Rj's
Nung tinawag si Luisa, hindi ko malaman kung anong gagawin ko. Ewan ko pero parang wala akong maramdaman.
"Hi, Hon. Miss me?" Bulong niya sa akin. Sabay halik sa labi ko.
Tumingin muna ako sa kanya. Pagkatapos ng ginawa niya sa harap ng maraming tao.
"Okay lang. Ikaw, kamusta? Kelan ka pa bumalik?" Tanong ko sa kanya.
"Eto, namiss kita. And when I saw the news na nanalo ka, I realized, I still love you."
"Narealize na mahal mo pa ako?"
"Oo. Ang dami kong sinayang na panahon ng iwan kita dahil sa malanding Divina na iyon. Ngayon, hindi na ako aalis. I'm taking you back."
"Lui, di na ako tulad ng dati." Nagbubulungan pa rin kami sa harap ng karamihan ng tao.
"Later, hon. Baka nabibigla ka lang. Let's enjoy your victory. Makakapaghintay yan."
"No,Luisa. I'm married. Hindi na tayo pwede."
"What?" Tumayo ito na kinagulat ng lahat. Napansin kong mag-iiskandalo siya kaya nag-excuse kaming dalawa.
"Please enjoy the party. May importante lang kaming pag-uusapan."
Umalis na kami. Lumabas sa pavilion. Alam na ni Kris ang gagawin niya. News blackout sa ginawa ni Luisa.
"Lui, I'm telling you the truth. May asawa na ako. Kanina lang kami ikinasal."
"Asan siya? Bakit wala dito ang asawa mo kung totoo man yan? You're just joking. I'm not buying it, RJ!"
"You should. It's the truth. She's at the rest house, resting right now."
"You're impossible! Hindi ako naniniwala! To see is to believe! You said you still love me. Last month lang iyon."
"Siguro nga! Pero last month pa yun. Nakita ko na yun bagong mahal ko."
"I don't think so. Akala mo lang yan! Ako pa rin ang mahal mo!"
"Sorry. I realized, hindi na kita mahal."
"Damn you! You'll see, magsisisi ka! Babalik ka rin sa akin!"
"Hindi na. Tapos na tayo, I'm sorry."
Iniwan ko na siya. Nilapitan ko si Kris para sabihing ihatid na ako sa rest house. Pero bago ako umalis ay nagpaalam ako. Sinabi kong magpapahinga na ako.
Dad was looking at me pero sinenyasan ko siya na some other time ko na sasabihin. It can wait. Ang di makakapaghintay ay ang asawa kong naghihintay sa bahay. Miss ko na agad siya. Naappreciate ko si Dei. Malayo siya kay Luisa. Bakit ako nagmahal ng ganung klase ng babae. Pagkasabi pa lang niya na narealize niyang mahal pa rin niya ako dahil nanalo ako sa eleksiyon, alam ko na sa sarili ko, wala na akong nararamdaman sa kanya. Napagtanto kong katulad din siya ng iba, user. Gusto lang nila ako dahil sa koneksiyon ko. Gusto lang nila ang atensiyon na makukuha nila kapag nadikit sila sa pangalan ko. Pero bukod doon, wala silang pakialam sa nararamdaman ko. Di tulad ni Dei, na hindi magtake ng advantage sa akin. Ayaw nga niyang ipagsabi na asawa ko na siya. Malayo sa mga babaeng gusto lang ng atensiyon.
"Kris, bilisan mo. Gusto ko ng makita si Dei."
"Sir, nakatanggap ako ng tawag sa body guard ni Dei, nakatakas daw ito. Pinainom siya ng pampatulog."
"What?" Napasuntok ako sa bintana ng kotse. Halos mabasag ko. Nakita ko ang pagdugo nito.
"Senator, may sugat ka, dadalhin ka muna namin sa ER."
"Ayoko! Asan na ang asawa ko? Bakit siya umalis? Akala ko nagkaintindihan na kami?
Napayuko ako. Di alintana ang sakit ng kamao ko. Wala ngayong mahalaga kundi ang makita ko ang asawa ko.
Pag-ibig na ba ito talaga? Kahit mabilis lang nangyari? Siguro. Kase di ko alam kung bakit ang sakit ng nararamdaman ko, singbigat ng sampung sako ng bigas na nakadagan sa dibdib ko. Asan ka na Dei?
"Sir, may isa pa pala kayong dapat malaman." Si Kris na naman.
"Ano na naman?" Mataas na boses ko.
"Sir, peke daw ang kasal ninyo. Tumawag sa akin si Matthew, si Judge Manalo na nagkasal sa inyo, bogus! Ang kuya daw ninyo nagpadala nun!"
"What?" Nagdilim na paningin ko. Pero kanino ko ibunton ang galit?
Pati sila Kuya may kinalaman sa kalokohang nangyayari sa buhay ko. Bakit ngayon pa? Kung kailan, kumpleto na ako. Isa na akong Senador, may asawa pa ako, na hindi pala totoo. Dahil pati kasal ko pineke nila. Kaya pala. Kung gaano ako kasaya kanina, ngayon naman ay pinagsakluban na ako ng langit.
Paano kung nalaman ni Dei na peke nga? Baka iyon ang dahilan kaya siya umalis. Pero sino nagsabi sa kanya?
Baka may kinalaman din si Kuya sa pagbabalik ni Luisa? Malamang! Niloko na nga nila ako ng pineke nila ang kasal ko, pati ang pagsulpot ni Luisa, alam kong pakana din nila.
Ang sama nila. Bunga ng inggit, ganito ang ginawa nila. Masasama!
A/N O ayan po ha! Hindi po kase niya talaga alam. May mga tao sa likod nito. Abangan bukas.
BINABASA MO ANG
Akin Ka na Lang (Completed)
Fiksi PenggemarA MaiChard/AlDub Fanfic. Mr. Senator meets Miss Stokwa. Find out how they will be entangled to love.