Dei's
Dahil sa kalukahan ko na sumilay dahil narinig ko sa umpukan ng mga kababaihang crew na dumating na daw yun gwapong Senador ay natempt akong sumilip.
At totoo nga! Ang gwapo ni Ex-fake husband. Makalaglag panty pa rin. Magpakita kaya ako sa kanya? Ano kaya ang gagawin ni mokong? Try lang. Tutal naman hindi naman totoo ang kasal namin at may karapatan akong gumala sa lahat ng lugar na gusto kong puntahan, kahit nandoon pa siya. Ano nga kaya?
Pero nanaig pa rin sa akin yun hiya. Naisip ko rin na baka itanggi niyang kilala ako. Kakayanin ko ba yun kapahiyaan na yun? Yun awa na maramdaman ko sa sarili ko? Hindi! Dito lang ako. Kiber na di kami magkita. Okay na sa akin ang malayuang tingin. Nakakasilay naman ako. Gwapo talaga e. Di ko tuloy maiwasang magsisi na iniwan ko siya. Paano naman kase, ayaw na sa akin. Di pa nga kami nakakaporma, sopla agad. No chance kumbaga.
Nakasilip ako ng bigla akong tapikin ni Patty.
"Huy! Sino sinisilip mo?"
"Wala naman. Ngayon lang kase ako nakakita ng mga senador."
"Tse! Kunwari ka pa! Si Faulkerson lang ang sinisipat mo. Type mo?"
"Hala siya! Di ako papansinin niyan!"
"Malay mo?"
"No chance! Tigilan yan! Tara na, iserve na yun dessert."
"Hay naku, paano ka maliligawan kung nagtatago ka dito sa kusina?"
"Okay na ako na single. Masaya na ako. Kaysa namang tulad ni Frankie makuha ko."
"Kunsabagay.."
Sumilip pa ako sandali pagkatapos ay iniwan ko na siya ng huling tingin.
Sa muli nating pagkikita, ex-fake husband..
Bulong ko sa hangin.
☆☆☆
Natapos ang event sa hotel. Kakapagod. Ang takbuhan at pressure na naranasan namin sa kitchen, natapos rin. Naisantabi ko ang pag-iisip kay RJ. Yun naman ang dapat e.
After shift, nagkasundo kami ni Patty na umuwi na sa condo niya. Nakikitira muna ako sa kanya para mapalapit ako sa trabaho.
Nauna na ako sa parking lot at may mga instructions pa siya sa crew namin. I was on my way to her car when a snatcher tried to take my bag.
"Help! Tulong!" Nakikipag-agawan ako sa snatcher. Naglabas na nga ng kutsilyo e.
"Huwag ka ng pumalag Miss. Akin na yang bag mo! Kung ayaw mong mamatay!"
Di ko binibitawan yun bag ko. Kahit naghihilahan kami.
"Bitawan mo yang bag ko! Mahal yan!"
"Napaka-imposible mo ate, yun bag lang pala inaalala mo."
Bigla na lang may humambalos sa lalaki, dahilan para bumulagta ito. Sinakyan ng lalaki ang snatcher at hinawakan ang dalawang kamay patalikod para maitali.
"Miss, akin na yung panyo mo. Itatali natin itong walanghiyang ito!"
Nagmadali akong ilabas ang panyo ko. Buti na lang meron.
Inabot ko sa kanya.
Itinali niya at sinabing tumawag na ako ng security.
Ilang sandali lang ay dumating na si Patty.
"Anong nangyari, Dei?"
"Kamuntik ng masnatch ang bag ko. Buti na lang tinulungan ako ng mamang ito."
Kasalukuyang ipinoposas na ang magnanakaw ng lumapit ang lalaki sa amin.
"Salamat ha. Kundi dahil sayo,nakuha na yun bag ko. Mahal pa naman nito."
"Dei, talagang bag ang inisip mo? Di mo naisip na baka saktan ka nung snatcher?"
"May sentimental value ito. Huwag kayo. Pero salamat kuya."
"Kris po ang pangalan ko."
"Salamat Kris. Si Patty. Kaibigan ko. Chef kami diyan sa Dusit."
"You know what, Dei? Kris, sumama ka na sa amin magdinner. Libre nitong tinulungan mo."
"Mabuti pa nga. Di pa ako nakakain e." Sinabi ni Pat kay Kris kung saan kami tutuloy at pinasusunod na lang itong Kris na ito.
Habang naglalakad kami papunta sa kotse ni Pat, bigla ko na lang naisip. Pamilyar yun Kris sa akin. Di ko lang alam kung saan kami nagkita. Basta he looks familiar. Saan ko nga ba siya nakita?
"Huy! Ano na naman tumatakbo sa isip mo?"
"Wala naman. Yun kanina. Nakakatakot pala na malagay sa peligro. Dapat talaga may tagapagtanggol."
"So type mo si Kris?"
"Loko! Hindi no! Di ganun ang type ko. Mas type ko yun ano.."
"Tulad ni Senator?"
"Gaga! Lalo na! Di keri ng ganda ko ang matataas na taong tulad nun. Pang-middle class lang ako. Low maintenance ba."
"Echosera ka! Tara na."
A/N You're in to a big revelation Dei. Kami lang nakakaalam. Pero ikaw, sorry ka. Wala kang muwang! Salamat kay Mr. Snatcher, natunton ka tuloy.
After lunch na po ulit..
BINABASA MO ANG
Akin Ka na Lang (Completed)
FanfictionA MaiChard/AlDub Fanfic. Mr. Senator meets Miss Stokwa. Find out how they will be entangled to love.