Dei's
It's been 2 months.
Nung pumunta ako kay Patty, I've already decided to go home. Walang maaayos if I keep on running away. I need to face this. Alone. Yes alone! Meron ba akong makakasama?
When I got home sa Bulacan, instead of facing an angry Tatay and Nanay, kabaligtaran ang natanggap ko.
Tatay was very sorry for forcing me to marry Frankie. He keeps on saying sorry. He promised to stop bugging me about it. And nakahinga ako ng maluwag. Finally, tapos na yun chapter ng taguan at habulan.
As for Mr. Senator, nakikita ko siya sa TV. And I can say na parang imbes na gumwapo siya lalo, nagmukha siyang haggard. Bakit? Is this about me leaving? O dahil iniwan na naman siya ng Luisa na iyon? Pero whatever the reason behind that haggard look, I don't care anymore. Mas importante ang buhay ko. Na maayos ang buhay namin na magkalayo. It's time for a new chapter of my life. The life of Chef Nicomaine Dei C. Mendoza.
☆☆☆
Hindi ako humingi ng tulong kala Tatay regarding the restaurant thing. I can do this on my own. Magwork muna ako and kapag kaya ko ng magtayo ng sarili kong resto, dahil may ipon na ako, doon na lang ako magbusiness. Uunahin ko ang pagbili ng Condo kase sa Makati pa ang trabaho namin ni Patty.
Si Patty ang nagrecommend sa akin na makapasok sa trabaho niya bilang isang Sous Chef. Actually, Patty is aiming for the Executive Chef position, and sabi niya, she will help me get the job. And Thank God, natanggap ako.
We cater different cuisines. Pero ang forte ko talaga ay Pastry and Breads. Patty's forte is Pasta. And dahil nga magkapartner ang Pasta and Pastry, sinabi niyang mas gusto niya na ako ang kuning partner Pastry Chef.
"Pat, thank you! Kundi dahil sayo, hindi ko matutupad ang pangarap ko. Salamat."
"Anu ka ba! Sino pa ba magtutulungan kundi tayong dalawa? O ano trabaho na tayo. May mga VIP's daw na darating."
"Let's go! I love the kitchen talaga! Thanks Patty. Mamaya maghappy-happy tayo. Sagot ko."
"Okay. Sinabi mo yan ha!"
"Oo naman! By the way, yun opposite condo unit sa building mo, you said, binebenta?"
"Yep! And I told the broker interested ka. I already asked Dominic to reserve it for you."
"Iba ka! Malakas ka talaga sa lalaking iyon! Parang type ka niya Pat."
"Well... type ko din naman. Besides, his a decent guy. A Registered Broker, and kumikita ng malaki, buhay na ako, bes. Pwede na."
"Eh nanliligaw na naman ba?"
"Di nga e!"
"Invite kaya natin? Kunwari dahil sa condo na bibilhin ko. Pero siyempre, yun din naman talaga. Tapos segue natin yun sa inyo!"
"Gaga ka! Pero you have a point. Sige I'll call him later during break. Pero for now, ang dami natin lulutuin. Balita ko mga Senador ang nasa Dining."
"What? Senador?"
"Oo Senador! Bakit? Normal na sa kanila dito. Ano ka ba?"
"Talaga?"
"Balita ko pati, dito yun first dine out ng magic 24. Kasama pa yun pinakabata at gwapung-gwapo na Senator Faulkerson. Makikita ko na sa wakas in person."
"Si RJ?"
"Sinong RJ?"
"Sorry, si Senator Richard Faulkerson pala."
"O bakit RJ? Close kayo?"
"Naku hindi.. nu ka ba? Papansinin ba naman tayo ng ganun?"
"O bakit? Maganda tayo no!"
"Ikaw lang bes! Pang-model ang beauty mo."
"Ikaw din kaya. Bakit ba ang baba ng self-esteem mo?"
"Tama na nga! Let's work na. Tara."
Napapailing na lang si Patty sa akin. At ako naman, natakot, naexcite at kinabahan. Si Fake, may chance na makadaupang-palad ko. Pero huwag na. Magiging complicated pa. Sa part ko ha. Kase simula ng umalis ako sa poder niya, aaminin ko, araw-araw ko siyang naiisip. Kahit pa iwaksi ko sa utak ko. Makulit lang.
Naging busy na kami sa kitchen. Di ko malaman kung anong gagawin ko. Nariyang mailagay ko ng sobra ang asukal at asin sa mixture ko o kaya ay masobrahan ng tubig ang dapat ay isang cup lang.
Erase.. erase! Si senator lang yan. Nasa loob ako ng kitchen. Hindi niya ako makikita dito. Hindi naman kami lumalabas kaya okay lang.
Magtrabaho at huwag mag-isip. Mamaya mapalpak ang luto ko, masisante pa ako dito.
Pero there's this nagging feeling talaga na si Ex-Fake Husband, makikita kong muli. Wala naman masamang sumilay diba? Konti lang silay. Malaman ko lang kung may kirot pa ng bahagya..
A/N Hmmmmm... mamaya ulit. Mamalengke muna at magsalang ng labahin. Pero in between, may update pa rin! Charge ko muna itong phone ko para masaya. Para walang setbuwi!
BINABASA MO ANG
Akin Ka na Lang (Completed)
FanfictionA MaiChard/AlDub Fanfic. Mr. Senator meets Miss Stokwa. Find out how they will be entangled to love.