24

2.8K 185 7
                                    

Rj's

Napauwi din ako sa wakas. Kundi lang dadating si Dad sa bahay, kahit abutin kami ng umaga at kahit pa di ako makatulog, di ako uuwi. Pero siyempre papatulugin ko ang babe ko. Babantayan ko nga lang siya habang natutulog. Ganun ko talaga siya kamahal. Nakakatawa man pero iyon ako e. Nadala na ako sa paglisan niya dati. At ayoko ng mangyari ulit iyon dati. Hindi na ako papayag. So siguro naman, reasonable reason yun para sa lahat. And wala akong pakialam kung anong sasabihin ng iba. Basta masaya akong parang asungot na nakabuntot kay Dei. Walang pagsisidlan ang kasiyahan ko. To the highest level talaga. Self-bakod na ako ngayon. Bawal ng lapitan ng kung sino dahil baka iyon na naman maging dahilan ng pag-iwan niya sa akin. Tulad nun kay Luisa. Kaya hindi ko na hahayaan kahit kailan na magselos siya.

Nangingiti-ngiti pa ako habang nag-iisip ng baliin ni Kris ang thoughts ko.

"Sir, ano ng gagawin mo? Paano yun lumabas na balita?"

"Magpaprescon ako kahit ngayon din. Tawagan mo si Nelson Canlas. Sa kanya ako magsasalita."

"Sir di pa pwede."

"Bakit?"

"Baka nalilimutan ninyo,  di pa ninyo nakakausap ang parents ni Mam Dei."

"Oo nga pero kailangan kong protektahan ang babe ko."

Aysus, kinanya ko na talaga. Talaga namang akin na e.

"Kayo bahala Sir. Tatawagan ko na ba si Sir Canlas?"

"Oo. Malamang alam na rin niya nangyayari."

"Copy Sir."

May ngiti sa labi dahil maipagsisigawan ko na sa buong mundo na babaeng nagpatibok ng puso ko ng singbilis ng kidlat ay mapapasa-akin muli. And walang makakapigil doon, kahit si Daddy o si Kuya pa yan, idamay pa yun parents ni Dei. Basta ang gusto kong makasama sa buhay ay si Dei.

"Nga pala Kris, pakitawagan si Aicelle. Pakisabi iayos na yun kasal namin. Kumuha ng pinakamagaling na Wedding Coordinator."

"Sir, di ninyo ba muna tatanungin si Mam Dei?"

"Bukas na. Pero gusto ko meron ng mag-asikaso."

"Eh kung di pumayag ang Tatay niya sa inyo?"

"Kris! Ako ba kinokontra mo?"

"Hindi Sir! Sinasabi ko lang yun mga possible scenario nakakaharapin ninyo."

"Ayokong isipin yan. At hindi na mangyayari yan. Di ako papayag! Matutuloy na ito." Sumimangot na ako. Si Kris lang ang nakakapagsabi sa akin ng ganyan dahil mula bata ay magkasama na kami.

"Sige Sir. Tatawagan ko agad bukas."

"Bakit di pa ngayon?"

"Sir, one thirty na ng madaling araw. Baka tulog na iyon."

"Okay..okay... first thing in the morning gawin mo yan ha!"

"Opo! Mabilis pa sa alas kwatro."

Napangiti na ako. Kailangan ko ang lahat ng tulong na pwede kong makuha. Kahit sino, kahit ano! Basta makasal lang kami ni Dei. Hindi na talaga ako makakapaghintay.

☆☆☆

Nakarating kami sa bahay ng alas dos. May konting daloy pa rin kase ng trapik dahil weekends.

Pagpasok sa bahay ay naroon na si Dad, si Kuya at si Alexis na asawa ni Kuya.

"Magandang umaga, Senator." Bati ni Dad.

"Dad, naman... nang-aasar ka?"

"Naaasar ka?"

"Hindi sa ganun!"

"Okay. Ipinapaalala ko lang sayo na senador ka! Hindi ka teenager na parang tanga sa kahahabol sa babaeng iyon. Kumilos kang parang senador."

Napapailing ako. Sa tono kase ng pananalita ni Dad ay hindi niya nagustuhan ang ginawa ko. Pero buhay ko ito, wala na silang pakialam.

"Rj, my God, ang tanda mo na! At sa isang foodpark ka pa talaga lumuhod sa babaeng iyon? Hindi mo ba naisip ang sasabihin ng iba?" Sabat ng Kuya ko.

"Wala kayong pakialam sa gusto kong gawin. Buhay ko ito! I know what I'm doing!" Nainis na akong tuluyan sa narinig ko.

"It seems wala ka sa katinuan, RJ. A senator won't do such thing. Nakakahiya."  Sabat ng asawa ni Kuya.

"Dad, akala ko nagkasundo na tayo na okay lang hanapin ko ang asawa ko. Anong nangyari?"

"Rj, wala naman problema e. Kaya lang hindi ang tipo niya ang gusto ko para sayo. Nakausap ko si House Speaker. Gusto ka niyang ireto sa anak niyang si Julianna."

"Dad, buhay ko ito. Hindi ako magpapadikta lalo na sa lovelife ko. Stop it!"

"Kailangan mong gawin. Dahil sa totoo lang, malaki ang maitutulong ni Speaker para sa susunod na eleksiyon, maging Presidente ka na. Mas makikilala ka dahil ang anak ni Speaker ay isang magaling na abogado at graduate pa ng Harvard. Di tulad ng babaeng kinahuhumalingan mo! Saan ba siya nagmula? Baka oportunista lang yan!"

"And isa pa. Mamaya ginagamit ka lang ng babaeng yan para sa mga ambisyon niya!" Dagdag pa ni Kuya.

"Baka nalilimutan mo Daniel, di pa kita napapatawad sa ginawa mo sa amin ni Dei. Huwag ka ng makialam!"

"I will! If I know what I'm doing is right. You have to listen to Dad. Alam namin ang makakabuti sayo!"

"You're impossible! Ang tanda ko na para pakialaman ninyo pa buhay ko! Just get lost, Daniel! I don't need your opinion!"

Magsasalita pa sana yun asawa ni Kuya but I shut her.

"Don't you dare give your opinion, Alexis. You have no right! Asawa ka lang ni Kuya!" Sigaw ko.

Inupakan ako ni kuya. Nagpambuno kami.

"Stop it, you two!" Awat nila Dad at Kris.

"You don't get to tell me what to do! This is my life! I know what to do, and I don't want you messing with me and Dei! You understand! And isa pa,I know what's going on in your mind Dad! Alam kong tungkol ito sa project na ia-approve ni Speaker. Huwag mo ng ituloy at di ko susuportahan iyan!" Nilayasan ko na sila. Hindi ako papayag na ang pamilya ko pa ang magiging dahilan ng paghihiwalay na naman namin. No! I won't let it! Kahit itakwil pa nila ako.

Alam kong political ambition na naman ang pakay ni Dad sa pagreto sa akin sa anak ni Speaker. Pero ayoko!  Gusto kase niyang makuha ang project ng road widening sa buong Visayas at Mindanao. And si Speaker ang head ng committee na nag-aapprove nito. Madumi rin lumaro si Daddy. He's not the righteous man everybody knows him to be. And I won't let it na masira niya kami ni Dei and lalo na ang reputasyong binuo ni Lolo dahil lang sa kagustuhang lumaki pa lalo ang aming kumpanya. Never gonna happen!

A/N Later.. later at later ulit! I'm excited to write na pero magluluto ako ng lunch! So see you mga readers. Keep the votes on! And the comments, I get motivated by the comments. Thank you!

Akin Ka na Lang (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon