Dei's
The morning after..
Nagising ako ng mag-aalas diyes na ng umaga. I was alone in bed. Maybe he went out already.
I stood up. Pinakiramdaman ang sarili ko. Finally, the V-card is crossed out.
Medyo masakit ang mga hita ko. Ramdam ko rin ang sakit ng katawan ko sa exercise na ginawa namin kagabi. Pero kahit na ganun, may ngiti pa rin sa labi ko. Masaya ako na naibigay ko ang sarili ko sa lalaking mahal ko. Yes, I felt the love after making love with him. It was the sweetest thing that ever happened to me.
After a few minutes of reminiscing our lovemaking, I stood up to go to the bathroom. Gusto kong maligo, kase medyo nanlalagkit din ako.
Matagal akong nagshower to ease the pain down there.
Pagkatapos maligo, lumabas na ako ng kwarto only to find RJ lying down in bed again.
"Saan ka galing, babe?" I asked him.
"I talked to my men, Babe."
"About what?"
"Sinabihan kong magready na kase we will go back to Manila after lunch."
"Okay. Si Patty nasaan?"
"She's with Kris. Kinukulit ang tauhan ko."
"You mean to say, Patty is flirting with Kris?"
"It's what I see."
"Ows? Talaga lang ha? Si Patty? Napakamanang nun!"
"Malay mo naman. Anyway, di pa ako nagbreakfast. Hinihintay kita. I let you sleep pa kase alam ko pinagod kita."
"Mabuti't alam mo. Sige, magbihis lang ako."
"Mamaya na kaya."
"At bakit? Ano na naman ang balak mo?"
"Halika dito. Iisa pa ako bago tayo bumaba."
"Sira! Naligo na ako."
"E di ulitin natin. Paliliguan kita ulit."
Wala na akong sinabi. Hinila na naman ako at nalaglag ang tuwalyang nakatapis sa akin sa carpeted floor.
☆☆☆
Mga 11 am, ay bumaba na kami. Gutom na rin ako.
"Babe, papakainin kita. Pinagod kita ulit e."
"Kase naman, napaka mo!"
"Kailangan magpalakas ka kase mamaya't-mayain kita. Tara na, susubuan kita."
"Harot mo."
"Sayo lang."
"Hoy, kayo nga huwag mang-inggit! Kawawa naman yun mga walang lovelife o!" Sigaw ni Patty na papasok din ng kusina.
"E di maghanap ka na ng boyfriend." Sagot ko.
"Ginawa ko na yan, day! Wala talagang magkamali!"
"Kase naman, day, sa sobrang ganda mo, natatakot ang mga lalaki sayo." Pinaparinggan ko talaga si Kris para gumawa ng move. Pero parang tuod pa rin ito na nakatayo sa sulok. Nagbabantay. Marahil dahil ang amo ay nakaharap.
"Rj, alam mo, kaya ganyan yang tauhan mo, kase takot sayo." Bulong ko sa kanya.
"Anong ako? Siyempre trabaho niya ang magbantay sa akin." Sagot niya.
"Kaya nga. Utusan mo ngang idate si Patty. Sige na!"
"Okay. Basta sinabi mo. Papayag ako. Ikaw pa! Mahal na mahal kaya kita."
"Good. Gumawa ka ng paraan kundi, wala kang kalabit mamayang gabi."
"So? Sa akin ka na uuwi?"
"Aba bakit? Asawa mo na ako. So gusto mo kay Patty pa rin ako umuwi?"
"Siyempre hindi. Umuwi tayo ng maaga para makuha na natin ang mga gamit mo doon. Tapos sabihan ko si Kris na samahan muna si Pat dahil malungkot kase aalis ka na." Bulong niya sa akin.
"Hoy kayong mag-asawa! Alam ko pinag-uusapan ninyo!" Sigaw ni Patty.
"Pat, makasigaw ka ha! Kanina ka pa!"
"E kase, pinagtri-tripan ninyo lovelife ko!"
"Di ah! Akala mo lang yun!" Natatawa kami ni RJ sa inis na inis na si Patty.
"Sinasabi ko na! Makikita mo Menggay!"
"Hahaha!"
Kumain na kami. Pagkatapos ay nag-ayos na para bumalik sa Maynila. Kukuhanin ko lang ang mga gamit ko kay Patty. Nagkaintindihan na rin kami ni RJ na magtrabaho pa rin ako ng isang buwan tapos, magresign na rin after. Gusto kong magpaalam ng maayos sa trabaho ko. Kahit papaano kase ay naging mabait ang mga kasamahan namin sa akin pati na ang Manager ng Xafe.
A/N So bukas, simula na ng buhay may asawa naman. See you tomorrow.
BINABASA MO ANG
Akin Ka na Lang (Completed)
FanficA MaiChard/AlDub Fanfic. Mr. Senator meets Miss Stokwa. Find out how they will be entangled to love.