37

2.6K 163 14
                                    

Dei's

I was so mad! Pagkatapos naming mag-away, pumasok ako sa kwarto naming mag-asawa. Akala ko ay susunod siya sa akin para kausapin ako at humungi ng tawad. Pero nagkamali ako. Narinig ko na lang na may kotseng umandar palabas ng bakuran namin. So, umalis siya at iniwan ako instead na kausapin ako.

Nagdamdam ako. I'm not doing anything bad kaya naisip ko na bakit galit na galit siya?

Kung anu-ano na ang pumasok sa isip ko. Maybe, I am not good for him. Maybe, galit siya sa akin dahil di ko pa siya mabigyan ng anak. Maybe hindi ganun kalaki ang pagmamahal niya sa akin. Ang daming pumasok sa isip ko. Sa dami, namalayan ko na lang na naaawa ako sa sarili ko at natatakot na bigla na lang isang araw ay iiwan na lang niya ako dahil hindi na niya ako mahal.

Kaya I decided na unahan na siya sa desisyong ito. I won't give him that opportunity na iwan ako at saktan ang damdamin ko. I need to leave.

Yes, I decided to leave him na. Bago pa man niya maisip na hindi niya ako mahal.

Nagmadali ako sa pag-aayos ng gamit ko. Marami-rami rin akong nailagay sa malaking travel bag ko. After that, kinuha ko ang mga ID's, ATM Cards at cash na meron ako. I called on an Uber ride para makaalis sa lugar. Tahimik na sa buong kabahayan. Alam kong nagpapahinga na ang ilang kasambahay. Pero may naiwang gwardiya sa gate kaya naisip ko na sa likod dumaan. Sumampa ako sa bakod, at inihagis ang malaking bag ko sa kabila. Nang makalabas ako sa bakuran namin ay nanakbo ako para doon na hintayin ang ride ko. Naupo ako sa gutter sa tabing kalsada kase napagod din ako sa ginawa ko. Parang ganito rin ang ginawa ko ng takasan si Tatay dahil gusto akong ipakasal kay Frankie. Naulit na naman ngayon. Ayoko rin kaseng pigilan ng mga tauhan niya.

Kung saan ako pupunta? Di ko alam. Ayokong pumunta kay Patty kase matutunton ako ni Rj doon. Lalo ng ayoko sa mga magulang ko kase ayokong pagtawanan nila ako dahil di naman sila nagkulang sa akin sa payo ng sabihin kong nagpakasal ako ng ganun kadali. Alam kong ayaw ni Tatay ng ganun dahil ang nais lang niya ay makasal ako sa tamang lalaki na magmamahal sa akin at mag-aalaga sa akin.

Basta bahala na kung saan ako dalhin. Kailangan kong magpahinga para makapag-isip ng tama.

Mga ilang sandali lang ay dumating na ang Uber ko. I asked him to bring me to Pasig. Sa isang Apartelle. Alam kong hahanapin ako ni RJ sa mga hotels if malaman niyang umalis ako kaya I checked in sa isang apartelle habang plinaplano ko ang gagawin ko. I did not use my name. Isa pa, hindi naman hinahanapan ng ID. Kaya there's no way na malalaman nila na ako ang asawa ni Senator. My face is devoid of make up na rin. Nakasalamin ako at nagpony tail lang with matching cap para di halatang ako ang asawa ni RJ. Alam ko kaseng makikilala ako ng mga tao once tanggalin ko ang salamin at cap ko.

As soon as makapasok ako sa kwarto ni-lock ko ang door sa room na inuupahan ko.
Mahirap na, baka mamaya ay may makaalam na ako ang asawa ni Senator ay pag-interesan akong gawan ng masama like kidnap for ransom.

Naiiyak ako na umupo sa kama. Sumandal sa headboard. Inilagay ko ang baba ko sa dalawang tuhod ko. Nasasaktan ako sa mga sinabi niya. Parang sinasabi niya na sinasadya ko na huwag muna kaming magka-anak. Ang sakit na akusahan ka at hindi pakinggan. Lalo na kapag asawa mo pa na araw-araw mong kasama at katabing matulog.

Sinabi ko sa sarili ko na ibang usapan ito. Hindi ito basta away. May mga bagay na tinatago siya sa akin, tulad na lang ng pagdududa niya.

After about an hour na nagdradrama ako ay nagring ang phone ko. Si RJ.

My phone is ringing non stop. Pero di ko sinasagot. Ayokong sagutin. Ayokong makipag-usap sa kanya.

Patty is also calling me pero I just ignore it! Alam kong sa kanya ako unang hahanapin ni RJ. Kaya pasensiya na muna Patricia, di pa ako ready makipag-usap, lalo na sa asawa ko.

I cried and cried... Sobrang awa sa sarili ko.

Then I fell asleep. Sa pagod sa kaiiyak.

At least for a few hours, ipapahinga ko ito.

Pero bago ako tuluyang nagshut-eye ay naisip ko na hindi magiging madali para kay RJ na kunin ang tiwala at patawad ko. He will have to endure ang pag-alis ko. And I assure you, matatagalan pa ito. Hangga't di ko napapatunayan na tunay ang pagmamahal niya sa akin. Kase sa ngayon, back to zero siya. Wala pala siyang tiwala sa akin e. And hindi niya sinasabi sa akin ang nararamdaman niya, kaya ng sumabog, pinakita niya na kahit kailan, hindi niya ako pinagkatiwalaan.

A/N Aga po nagising kase madaming gawain.

Akin Ka na Lang (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon