40

2.5K 168 5
                                    

Rj's

It's been three days, 2 hours and 38 minutes. Bilang na bilang ko ang oras na wala si Dei. Nababalisa na ako. Kahit pumasok ako sa session, di ko pa rin magawa ng maayos ang trabaho ko. Buti na lang nagkaroon ng 6.1 earthquake at ramdam sa Senate Building ang yanig kaya we were told to evacuate the building. Cancelled ang session hanggang Thursday kaya may dalawang araw akong makakapaglibot para hanapin siya. Pati kalamidad napapasalamatan ko na rin kahit dapat itong ikabahala.

Ano ba ang nangyayari sa asawa ko?

Pati sila Daddy ay nababahala na rin dahil sa pag-alis ni Dei.

"Son, relax. Uuwi rin ang asawa mo."

"Paano Dad? Di ko na alam kung saan pa siya hahanapin. Lahat na ng mga lugar na alam kong pwede niyang puntahan pinuntahan ko na. Pati mga ospital, kahit naman ayaw ko e nagawa ng puntahan ng mga tauhan ko kase baka kung ano ng nangyari sa kanya. Ang hindi ko na lang nagawang papuntahan  ay ang mga morgue. Di ko kakayanin kapag nangyari iyon. Ayokong isipin. Pero bakit hanggang ngayon di pa rin siya umuuwi? Ganun ba siya kagalit?"

Naiinis na ako sa ginagawa niya pero hindi ko pa rin siya magawang pabayaan. Lamang ang pagmamahal ko sa asawa ko.

"Anak, hayaan mo muna si Dei. Baka may pinagdadaanan talaga ang asawa mo. Pasensiya na rin kase dahil pala sa paghiling ko ng apo sa inyo ay nagkaroon pa kayo ng away."

"Dad, ayos lang. Matagal ko na rin naman kaseng iniisip yun. Pero di ko napigil ang sarili ko, nasabi ko ang di ko dapat sinabi. Ngayon eto nawawala siya."

"Bakit di kaya mag-paprescon ka? Malamang may makapagtuturo na sa asawa mo? Diba sabi mo mahal na mahal mo si Dei? Ngayon ang panahon para ipakita mo sa kanya na mahal na mahal mo siya. At isa pa baka naman nahihiya na rin umuwi dito dahil sa nangyari. Susuportahan kita doon anak."

"Salamat Dad. Gagawin ko na nga iyan. Ako na ang aako sa kasalanan. Kung iyon ang paraan para makita niya na mahal na mahal ko siya at kahit di pa kami magkaanak, mahal ko pa rin siya."

"Good, RJ!"

Dad called some people from the press para magpa-presscon ako.

Buo na sa loob ko na kailangan kong matagpuan ang asawa ko dahil kapag tumagal pa ng isang araw ito, hindi ko na kakayanin.

A/N Short update po..Pero later ang mga ganap. May asikasuhin lang ako. Patila ng ulan kase aalis ako. Kaya instead na maghintay maubos ang patak, nag-update na po ako ulit.

Akin Ka na Lang (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon