Rj's
"Marry me.."
Di ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob ko at nasabi ko yun. Drastic move. Eto kailangan ng babaeng ito. Wala akong gaanong alam sa kanya pero grabe epekto niya sa akin. Nakakabaliw.
Mabilis ang mga pangyayari.
Tumahimik siya. Tumingin sa labas. Magkatapat kami ng upuan. Kaya nakikita kong nagfidget siya.
"Ano na? Miss Nicomaine? Anong sagot mo?" Bali ko sa katahimikan.
"Nababaliw ka ba?" Tanong niya.
"Oo. Baliw na baliw ako sayo!"
"Gago! Tigilan mo ko! Ibaba mo ako sa pier."
"Hindi ka makakatakas. Kahit anong gawin mo!"
"Akala mo lang yun!"
"Subukan mo!"
"Ano bang problema mo?"
"Pakasal ka sa akin."
"E kung ayaw ko?"
"Di pwede!"
"Anong di pwede?"
"Pupunta ako sa parents mo! Kakausapin ko sila at sasabihing hawak kita."
"Ay grabe siya o!"
"Di ako nagbibiro!"
"Ako din!"
"Pakasal ka na kung ganun!"
"Ganun ba kadali yun? Kilala ba kita? Kilala mo ba ako?"
"Saka na. Pwede naman yun pag-kasal na tayo."
"Tapos pag di tayo nagclick, hiwalay ganun?"
"So iniisip mo na magpakasal?"
"Wala akong sinabi!"
"E bakit iniisip mo na mangyayari?"
"E kase nakakatawa ginagawa natin."
"Inisip mo nga!"
"Ewan ko sayo!"
"Gusto mo bang lumuhod pa ako sayo?"
"E di lumuhod ka!"
"So papayag ka na?"
"Ay luko ka talaga! Paano kang nanalo? Kung alam lang ng mga bumoto sayo yan, malamang di na nila ulitin!"
"Sayo lang ako ganito."
"Wow ha! Thank you!"
"Ayaw mo ba?"
"Saan?"
"Na may nababaliw sayong gwapo at Senador pa?"
"Di na kase makatotohanan!"
"Ang alin?"
"Eto! Dinaig pa nito ang pelikula. May ganito talaga?"
"Okay lang yun. Isang tanong isang sagot! Papayag ka ba?"
"Kapag di ako pumayag, anong gagawin mo?"
"Pipilitin kita!"
"Di mo ko mapilit!"
"Akala mo lang yun."
"Matapang ka masyado!"
"Sayo lang."
"Anong meron sa akin?"
"Aba, ewan ko sayo!"
"Luku-luko!"
"Basta gusto kita. Ikaw ang naiisip kong babagay sa pagiging misis ko."
"Paanong babagay?"
"Matapang ka. Maganda at lalo na, bagay tayo!"
"Paano mong nalaman?"
"Basta alam ko!"
"Di mo nga ako mabigyan ng tamang sagot e."
"E kase di ko rin alam! O sige, ulitin ko ha! Maiba naman tayo."
"O sige."
"Miss Nicomaine, Please marry me. Nagmamakaawa ako. Ayoko ng maghanap ng iba."
"Mr. Senator, pagpumayag ako, tatantanan mo na ako?"
"Siyempre hindi."
"E bakit pa ako papayag?"
"Kapag pumayag ka, I'll make you fall inlove with me."
"Talaga lang ha?"
"Promise, aalagaan kita. Let me show you!"
"Nakakatawa. O sige, maiba naman, payag ako sa isang kondisyon."
"Ano?"
"Papayag ako pero kunwari lang ang kasal natin kahit pa totong kasal yun. Para hindi na ako kulitin ng tatay ko na magtrabaho sa opisina niya. Isa pa, ipagpapatayo mo ako ng restaurant para doon ako magtrabaho. Walang kissing, hugging at kahit anong sexual activity. Unless.."
"Unless ano?"
"Na mainlove na ako sayo."
"I' ll make you fall for me!"
"Mahihirapan ka!"
"Papatunayan ko. Pero pwede tayong magtabi matulog?"
"Hindi!"
"E bakit pa tayo magpapakasal?"
"Wala lang. Maiba lang. Gusto mo e."
"Okay, I'll take it from there. Pero bawal pigilan ang sariling mailove ha?"
"Okay."
"Ngayon na. Handa mo na yan sarili mo."
"Anong ngayon na?"
"Pagdating sa rest house nandoon na yun judge na magkasal sa atin."
"Ambilis naman!"
"Pumayag ka na wala ng bawian!"
"You're impossible, Senator!"
"Kase you're unique!"
Alam ko madalian. Pero ganun din yun. Along the way magkakakilanlan din kami. At ipinapangako ko, hindi matatapos ang buwan na ito, mamahalin na ako ng babaeng ito. Pangako yan.
☆☆☆
Dei's
Natatawa ako sa sudden turn of events. Makatakas na kaya ako kay Tatay? Ano kaya ang magiging reaksiyon nila sakaling malaman nila na nagpakasal ako sa senador na ito? Magagawa ko na kaya ang gusto ko?
Daming tanong. Pero isa lang ang nasa isip ko, bakit ako pumayag sa kasal?
Ganun lang kadali? Di biro ang kasal?
Pero kase, ang lalim talaga. Makalaglag panty e! Mag-inarte pa ba ako?
Pagkakataon ko ng makatakas, may asawa pa akong gwapong senador.
Pwede bang bawiin yun kondisyon ko? Tanga ko talaga! Wala talagang hug at kiss man lang? Di kase nag-iisip! Banat ng banat!
Anyway, madali na yun. Ako bahala.
New life? New life!
Here I come...
A/N Alam ko kakaiba. Pero gusto kong ganito. Sawa na ako sa typical love story. Lagyan natin ng kakaiba.
BINABASA MO ANG
Akin Ka na Lang (Completed)
FanficA MaiChard/AlDub Fanfic. Mr. Senator meets Miss Stokwa. Find out how they will be entangled to love.