I immediately went out of the airport. I proceeded to the church. Inubos ko ang oras ko doon sa pagdadasal.

I need to face him this time. What ever he says, I'll accept it.

Nang magsara ang simbahan, I did not go home muna. I was still contemplating kung haharapin ko na ba siya. I know I've been searched everywhere by RJ. Iyon pa lang alam ko ng mahalaga ako sa kanya. Pero dahil may katigasan pa rin ang ulo ko, I stayed in this coffee shop sa may Taguig area din. Malapit sa bahay. I'll let the time pass. Madaling araw na akong uuwi.

Pag-uwi ko, nakita ko ang sasakyan ni Patty sa bahay. It means pati sila ay inistorbo ng asawa ko. Nakita ako ni Yaya Fe na umuwi at sinabing hindi naman nagtantrums ang anak ko. Thank God. I went back.

I went to the nursery..

I saw my Dean sleeping. He's so cute and adorable. Kamukhang-kamukha ng tatay niya.

I realized something.. I felt happy at least na mahalaga pa rin ako para sa asawa ko.. Pero dahil nahihiya akong magpakita agad sa kanya, I stayed at Dean's nursery. That's where I slept.

A few hours na nakapahinga ako, I felt someone is hugging me.

And sa smell pa lang, I know it's my RJ.

This is it!

I heard him say..

"Babe, anong problema natin? Bakit iiwan mo na naman ako?" Bulong niya sa akin.

"Hindi mo na ako mahal."

Umiyak na ako. Pero wala pa ring tunog. Habang naka-yakap siya sa akin, pilit niyang inaabot at pinapahiran ng mga daliri niya ang mga luha ko.

"Hindi totoo yan. Mahal na mahal kita. Bakit nagdududa ka? Ikaw lang ang mahal ko. Sorry kase napapabayaan kita pero di ko naman yun sinasadya. Trabaho iyon. At tatandaan mo ito, ikaw lang ang mahal ko, ang mamahalin ko, habang buhay."

Humarap na ako sa kanya.

Tumingin ako sa kanyang mga mata at sinabing...

"Bakit di mo na ako pinapansin? Ni hindi mo na ako nilalambing? Porke ba't tumaba na ako? Dahil ba doon sa abogada na kasama mo?"

"Babe, hindi totoo yan. Sa akin ka lang maniwala. Mahal kita. Ikaw lang. At kahit ano pang itsura mo, mamahalin pa rin kita. Sorry kung ganyan na pala ang nararamdaman mo. Di mo naman kase sinasabi ang problema mo.  Pero ngayong alam ko na, hindi na kita babalewalain. Ikaw ang pinakamahalagang babae sa buhay ko. Tandaan mo yan."

"Talaga?"

"Talagang-talaga." Hinalikan niya ako. Madiin. Matagal.

"Babe, e bakit di mo pa tinutupad yun pangako mong papakasalan mo ko sa simbahan?" Kailangan kong malaman kung bakit nilimot na niya.

"Sorry, nalilimutan ko. Gagawin na natin yan. Ngayon din pumunta na tayo sa simbahan at magschedule. Lahat, ayusin na natin. Sa susunod na Sabado ikakasal na tayo sa simbahan."

"Wala na namang preparasyon." Eto na naman kami sa madalian.

"Babe, ang mahalaga tayo. Ikaw at ako. Tayong dalawa."

"Sige."

"Babe?"

"Bakit?"

"I love you."

"Love you, too."

"Babe?"

"Ano yun?"

"Akin ka na lang."

"Sayo na naman ako ah?"

"Sagutin mo muna ng maayos."

"O sige. Tanungin mo ulit ako."

"Akin ka na lang?"

"Oo, papakasalan ulit kita."

"Akin ka na nga lang ha. Huwag ka ng aalis."

"Hindi na. Itali mo na ako sa beywang mo. Ayoko ng mawalay pa sayo." Sagot ko.

"Promise?"

"Promise."

We did married sa church. Kahit mabilisan, I know it was the best.

Madami ang humanga, pero marami pa rin ang hindi naniwala na magtatagal.

Wala nga namang permanente sa mundo.

Pero kapag kami ni Rj, alam ko Forever do exists.

My the end..

A/N  I know bitin yun ending pero heto po ang pangbawi para malaman natin ang naganap kay Dei bago siya nagpasyang umuwi.

Akin Ka na Lang (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon