Dei's
Buhay may asawa is exciting. Pumapasok pa rin ako sa hotel and kapag uwian na, I make sure na maintindi ko ang asawa ko.
RJ met my family na rin. It was a fine day in Sunday. Day-off ko. After our 1st week of being husband and wife. Dumalaw sila Tatay kasama ang buong angkan namin. It was a festive day. Nagpa-cater kami ng food sa isang kilalang Catering service. And of course nagbake ako ng ilang pastries and cakes. Masaya dahil natanggap na nila Tatay na may asawa na talaga ako. Pero siyempre di mawawala yun pagbabanta ni Tatay nung una kay RJ pero ngayon, medyo maayos na kase nakita nila kung paano akong alagaan ng asawa ko. Isa na lang ang problema, yun father ni RJ at yun kuya niya ay numero unong against sa pagpapakasal namin. Pero para sa akin, gusto ko sanang tanggapin nila ako ngunit kung ayaw nila ay hindi ko na iyon problema. Tutal, si RJ ang masusunod. At ang pagmamahalan namin ang importante.
☆☆☆
Rj's
Finally nameet ko na rin ang family ni Dei. They were kind people. Nalaman kong nanggaling din sila sa mayaman at disenteng pamilya. Hindi kase binabanggit ni Dei ang tungkol sa mga ari-arian nila. Nalaman kong pagmamay-ari ng pamilya nila ang ilang Gasoline Stations sa kahabaan ng NLEX pati na rin sa Bulacan. May mga franchise sila ng McDonalds at may ospital din. So masasabi kong may maipagmamalaki pa rin ang asawa ko. Pero kung titignan mo sila, napakahumble at down to earth. Ang Tatay at Nanay niya, even ang mga kapatid niya ay hindi mo iisiping mayaman. Simple lang kase silang kumilos. Malayo sa mga taong masasabi mong maarte at matapobreng mayaman. Mas lalo ko tuloy minahal ang asawa ko. Dahil sa kagustuhan niyang tumayo sa kanyang sariling paa, ay mas gusto niyang magtrabaho sa ibang kumpanya kaysa sa kanila.
"Babe, nag-enjoy ba sila?" Tanong ko kay Dei.
"Babe, oo naman. Di lang sila sanay na may mga uniformed men na nakapaligid sa bahay. Para daw laging sasabak sa giyera."
"Ganun ba? Kunsabagay, nakakadistract nga! Kaya lang kailangan natin dahil sa trabaho ko, may mga death threats talaga."
"Okay lang babe, sanay na naman ako. And mababait pati sila. Nakagaanan ko na rin ng loob ang ibang nakasunod sa akin."
"Babe, mag-out of town kaya tayo kasama ang family mo? Para naman makabonding natin sila." Suggestion ko. Dahil sa susunod na buwan ay hectic na marahil ang trabaho ko. Kakabukas lang kase ng session at bago ang mga nahalal na opisyales. Sa bandang November pa ang pagre-recess ng session."
"Diba marami kayong trabaho?"
"Marami naman. Kaya lang what is 3 days lang ng pagsasaya?"
"No need na babe. Saka na lang. Besides, ayoko rin mag-absent. Magresign na nga ako in 3 weeks time e."
"Okay, ikaw ang masunod, babe. Nga pala, ang sarap nung binake mo na sansrival. Sa susunod ibake mo ako tapos ako lang ang kakain."
"Kaya ka manaba! Tignan mo yang tiyan mo, ang laki na."
"Okay lang yan. May asawa na naman ako. Di ko na kailangang magpa-sexy."
"Kahit na. Mas gusto ko yun unang pagkikita natin. Nakaka-L"
"So nae-L ka pala sa akin noon ha!"
"Hindi no!"
"Sinabi mo na!"
"Oo na!"
Okay, bukas na bukas din mag-gym ulit ako."
"Pero,iwasan ang mga babae sa gym! Kundi,tagpas ang manoy mo!"
"Grabe sa tagpas! Don't worry, sayo lang ito!"
"Good! Mabuti ng nagkakaintindihan tayo!"
"Tara na ligo na tayo!"
"Mamaya! Madami pa akong ayusin sa kusina. Yun mga ginamit ko, lilinisin ko pa!"
"Kaya na ng mga katulong iyon doon!"
"Hindi ganun! Di ako pinalaki na lahat iniaasa sa katulong. Kailangang kumilos din ako."
"O sige, tulungan na kita para madali. Tapos paliguan mo na ako ha?"
"Opo!"
"Tara bilis!"
Ang sarap ng buhay may-asawa ko. And nagpapasalamat ako kase napakabait at maasikaso ni Dei. Wala na akong mahihiling pang iba.
A/N Later po ulit..

BINABASA MO ANG
Akin Ka na Lang (Completed)
FanfictionA MaiChard/AlDub Fanfic. Mr. Senator meets Miss Stokwa. Find out how they will be entangled to love.