Rj's
I'm phasing back and forth for 2 hours na. Sinasabayan ko ang paglakad ng asawa ko ng pabalik-balik sa loob ng suite namin.
She's 3 cm dilated na. Di pa kaya na mailabas si baby kaya we were advised na palakarin ko siya para bumuka ang sipit-spitin daw niya. At least 7cm daw ay irapture na yun waterbag niya. She's already tired and nakikita ko na sakit na sakit siya. Pero kailangan pa rin niyang maglakad-lakad para mapabilis ang pagbuka ng pelvic bones niya . She doesn't want a Caesarian Section delivery kahit I was suggesting it to her para matapos na yun sakit na nararanasan niya. Gusto niyang mag-normal delivery just like how her Nanay at Ate Nikki did. Kaya naman din daw niya kahit sa akin niya binabaling ang sakit dahil kaninaa pa niya ako pinipiga, hinahambalos at sinusuntok. Ganito ba ang mga manganganak? Bayolente? Pero okay lang basta maibsan ang sakit na nararamdaman niya.
The pain is becoming unbearable because of her facial expressions. Hindi na maipinta. Awang-awa ako sa asawa ko.
Actually may 20 minutes interval pa ang paghilab ng tiyan niya pero dahil masakit na siya talaga, napapahawak na si Dei ng mahigpit sa railings ng kama niya kapag sumasakit.
"Babe, higa ka muna. Ako ang nahihirapan sayo e."
"Nakakainis ka! Ikaw kaya dito! Ang sakit! Aray! Nakakainis ka!" Pinagpapalo niya ako samantalang nakatakip ang mga kamay ko sa ulo ko para makaiwas ang mga hampas ni Dei.
"Babe, naman. Masakit na. Tama na. Kung pwede ko lang tanggalin yan. Pa- CS ka na. Para matapos na yan sakit na nararamdaman mo."
"Ayoko! Nakakainis ka!" Tuloy pa rin siya sa paghampas sa akin. Alam kong para na akong tanga sa pinaggagawa niya pero ayos lang sa akin na masaktan para mabawasan man lang yun sakit na nararamdaman niya.
Tinantanan niya lang ako nung hindi na niya kayang makipagkulitan sa akin.
"Aray! RJ, wala ng interval, baka manganganak na ako! Tawagin mo na yun doktor!" Sigaw niya.
"Oo eto na babe. Sandali lang..oo nagmamadali na..diyan ka lang. Babe ayos ka lang? Babe?"
"Huwag mo na kong tanungin! Tawagin mo na yun doktor! NURSE!!!!MANGANGANAK NA ATA AKO!" Sigaw siya ng sigaw. Ang sakit sakit daw talaga! Matindi yun sakit na nararamdaman niya. Nanakbo ako palabas sa suite namin para tumawag ng doktor at Nurse.
Ilang sandali lang bumalik na ako. Kasama ang 3 nurse. Isinakay na nila ang asawa ko sa stretcher.
Lord, tulungan mo ang asawa ko. Alam kong nasasaktan siya ng sobra. Sana makaraos na siya. Salamat po. Dasal ko.
Sinamahan ko siya sa Delivery Room. Kita ko kung paanong nahihirapan si Misis.
"Rj, huwag mo kong iiwan dito!"
Dala ko kase ang phone ko at bini-video ko ang delivery ni Baby.
"Oo babe! Eto na.. sandali!"
"Hawakan mo yun kamay ko! Aray! Ang sakit! Ayoko na!" sigaw siya ng sigaw.
"Misis, push po pagsinabi ko. Huwag po kayong sumigaw. Mauubos ang lakas ninyo. Eto nakikita na namin ang ulo ni Baby."
Hinawakan ko ang kamay niya at pinupunasan ang noo niyang puro pawis. Pati ang mga mata niya ay puno ng luha. Kita ko ang hirap ng asawa ko. And proud ako sa kanya na para sa akin, nakakaya niya yun hirap ng panganganak.
Ilang sandali lang na pag-ire at mahigpit na paghawak sa kamay ko para kumuha siya ng lakas at pwersa, naialabas na rin ang baby namin. Finally, natapos na rin.
"Senator, lalaki ang baby ninyo ni Misis. Ang gwapo, kamukha ninyong pareho."
Binalot ito ng puting tela at ipinatong muna sa dibdib ni Dei. Naluluha kaming mag-asawa. Kinuhanan ko ng litrato ang unang groupie naming mag-anak. May luha sa mga mata pero kita ang ngiti at saya sa mga labi.
Iyon lang at kinuha rin si Baby para putulin ang umbilical cord niya.
I kissed my wife's forehead. She was so tired. Nagpapasalamat ako sa kanya sa pagpapakahirap para lang mapasaya ako.
"Babe, sundan mo si baby sa nursery.." yun ang sabi niya sa akin bago siya tuluyang natulog dahil sa pagod.
Paglabas ko sa delivery room, nag-aabang na sila Nanay at Tatay pati sila Daddy. Masaya sila para sa amin.
"Finally anak, Tatay ka na!" Bati ni Dad sa akin. Naluluha pa ako na niyakap ko sila.
"RJ, kamusta ang asawa mo?"
"Nililinisan na po siya. Ang gwapo ng anak ko. Kamukha ko siya, Dad, Tay, Nay! Ang saya saya ko." Niyakap ako ni Nanay. Walang mapag-sisidlan ang sayang nadarama ko.
Alam kong kakaiba ang pagmamahalan namin sa simula pero makikita na kahit pa hindi kami nagmula sa matagalan relasyon bago kami nagpakasal sa huwes, masasabing tunay at wagas ang pagmamahalan namin. Dahil kahit kakaiba ang pag-ibig namin ay nakayanan naming mapatibay ito.
☆☆☆
I was excited na magising si Dei. Pagud na pagod siya sa panganganak.
Umuwi muna ang parents namin kagabi pagkapanganak niya. Kami lang dalawa ang naiwan at ang ilang tauhan ko na nasa labas lang ng kwarto.
Pinagmamasdan ko si Dei habanga natutulog siya. Kita sa mukha niya ang pagod pero may liwanag at saya sa mahimbing niyang tulog. Hindi ko maiwasang ma-inlove ng paulit-ulit sa asawa ko. Napakaganda niya.
Di ko namalayan na nagising na pala siya.
"Babe nauuhaw ako.." sabi niya. Dali-dali akong kumuha ng tubig.
"Babe, kamusta ka na? May masakit pa rin ba? Ano pang gusto mo?"
"Okay lang ako. Relax ka lang."
"Hindi kase ako mapalagay hangga't di a ka nagigising."
"Okay na ako. Si baby kamusta siya? Asan na siya? Gusto ko na siyang makita. Kamuka ko ba? Sino kamukha?"
"Ang gwapo ng baby natin. Babe, I love you. Thank you."
Naluha kami pareho. Puno ng saya ang mga luha namin.
"Babe, can you tell the nurse, gusto kong makita si Baby. I want to go to the nursery."
"Sige babe." Tinawag ko yun nurse. Pumayag naman daw ang doktor. Tutal normal delivery naman siya.
When we went to our baby, di namin mapigilan ni Dei na maluha. Luha ng saya.
She breastfed our junior. While breastfeeding umiiyak siya.
Wala na akong mahihiling pa. Kumpleto na ako. Isa na lang, ang pagpapakasal namin sa simbahan. Akala ata niya nalimutan ko na, hindi pa. And gagawin ko ang proposal bago kami mag- 2years anniversary.
A/N Try ko isa pa mamaya.. no proofread po ako ngayon. Segue ko lang pagsulat kaya may mga typo errors o wrong grammars.
BINABASA MO ANG
Akin Ka na Lang (Completed)
FanfictionA MaiChard/AlDub Fanfic. Mr. Senator meets Miss Stokwa. Find out how they will be entangled to love.