Dei's
Maaga akong nag-check out sa apartelle. I know magaling ang mga tauhan ni RJ sa mga ganitong hanapan. Napatunayan ko na yan. Malakas sila sa taas kaya alam kong matatagpuan nila ako agad. Pero I won't give them the satisafaction! Naiirita ako kaya ayoko pang umuwi. Although minsan nararamdaman ko ang self-pity, minsan naman nakakaramdam ako ng galit at tapang. Iba talaga kapag wala na sa hulog ang utak. Yan na yan ako.
I rode a taxi as soon as makapag-check out ako.
Naalala ko na may kaibigan akong madre. Sa Kumbento sa Tagaytay siya nakabase. Tama doon ako magtambay. Soul-searching ba. Malay mo mabigyan ako ng maayos na payo doon ng ang utak ko ay makali at makita ang tamang direksiyon. Sa ngayon kase, naguguluhan ako kung gusto ko ng umuwi kase miss ko na siya. Pero at the same time, naiisip ko rin na hindi na ako mahal ng asawa ko kase di ko siya mabigyan ng anak. Kaya nga iniwan niya ako kagabi at hindi man lang ako inamo para magbati kami. Basta masama pa rin ang loob ko and I won't back down. Not now! Mahirapan siya kase papahirapan ko siya sa kahahanap sa taong ayaw magpakita.
Kaya nagpahatid ako sa isang terminal, pa-Tagaytay. Nagsuot ng shades at nagtali ng buhok. Isinuot ko rin ang cap ko para di ako makilala. Malayo kase ang itsura ko sa socialite wife ni Senator.
☆☆☆
Nakarating ako sa kumbento ng alas dos ng hapon.
Agad kong hinanap si Sister Marie Therese. Ang dating classmate ko sa St. Paul Bocaue.
"Dei, what brought you here?"
"Sister, may problema lang ako."
"Tell me. Ano ba problema?"
"Nilayasan ko ang asawa ko..."
"I thought masaya ka sa buhay may asawa. I always see you sa mga Charity events. Anong problema?"
"Nag-away kami ni RJ."
"Anong dahilan? Mukha namang ayos si Senator. And nakita ko kung gaano ka niya kamahal. Nagraradiate yun sa TV."
"Actually we are happy naman. Until lang yesterday..."
"Teka, halika muna sa room ko. Based kase sa itsura mo, I can see na mukhang matagal ka pang magstokwa. You have a big bag e."
"Halata ba, Sister Marie?"
"Oo. Tara na."
We went directly to her room. Napakasimple lang ng room niya. Typical for a nun. Dapat kase simple lang ang buhay nila at malayo sa luho.
"Okay now, spill!" Utos niya.
"Kase ganito yun, you see one year na kaming kasal and hindi pa ako nabubuntis. Nagpacheck up na kami pareho pero normal naman. Ngayon he was accusing me na ayaw ko daw magbuntis and he is insinuating na baka ginagawa kong huwag magbuntis behind his back. Naiinggit kase siya sa kuya niya na buntis na naman ang asawa nito. It's not true naman na nagko-contraceptives ako. Gusto ko na kaya lang we don't talk about it naman. Akala ko okay lang sa kanya pero kagabi, we had a big fight. Yun nga ang dahilan."
"Oh I see. So nagdududa siya na baka gumagamit ka ng contraceptives behind his back? Is that right?"
"I guess so.."
"What did you say when he said that?"
"I was mad! Fuming mad! Tapos instead na makipagbati siya sa akin ay iniwan niya ako kagabi. Kaya ayun lumayas ako."
"Dei, wala akong karanasan sa pakikipagrelasyon sa isang tao. Alam mo naman kaya nga nagmadre ako pero isa lang ang maipapayo ko sayo, hindi kayo pwedeng ganyan. Mag-asawa na kayo. Kailangang pagtulungan ninyo na ayusin yan. At hindi tama na umalis ka. Paano kayo magkakaayos?"
"Sister, paano kung di na niya ako mahal?"
"Paano mong nalaman?"
"Kase di ko siya mabigyan ng anak. Isa pa, yun church wedding namin, ang tagal na dapat nangyari nun dahil nagkaayos na sila ng Daddy niya six months ago, pero ni hindi na niya nabanggit at parang di na niya balak gawin. Wala na siyang sinasabi tungkol doon. Okay na lang ata sa kanya na sa huwes lang ang kasal namin."
"May point ka. Pero paano mo nalaman na hindi ka na niya mahal? Tinanong mo ba siya? Sinabi ba niya sayo?"
"Hindi.. And ayoko ngang marinig kaya ako umalis."
"Mali pa rin. Hindi mo malalaman ang totoo kung hindi mo susubukang harapin si Senator. I know he loves you."
"Sa tingin mo ba Sister Marie?"
"Oo. Nakikita ng lahat iyon."
"Di ko po alam. Natatakot ako sa maaring lumabas sa bibig niya kapag kinausap ko siya kaya nga umalis ako."
"So anong balak mo ngayon?"
"Magtatago muna?"
"Tamo ka, di ka pala sigurado."
"Hindi ko rin alam e."
"Why don't you just stay here kahit isang araw lang? And let's think kung anong dapat mong gawin. Sa ngayon, magpahinga ka muna."
"Salamat, Sister Marie. Tatanawin kong malaking utang na loob sayo ito."
"Don't bother, Dei. So for now, try to rest. Iwan muna kita dito kase may rosary session kami."
"Salamat ulit."
Nakalabas na si Sister Marie, and sa ngayon, pinag-iisipan ko ang mga sinabi niya. Paano ko ngang malalaman ang sagot kung tinakbuhan ko na ang problema.
Hay! Grow up Dei!
A/N Laters po. Magluto lang ako ng lunch. Enjoy!
BINABASA MO ANG
Akin Ka na Lang (Completed)
FanfictionA MaiChard/AlDub Fanfic. Mr. Senator meets Miss Stokwa. Find out how they will be entangled to love.