Dei's
Nakabalik na kami sa Manila. Today is our dayoff talaga. I chose Sundays as my dayoff para makapagsimba and makauwi ng Saturday sa family ko sa Bulacan. And luckyly, pareho kami Pat.
Nag-convoy lang kami pabalik sa Maynila.
Upon arriving sa condo ni Pat, dumiretso ako sa kwarto ko to pack my things. RJ is just looking at me. And occasionally, may mga phone calls siyang ginagawa. Sinabi ko kase na ako na lang ang mag-aayos ng gamit ko. Ayokong makita niya ang mga personal things ko kase nahihiya pa ako sa kanya.
"Babe, are you sure okay ka lang? I can help, you know."
"No need. Finish your calls muna and then we're set. Konti lang naman ang gamit ko."
In an hour, natapos kong mag-impake.
"So is this all? Kokonti naman ata?"
"Nang-aasar ka ba? Kita mo ngang 3 suitcases and then 4 utility boxes yan. Konti ka dyan!"
"Okay lang naman babe. Paakyatin ko yun limang tao ko para buhatin na yun gamit mo papunta sa sasakyan."
"Sige. I'll talk to Patty muna. Nag-eemote kase sa kwarto niya."
"Okay babe, take your time."
Lumabas ako sa kwarto at pinuntahan ang kaibigan ko sa kwarto niya pero wala ito sa room. Baka nasa kusina.
Nakita ko siyang kasalukuyang nagtitimpla ng coffee.
"Sweetie, okay ka lang ba? You know I can stay if you want."
"No need, Dei. May asawa ka na. Hindi pwedeng magkahiwalay kayo ng tirahan."
"Pero he can also stay here o kaya, ikaw na lang kaya sumama sa akin? What do you think?"
"Anu ka ba! Magiging ayos din ako. And besides, magkikita pa rin naman tayo sa hotel diba? Unless magresign ka na."
"Hindi pa. I'm giving a month notice muna para makakuha ng kapalit ko bago ako magresign. Kaya magkakasama pa tayo."
"Okay. Pero bes, promise mo, you'll be okay with what you chose ha! Ayokong makikita kang umiiyak. Kung paiiyakin ka lang niyang senador na yan, bumalik ka na lang sa akin. Ako mag-aalaga sayo."
"I know, bes. Pero please think about my offer. If ayaw mong tumira sa bahay ni RJ, you can still sleep over, diba?"
"Siyempre naman. During Saturdays, doon ako matutulog sa inyo."
"Good! So cheer up! Don't worry, si Kris, dadalawin ka lagi dito."
"Hala! Anong dalaw?"
"Akala ko ba type mo? Mukhang type ka rin e. Tignan mo mga tingin sayo o! Bantay na bantay ka!"
"Ikaw talaga! Pero oo nga kanina ko pa yan napapansin na nagpapapansin sa akin."
"Very Good! Kapag nanligaw, sagutin mo agad tapos gayahin ninyo kami ni RJ, kasal agad!"
"Luka-luka! Di pa ako baliw. I believe in the sanctity of marriage. Kaya ayoko ng style ninyo! Bulok!"
"O paano, Patty, we're going na. Ingat ka dito. Sabi ni Rj iwan daw niya muna si Kris para may kasama ka hanggang masanay ka na wala ako dito."
"Echosera!"
"Walang halong biro. Tanong mo kay RJ."
"Oo na nga. Pero ingat ka! I'm so happy for you, my friend!"
"Same here."
Umalis na kami sa condo ni Patty. At dahil napagkasunduan talaga na iwan si Kris doon, iniwan nga namin siya kay Patty. Napapakamot nga ng ulo si Kris na parang nahihiya na natutuwa na di mo malaman. Pag-ibig nga naman, walang pinipiling panahon at tao. Mukhang may part two ang mabilisang lovestory na ito.
☆☆☆
Inalalayan ako ni RJ sa pagbaba ng sasakyan niya. Masyado kaseng mataas samantalang ang liit ko lang na babae.
Papasok na kami sa loob ng bahay ng may sumalubong sa amin.
"There you are, pretty boy!" Bungad ng babae at sumampa pa siya kay Rj.
"Riza, ano ba! Huwag mo ngang lokohin ang asawa ko."
So this is Riza, yun bunsong kapatid ni RJ.
"Babe, this is Riza, kapatid kong makulit. Riza, ang asawa ko, ang ate Dei mo."
"Hi, ate! Paano kang naloko ng kapatid ko na ito?" Napalaki ang mata ko.
"Anong naloko ka diyan?"
"Joke. Gwapo talaga yan si Kuya at mabait. It's good nag-asawa na siya. Sana magkasundo tayo, kase yun isang ate ko, si Ate Alexis, iba iyon! Di ko gusto ang ugali."
"Hahaha.. tama ka Riza." Sang-ayon ni RJ ko. Oo RJ ko na kase akin na e.
"Riz, pagod si Ate Dei mo sat paglilipat, mamaya mo na siya kulitin. Pagpapahingahin ko lang ito."
"Okay lang, babe."
"You heard that, kuya? Okay lang daw."
"Di lang siya makakatanggi sayo. Pero no! Magpapahinga ka Dei. I said it."
"Sungit mo! Kala mo naman aagawan ng asawa! Ate sige, sa free time natin, bonding tayo ha?"
"Oo naman. Sige, Riza, akyat muna ako. Aayusin ko pa yun things ko."
"Go ahead."
Umakyat na ako. Masaya dahil kahit papaano, may tumanggap naman sa akin sa pamilya ni RJ.
Pagpasok ng kwarto, naalala ko yun marriage certificate namin.
"Babe, kailan mo ifile yun kasal natin?" Tanong ko.
"I will file it tomorrow din. Don't worry, I have it here sa akin. Di makuha ng kung sino. Mahirap na, baka mapeke na naman tayo. I'll file it myself."
"Okay babe. Buti naman. Huwag mo ng ipagkatiwala sa iba. Mamaya, gawin ulit yun ginawa sa atin dati."
"I will Babe. O sige, pahinga ka muna. Alam kong napagod ka. Tapos mamaya papagurin pa kita."
"Bastos!"
Binato ko yun pillow sa kanya. Sapol sa ilong.
"Aray!"
"Sorry. Kiss ko. Saan masakit?"
"Dito o.." sabay turo sa bibig niya.
"Sira! Pahinga ka rin. Yakap mo ako."
"Okay. Tulog tayo muna para mamaya may lakas tayo."
"Hoy, maya't-maya talaga?"
"Siyempre, honeymoon stage e."
"Ewan ko sayo."
Tinalikuran ko siya at napapikit hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa antok bunga ng pagod.
Naramdaman ko na lang na may nakayakap sa akin. Kaya lalo akong nakampante at natulog.
A/N Bukas po ulit.
![](https://img.wattpad.com/cover/118099636-288-k571721.jpg)
BINABASA MO ANG
Akin Ka na Lang (Completed)
FanfictionA MaiChard/AlDub Fanfic. Mr. Senator meets Miss Stokwa. Find out how they will be entangled to love.