22

3.1K 198 7
                                        

Rj's

Inside the car..

Tahimik lang siya. Nasa kabilang dulo ng bintana. Ako rin nasa kabila namang dulo.

Paminsan-minsan ay sinusulyapan ko siya. Nakatingin kase siya sa labas na animo'y nag-iisip ng malalim.

At dahil hindi na ako makatiis ay inilapit ko ang sarili ko sa kanya.

Kinuha siya at inakbayan palapit sa akin.

"Bakit ka umalis? Bakit di mo ako hinintay para makapag-paliwanag?" Sabi ko sa kanya.

"Rj, mamaya na tayo mag-usap. Maririnig ng tauhan mo."

"Okay. Pero huwag ka ng tatakas muna. Mababaliw ako sayo."

"Shhh... mamaya na."

Inilapit ko ang ulo niya sa balikat ko. Ang sarap sa pakiramdam. Hindi din siya pumalag. Ihinilig niya ang ulo niya sa balikat ko.

Ipinatong ko ang ulo ko sa ulo niya at pumikit. Ito yun peace of mind na hinahanap ko. Siya lang ang makakapuno. Wala ng iba.

Nanatili kami sa ganung posisyon. Matagal bago kami nakarating sa bahay ko. Natrapik kami sa may Kalayaan. Biyernes kaya nagsilabasan ang mga sasakyan para gumimik sa mga gimikan.

Pagdating sa bahay ay pinagbukas kami ng pintuan ng sasakyan. Nauna ako at inalalayan ko siyang bumaba.

Inilagay kong muli ang nga braso ko sa beywang niya at hinawakan ang mga kamay na animo'y prinoprotektahan ko siya.

Pagkatapos makapasok sa loob ng bahay ay dinala ko siya sa sala.

Nakasunod na sila Kris at Patty.

"Senator, may iuutos pa po ba kayo? Doon muna kami sa labas." Sabi ni Rogelio.

"Siguro magpabili ako ng pagkain. Babe, anong gusto mo?" Tanong ko kay Dei. Alam kong gutom pa rin sila dahil di man lang nabawasan ang pagkain nila nung dumating kami sa food park.

"Gusto ko ng pizza. Pizzaburger sa Don Henricos." Sabat ni Patty.

"Okay. Ikaw babe? Anong gusto mo?" Tumabi na ako sa kanya. As in dikit. Walang space.

"Kahit ano na lang. Okay na sa akin."

"Gusto mo ng cake, ice cream, kahit ano?"

"Okay na yun. Kahit ano na nga lang."

"Rogelio, eto ang pera o. Pakiutusan yun dalawa sa tauhan natin na bumili ng pizza. Pizzaburger daw. 5 boxes na family size."

"Sige po, Senator."

Pag-alis ni Rogelio ay bumaling akong muli sa kanya. Nakayuko pa rin kase siya at magkahawak ang mga kamay.

"Senator, teka, matanong ko lang, paano kayo nagkakilala ni Dei?" Tanong nung Patty na kaibigan ni Dei. Hindi ko siya tinapunan ng tingin dahil ayokong mawalay sa mata ko si Dei.

Nakaramdam ata si Kris kaya ito na ang sumagot sa tanong nung Patty.

"Patty, long story. Ikwento ko sayo sa labas. Tara doon. Hayaan na muna nating mag-usap si Senator at si Miss  Dei." Yaya ni Kris.

"Teka nga, close ba tayo? Bakit maka-Patty ka diyan parang close na tayo?"

"Basta. Tara na. Mag-uusap sila." Hinila na niya ito papunta sa labas. Hinayaan nila kaming dalawa na makapagsarilinan.

Tahimik lang kase kami. Nakatingin lang ako kay Dei.

Tumayo ako. Lumuhod sa harap niya.

Itinaas ko ang nakayuko niyang ulo para iharap sa akin. Nanatili ang mga kamay ko sa dalawang pisngi niya.

Akin Ka na Lang (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon