Rj's
I went home immediately. Excited dahil sa wakas, recess na namin sa Senado.
Nakarating agad ako sa bahay. I looked for Dei and my son. Maaga pa naman dahil alas sais pa lang ng gabi.
"Yaya, asan po si Dei?" Dumiretso kase muna ako sa room ng baby ko dahil alam kong doon ko makikita ang asawa ko.
"Ay, umalis siya Sir kanina pang alas tres ng hapon. Magshopping daw dahil namiss niya yun." Di ko alam kung bakit kinabahan ako. Hindi mahilig si Dei mag-shopping. Alam ko iyon. She's a homebody.
Tinawagan ko ang phone niya pero cannot be reached ito. Hindi gagawin ni Dei ang magpatay ng cellphone unless.... ayokong isipin talaga.. lumayas na naman siya?
I gave her the benefit of the doubt. Wala naman siyang dahilan para umalis. And iniisip ko na hindi niya iiwan ang baby namin. Mahal na mahal niya ito. Alam kong hindi niya kakayanin mawalay kay Dean. Kaya I decided to wait for her. Maaga pa naman. Tatlong oras pa lang naman siyang nawawala.
Nagpalit ako ng damit at nagstay na lang muna sa nursery ni Dean. Matagal ko na rin kaseng hindi naaalagaan ang baby boy ko.
I waited for her. Hindi muna ako nagdinner, sabay na lang kami.
I waited for her kahit mag-aalas nueve na ng gabi.
I waited for her kahit inip na inip na ako at gutom na gutom.
I waited for her kahit malakas ang kaba ng dibdib ko dahil sarado na ang mga mall dahil gabing-gabi na pero wala pa rin siya.
I waited for Dei kahit alam kong iniwan na naman niya ako at malamang may dinaramdam na naman siya at may kinalaman ako dito.
Nagsimula na akong umiyak. Gusto kong magwala. Eto na naman kami sa paglalayas niya. Hindi ba siya napapagod? Ano na naman ang dahilan kung bakit siya nagkakaganyan?
Sinilip ko ang anak kong mahimbing na natutulog. Pagkatapos ay binuksan ang baby monitor. Binilinan si Yaya Fe na doon na matulog sa kwarto ng bata. Hahanapin ko na naman ang asawa kong nawawala dahil naglayas.
Kinuha ko ang susi ng kotse ko, hindi ko pinasama ang mga tauhan ko. Hahanapin ko siya ng mag-isa.
Una kong pinuntahan si Patty at Kris. Nagulat sila dahil di naman daw nagpunta doon si Dei. Wala din daw silang alam na problema nito dahil masaya naman si Dei ng huling nakausap ni Pat. Hindi ako nagtagal doon kahit pinipilit nila na sasamahan ako sa paghahanap. In the end, sinabi ko sa kanila na maghiwalay kami sa paghahanap.
Nagdrive ako papunta sa Tagaytay, kahit nakakahiya ay kinatok ko ang kumbento at hinanap si Dei doon. Pero wala siya.
Saan na naman nag-punta ang asawa ko?
Kaya ko pa bang tanggapin na parte na ng buhay namin ang paglalayas niya? Na iyon lagi ang gagawin niya kapag hindi niya masabi sa akin ang dahilan ng ikinagagalit niya? Hindi ko na alam.
Nagmaneho ulit ako pabalik sa Maynila. Paminsan ay tumitigil ako sa gilid ng daan para icheck kung tumawag ba siya o may balita na sa kanya. Pero wala. Tuluyan na ata akong nilayasan ng asawa ko. Pero di ko alam kung babalik pa ba siya o tatanggapin ko na hindi niya talaga kayang manatili sa isang lugar at harapin ang mga problema. Basta ang alam ko, walang katapusan ang pasensiyang ibibigay ko sa kanya. Ganun ko siya kamahal. Siya ang buhay ko. Sa kanya lang ako sasaya.
Dumiretso ako sa pagmamaneho pabalik ng Maynila. Walang direksiyon, ang pakay lamang ay makita ang asawa ko.
Mag-aalas tres na ng madaling araw ng mapagod ako. Iidlip muna ako. Kailangan kong magpahinga dahil hahanapin ko siya agad pagkagising ko.
BINABASA MO ANG
Akin Ka na Lang (Completed)
Fiksi PenggemarA MaiChard/AlDub Fanfic. Mr. Senator meets Miss Stokwa. Find out how they will be entangled to love.